Chapter 3 -- February 14

46 1 0
                                    

Author's note: Yahoo! After 48 years, nakapag-update na din sa wakas!

Okay! Leggo start!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Malia! Ano ba naman yan! Lutang ka na naman! Mag saing ka na!!" Sigaw ni Auntie sakin

Hayyy! Tama nga si auntie, lutang na lutang ako nitong mga nakaraang araw. Eh sino ba namang hindi? Eh masayaw ka sa harap ng madaming tao ng isang gwapong lalaki! And take note, malapit pa kaming mag halikan nung mga panahong iyon! Waaaaah! Ano ba naman yan, kinikilig na naman ako kahit ilang months ng nakaraan yun! Pesteng kilig hormones to oh! Pero oh well, BACK TO REALITY na naman tayo! Tapos na ang pagde-daydream ko, at eto na naman ako sa pagiging Forever Alone ko! :(

"MALIAAAA! ISAAAAAAAAAA!!" Sigaw ulit ni Auntie

"Opo, bababa na po!" 

Nang nakababa na ako at nakasaing...,

"All by myseeeelllfffff, don't wanna be" 

Emeged! That's my ringtone! Hahaha! Eh kasi naman, Forever alone nga ako diba, kaya panindigan na!

Calling Bebs..

Kala niyo boypren ko? Na-uh! Bestfriend ko yan, si Babylyn. Unique ng name noh? Baby nga name, tanda naman ng mukha! Hahaha! Emeged, I am so mean! MWAHAHA!

"Yes bebs, napatawag you!"

[Bakla, what's yerr plan? It's almost vday!]

"Huh? Sinong may birthday?" 

[Tangeks, VDAY.. Valentines Day!]

"Ahw sus jusmi! Kala ko kung sinong may birthday. Plan? Edi trabaho, tulog, kain, trabaho ulit, bantay sa store!"

[Omigosh! Don't tell me, wala kang balak gumala ngayong Valentines?]

"Sus, eh normal na araw lang naman yan para sakin eh! Sinong tangang single naman ang magce-celebrate niyan aber?"

[You are so KJ! Ganito nalang, samahan mo nalang ako magbo-boy hunt!]

"Oh tingnan mo to, kala ko ba may date ka niyan! Psh!"

[Pleaseeee.. Samahan mo na'ko! Date tayo! mehehe!]

"Yuck, ikaw? Date ko!? Kahit maging lalaki ako, di kita ide-date! HAHAHA!"

[You are so mean! Argh! Sige na pretty pretty pleasseeeeee!]

"Sige na nga! Pasalamat ka bespren kita! Grrrr!"

[Okay, kita tayo niyan sa Something Something Mall.. 5pm! Be there! BYEEE!]

"tek-.."

*toot toot*

Pesteng babaeng to, di man lang ako pinatapos magsalita! Bastusing bata talaga! Pasalamat talaga siya! Kundi, Naku! Kung anong nagawa ko! Hahaha! Joke lang! Mahal ko yun kahit ganun yun! 

--February 14

*GISING NAAAAAAAAAAAAAAAA!! GISING NAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!*

Uwaaa! Good morning sunshine! Ganda ganda ng tulog ko! Well, kung nagtataka kayo kung ano yang "gising na", that's my alarm tone! Hahahaha! Si Babylyn ang nag record niyan sa phone ko! Hahaha! Tunog wang wang kasi yung babaeng yun kung sisigaw kaya siya ang ginawa kong alarm! Hahahaha! 

Ms. Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon