Sa tabing Ilog ang ating tagpuan
Binuo natin ang salitang kaibigan
Malayang pinagbuklod ng mahiwagang musika
Mga pangarap natin dito nag-umpisa.Hinanda ko ang kamay para sa aking instrumento
Upang sabayan ang liriko at tempo
Kukulayan natin ng isang daang tono
Ikaw ang himig... gitara naman ako.Ang tinig mong malamig na umiindayon sa hangin
Inaawit ang awitin na para lang sa atin
Na parang isang dasal at isang panalangin
Na dito sa pandinig, gumuguhit sa damdamin.Pumalaot tayo sa daigdig ng musika't sining
Ipinamalas ang mga talentong angkin
Tumapak sa entablado, hinawakan ang mikropono
Naabot ko ang langit, bituin ang nasungkit mo.Isang awit sa isang milyong palakpak
Dalawang tipa sa gitara, kasabay ang pag-indak
Hindi magkamayaw nagmamahal na tagahanga
Umaapaw, bumubuhos, umuulan ng biyaya.Pangalan natin naitala sa peryodiko
Larawan natin nakilala nang buong mundo
Napakasarap mag-uwi ng karangalan
Medalya't tropeyo, hinahandog sa bayan.Kung ito'y isang panagip, ayaw ko nang magising
Kung ito'y isang pangarap, pilit itong aabutin
Kung ito'y isang dagat , ito'y aking lalanguyinBalakid man ang malaking alon...
tayo'y aahon at muling babangon.Sa likod ng entablado umusbong ang paghanga
Ang simpleng kaibigan, ngayon nagkaibigan?
Pinagtagpo nga ba tayo ng musika't pag-ibig?Sa likod ng Gitara...mahal na kita
Sinasambit nitong bibig.
Konsepto at Disenyo ng Pabalat:
OneH4-Ram ✍️
(Photo Editor)Copyright © 2020 by OneH4-Ram
BINABASA MO ANG
SIMPLENG TULA
PoetrySa aking pluma at kuwaderno magmumula Mga salitang binubuo ng aking diwa Sa aking pusong nag-aalab na lumikha Binabalangkas ang mga SIMPLENG TULA . 📝 Poetry