Hawak ko ang isang Gintong Medalyon
Na hindi kumukupas sa nakalipas na panahon
Mula sa kaibigang may busilak na kalooban
Wagas ang kanyang pag-ibig na hindi malilimutan.Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha
Sa Gintong Medalyon nakaukit, nakapinta
Naghahatid ng isang bagong umagaSa likod ng Gintong Medalyon nakalilok ang isang krus
Simbolo ng kabanalan, alay nito'y kaligtasan
Namulat sa isipan mga kabutihan mong taglay
Naitala sa banal na libro--ang halaga ng iyong buhay.Hindi matatawaran, hindi mapapantayan
Ang isang kadakilaan na minahal mo ako nang lubusan
Tinubos mo ang aking buhay na may bahid ng kasalananTinahak ang mahirap na kalbaryo
ilang beses napahandusay sa kinatatayuan mo
Koronang tinik na ipinutong sa iyong ulo
Sa bawat patak ng masagana mong dugo...
katumbas nito ang kaligtasan ko.Kaibigan kong sa krus nakabayubay
Inalay niya sa atin ang kanyang buhay
Sa kabanal-banalan niyang mga paa't mga paladMula sa kasantusantusan mong mukha
Pumapatak ang bumabaha kong mga luha
Sino ba ako na minahal mo?
At patuloy mong minamahal, sa kabila ng pagkukulang ko.Mula sa malalim kong pagkakahimbing--ako'y nagising
May bahid pa ng mga luha, mga matang dumadalangin
Handa na ako kaibigan sa mga bukas na daratingAng Gintong Medalyon ay bahagi ng aking panaginip
Nakakubli sa puso, nakatanim sa aking isip
Nagpapaalala... nagpapakilala
Si Jesu-Cristo ang mabuting kaibigan...
sandigan--
ang ating Diyos na malalapitan.⚜️
Copyright ©2021 by OneH4-Ram
BINABASA MO ANG
SIMPLENG TULA
شِعرSa aking pluma at kuwaderno magmumula Mga salitang binubuo ng aking diwa Sa aking pusong nag-aalab na lumikha Binabalangkas ang mga SIMPLENG TULA . 📝 Poetry