Chapter 3.2

47 3 2
                                    

A/N: Sorry po sa late UD. Busy lang po talaga sa mga bagay bagay. <3

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko akalaing makikita ko ulit ang prince charming ko dito. Ang gwapo niya pa rin talaga, at parang mas lalo siyang gumwapo kumpara nung una ko siyang nakita, nung sinayawan niya ako. Hayyy. Nalalaglag talaga ang panga ko sa kanya pati na'rin eyeglasses ko nalalaglag na eh. 

Inayos ko nalang ang eyeglasses ko at pagkaupo ko habang pinapanood ko siya sa malayo. Ang gwapo niyang tumawa, ang ganda ng kanyang mga mata at ang kanyang pamatay na dimples. Sino ba namang hindi mai-inlove sa kanya? Siguro tawagin niyo na akong hibang pero siguro talagang in love na talaga ako sa kanya. 

Bigla naman siyang tumayo sa kinauupuan niya, kaya't nagulat ako. Naku, aalis na ba siya? Hindi pa nga ako tapos kaka tingin sa kanya. Ano ba naman yan. 

Pero nagulat ako nung bigla siyang lumakad papalapit sa akin? Waaaah. Parang biglang nag slow-mo lahat. Parang ang dating maingay na bar ay naging tahimik habang papunta siya sa akin. At mas nagulat ako nung....

NGUMITI SIYA SA AKIN???

WAAAHHHHH! Nananginip ba ako? Totoo ba ito? NGUMITI TALAGA SIYA SA AKIN?? WAAAAH! Siguro naalala niya ako. WAAAHH!

Habang lumalapit siya sa akin, ngumiti naman ako sa kanya at kumaway, siyempre kailangan gantihan ko din siya ng ngiti with matching kaway, baka ma turn-off pa to sa akin eh. Hehehe.

Nung nakalapit na siya, tumayo na ako sa kinauupuan ko para salubungin ko siya nang...

Eh? Ano bang nangyari? Kausap niya yung bartender? T-teka? Diba dapat ako yung nginitian niya? Teka? Ako ba talaga? WAAAAH! Lumingon ako sa kanila, at WAAAH! EPIC FAIL! Hindi nga ako! 

Umupo nalang ako ulit. Naman eh! Nakakahiya! Mygash! 

"Uy pare kumusta na?" Tanong ni JAP dun sa bartender.

"Okay naman pare. Ikaw? Pumanget ka pare! HAHAHA!" Sagot naman ni Mr. Bartender. 

Oo, rinig na rinig ko ang usapan nila, dahil unfortunately, nasa tabi ko lang si JAP habang kausap niya yung nginitian niyang bartender kanina! Nakakainis! Hindi pwede! Dapat gagawa ako ng paraan! 

"E-excuse me." Tinawag ko ang atensyon ng bartender. Pero hindi parin nakikinig sa akin, parang enjoy na enjoy pa rin siyang kausap si JAP. 

"EXCUSE ME!" 

Ayan napalakas tuloy ang pagtawag ko sa kanya. 

"Ah, yes maam? Ano po iyon? Kung hinahanap niyo po ang anak niyo, naku pasensya na po, hindi ko po nakita." 

Aba loko tong bartender na to ah! Pero patience Malia, patience! Andyan si JAP, hindi ka dapat magalit dahil baka ma turn-off.

"Ahm, hindi po yun ang sadya ko kuya. 20 palang po ako, fresh na fresh. Ahm, o-order lang sana ako."

"Ahh, sorry po maam. Ano pong o-orderin niyo?" Tanong niya. Habang si JAP ay nakayuko lang. 

"Isang shot ng tequila please!" Eh sa nababadtrip na talaga ako dahil sa kagagawan ko kanina. Nakakahiya.

---------

"WAAAHHHHHH!!! *hik* BAKIT GANUN?!?! *hik* NAKAKAHIYA TALAGAAA *hik*" Pagrereklamo ko habang pasan pasan ako sa balikat ng isang hindi ko kilalang nilalang. 

"Tama na yan, lasing ka na!" Sabat naman niya. Aba! Kapal nitong unknown creature na'tong pagsabihan akong lasing ako!

"ANONG LASHING! *hik* SHINONG LASHING HA?!" Sigaw ko sa kanya. Baka naman si Bebs to!

"HOY BEBS! *hik* ASHAN NA YUNG DATE MO KANINA?! HA?" 

Nahihilo na talaga ako, parang hindi ko na talaga maaninag si Bebs eh. Siguro nga lasing na talaga ako dahil hindi na malinaw sa akin at parang doble na ang paningin ko. Salamat nalang talaga at andito si Bebs.

"Alam mo bebs, masaya ako kasi nandyan ka para sa akin. Hindi naman talaga ako forever alone dahil andyan ka. Hindi totoo yung mga sinasabi nilang walang nagmamahal sa akin, dahil andyan ka pa rin naman eh."

At tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang mga nangungutya sa akin simula nung bata pa ako. Sabi nila hindi na daw ako magkaka asawa dahil hindi naman ako kapansin pansin at walang magkakagusto sa akin. Siguro nga tama sila. Dahil ngayon, alam ko na talagang hinding hindi na ako papansinin. Kahit siguro yung rapist sa daan eh babale-walain lang ako. Hayy.

"Tama nga siguro sila bebs, tama sila. Walang wala na talagang magkakagusto sa akin." Inayos naman ni Bebs ang pagkapasan niya sa akin. 

Doble pa rin ang paningin ko kaya hindi ko alam kung saan kami patungo ni Bebs. Kalahati na kasing nakabuka ang mga mata ko. 

Tuluyan naman akong ipinasok ni bebs sa kanyang kotse at iniayos ako sa pagkakaupo. 

"Hindi totoo yan, may nagmamahal at magmamahal sa'yo Lizelle."

Narinig kong sabi ni Bebs, at hinawi niya ang mga buhok ko at pakiramdam ko, parang may humalik sa akin. Hindi ko lang alam kung saan.

Hanggang sa nakatulog na ako.. 

Pero bakit boses lalaki si Bebs????

O____O

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Short update. Thank you po sa pagbabasa.. ILOVEYOUALL. <3

Ms. Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon