Chapter 4

25 2 1
                                    

A/N: Sorry talaga sa super late update. Huhubels. I'll try to update every other day na talaga. Hehe. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napabukas ako ng aking kaliwang mata nang mapansin kong may liwanag na na tumatama sa akin. Umaga na pala, kaya't kailangan ko nang mag madali dahil baka male-late ako sa trabaho ko. Siyempre, umayos na ako at naghikab.

Pero.. WAAAAHHHH! Napahimas naman ako sa tuktok ko sa sobrang sakit! Ang sakit talaga ng ulo ko. Teka, ano bang nakain ko. Grabe, parang may nagco-construction lang sa loob ng ulo ko sa sobrang sakit. 

Umiiling-iling nalang ako para mawala ang sakit ng ulo ko at inayos ang sarili ko. Nang tuluyan namang nakabukas ang mga mata ko. 

Teka? 

Bakit parang lumaki bigla ang kwarto ko? Tapos color white? Tapos parang hotel lang? Teka? Nasan ba ako??? 

WAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! Ano to??? Hindi nga ito ang kwarto ko, kasi may ref, may flat screen TV, may balcony at may CR! Hotel nga ito! OMG!

Ano ba kasing nangyari kagabi? Ba't wala na akong maalala! Di kaya na rape ako tapos sosyal yung rapist kaya sa hotel niya ako dinala? OMG! ANG PURI KO!!! WAAAAHHHHHH! OH NO!!!

Bigla naman akong napatakip sa bibig ko nang maalala ko bigla lahat ng mga nangyari sa akin. Pero hindi ko talaga maalala kung sino yung naghatid kagabi. Si bebs nga kaya yon? Pero ba't ganun? Boses lalaki? Ano ba talaga? Baka sa sobrang lasing ko lang kaya nagtunog lalaki na si Bebs para sakin. Hayyy. Ewan. Siguro si Bebs nga!

Nag ikot ikot na din ako sa buong kwarto, at di nga ako nagkamaling hotel ito. At napansin ko naman ang isang service trolley sa may pintuan. Na curious ako kaya't binuksan ko. At ayun nga, mga pagkain. Waaaah. Ang sarap naman. American breakfast pa. 

Baka naman para sa akin talaga to. Hmmmm. Kaya't hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kinain na din ang pagkain sa service trolley. Ang bait naman ni bebs at nag iwan pa talaga ng pagkain para sa akin. 

Nang natapos akong kumain. Naligo agad ako at inayos ang sarili ko. Napagdesisyonan ko na ding mag leave muna sa trabaho dahil masakit pa rin talaga ang ulo ko. Tinawagan ko nalang ang iba kong mga ka-opisina na sila munang bahala sa shift ko. 

Inenjoy ko nalang ang hotel stay ko dahil minsan lang to sa buhay ko. Ang yaman na din talaga ni Babylyn eh! Dati ginagawa lang namin yang muchacha sa bahay bahayan aba akalain mong donya na ngayon! Hahaha. 

Agad ko namang tinext si Bebs at nagpasalamat sa kanya sa pag alaga niya sa akin kagabi at sa pag check in niya sa akin dito sa hotel. 

Nang nakalabas na ako sa hotel, agad naman akong umuwi ng bahay dahil sigurado akong nag-aalala na sina auntie sa akin at naku, sermon na naman ang abot ko.

"Auntie, andito na po ako!" 

"Auntie?" 

Nakapagtataka. Bakit parang wala sila ngayon dito sa bahay? Eh bukas naman ang ilaw.

"Auntie? Yuhooo? Maggie? Huy, asan kayo?" Hinanap ko naman sila sa buong bahay kaso wala. 

 Ano ba'yan, iniwan na naman nila. Waaah. Nakakainis. San kaya sila nag punta?

Pumunta naman ako sa kusina at may napansin akong note sa may fridge.

"Malia, aalis muna kami ni Maggie, uuwi muna kaming probinsya dahil nagka alitan na naman daw sina tiyo sa lupa, mahigit isang linggo kaming mawawala, ikaw muna ang bahala sa bahay at tindahan, at wag na wag mong kakalimutang pakainin ang aso kundi malalagot ka sa'kin."

Psh, pati ba naman sa note sermon parin ng sermon si auntie. 

Hayy, pinaninindigan ko na talaga tong pagiging forever alone ko ah. Palagi nalang akong mag-isa. Kung sabagay, dapat masanay na ako dahil pag aalis na ako sa puder nina auntie at magkakaroon ng sariling buhay, for sure, ganito din ang buhay ko. Sa totoo lang pangarap kong magkaroon ng pamilya. Bumuo ng isang ordinaryo pero masayang pamilya magkaroon ng mga anak at papag-aralin din sila. Pero alam kong hinding-hindi mangyayari yun sakin.

*beep*

Biglang napukaw ang atensyon ko sa cellphone ko, may nag text. 

From: Babylyn

Hoy, anong pinagsasabi mong hotel. Wala na akong maalala kagabi malia. Ang alam ko hinatid ka ng isang super duper hot guy sa isang hotel kaya di na kita inistorbo. Akala ko nga nag toot toot na kayo eh at nakabingwit ka na ng isda sa wakas. Hehehe. Kumusta first night nyo?

O_____________________________O

AKJDNJLSALAKJSALKJSLKAJSA

WHAT THE? 

Hindi si Babylyn ang nagdala sakin sa hotel kagabi? 

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!! 

Oh noes! T___T

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Short update. Hehehe. 

I'm back! <3

Ms. Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon