Chapter 2

54 2 0
                                    

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" 

Yan ang nakakabingi at wagas na sigaw ng mga babae sa gilid, likod at harap ko! Grabe! Sino ba namang hindi makakatili ng wagas eh ang gwapo ba naman nung nasa harap ko! Nakakalaglag panty! 

"JAP! MARRY ME!" Sigaw nung katabi babae.

Nakapagtataka, sikat pala si Prince Charming of my dreams. Nanonood naman ako ng TV pero ba't hindi ko siya napapansin at napapanood? Baguhan ba siya? Ba't andami na niyang fans? 

Sinubukan kong tanungin tungkol kay Prince Charming ang mga babaeng katabi ko, pero umiirap lang sila sakin. May iba ngang pinandidirian ako! Pero buti nalang may nagmagandang loob na sagutin ang tanong ko.

"Pstt. Ate, hindi mo siya kilala?" Tanong nung isang babaeng katabi ko.

"Ahh, hindi eh." Simple kong sagot. Psh. Magtatanong ba ako kung kilala ko? Common sense naman!

"Well, siya lang naman si JAP! Sikat yan teh!" Pagmalaki niya.

"Talaga? Eh hindi ko naman siya nakikita sa TV eh." Paliwanag ko naman.

"Ate naman! Wala ba kayong internet sa bahay? Internet famous yang si JAP! Sikat sa twitter, facebook, tumblr at youtube yan dahil bukod sa gwapo, eh talented pa!"

"Eh malay ko bang sikat siya sa internet, eh sa wala kaming ganun sa bahay! Call center agent nga ako, pero hindi ako mahilig mag surf ng net. Hanggang facebook at wattpad lang ang buhay ko." 

"Tsk. tsk, you're missing the fun ate!" Panghihinayang niyang sagot

Bigla naman akong napaisip, kung talented naman pala siya, ba't hindi nalang siya mag artista? Eh artistahin naman si Prince Charming of my dreams ah. 

Bigla namang napatigil ang pag-iisip ko nang natapos sumayaw si JAP at nagsalita yung emcee. 

"Wow! Nag enjoy ba kayo sa performance ni JAP?" Tanong nung host.

"YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS" Sigaw at tili naman ng mga fans niya. 

"Gusto niyo pa ba?" Tanong uli ni Ms. Host

"Oo! WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ulit ng mga girls

Ako naman hindi na magkamayaw ang tenga ko sa mga sigaw nila, parang siguro pagkatapos nito, hinding hindi ko na maririnig ang mga sermon ng tyahin ko. Buti nga yun eh. Hehe. 

"Well, iibahin natin ang flow. Kukuha tayo ngayon ng isang girl from the audience at pupunta siya dito sa stage para sayawan ni JAP" 

Paliwanag ng host, matapos magpaliwanag, hindi na ulit magkamayaw ang mga babae, sabik na sabik silang mapili ng host para masayaw mismo ni Jap. Kaso ang sabi ng host, isang babae lang daw ang pipiliin, at ang maswerteng babaeng yun ang makaka experience ng seductive moves ni Jap. Nagtulakan, nagbanggaan, at nagkabangayan sila para lang makuha. Naku, kahit na desperada akong malapitan si Prince Charming a.k.a Jap ko, eh hindi naman ako tulad nilang makikipag away lang dahil sa ganyan. Sapat na sakin na mapanood ko siya. Sus, as if naman ding mapipili ako noh? Eh ang pipiliin lang yung mga magaganda at yung mga tipong babae ni Jap. 

"Okay girls. Nakapili na kami kung sinong sasayawin ni Jap. Ready na ba kayo girls?" Tanong ulit ni Ms. Host sa mga desperadang babae. Siyempre, tilian na naman sila. 

Dahan dahan namang bumababa ang host papuntang audience area. Siyempre, madaming pasikot sikot yung host, dumaan sa kanan, gilid, kaliwa, harap at kung saan saan. Pero ang nakakagulat....

naglakad siya...

papunta..

SAKIN? 

O___________________________________________O

"Ikaw!.. Ikaw ang napili namin para sayawan ni Jap!" Turo nung host sa akin.

Parang nabato naman ako sa kinatatayuan ko, at sobrang nagulat ako dahil hindi ko talaga in-expect na ako yung mapipili. Eh sino ba naman kasing mage-expect, eh parang hindi naman ako bagay para sayawan ng isang Jap! Samantalang ang mga babae naman ay nadismaya at hindi inaasahang ako yung mapipili. Ako lang kasi talaga ang may kakaibang itsura sa kanila eh. Psh.

"Ano ba yan! Hindi naman yan bagay eh! Mukhang manang! BOOOO!" Sigaw nung isang fan girl.

"Oo nga! BOOOOOOOOOOOO" sabi naman ni Fan girl 2.

Grabe naman, parang nanliit naman ako sa sarili ko. Hayy! Oo na, hindi na ako karapatdapat, pero may magagawa pa ba ako? Eh hinila nalang ako bigla nung host papuntang stage eh. 

Nung nasa stage na ako, nalaglag ang panga ko! Literally! Dahil nakita ko ng malapitan ang PRINCE CHARMING ko! Ang gwapo niya talaga sa malapitan. Shems! Gravity! Hayy! Nasan ba si facundo para mahanap ang panty ko? Nalaglag eh! Hahaha! Pero seriously, Oo, ang gwapo niya talaga.

Bigla namang nag dim ang lights at tumugtog na ang isang di pamilyar na tugtog. Pang sexy dance eh, pero upbeat. Sumayaw muna si Jap sa center stage, at dahan dahang lumapit sakin. Shet! Grabe lang, parang any minute pwede na akong mahimatay sa pinaggagagawa nitong taong to! Hinawakan niya ang mukha ko at tumititig sakin na para bang nagse-seduce. Pawis na pawis siya at ramdam kong hinihingal na siya, pero ang sexy niya pa rin kahit ganon. Lumapit naman ang mukha niya sa mukha ko at nakaramdam ako ng matinding beating ng heart ko. Hinawakan niya sunod ang balikat ko at umikot ikot kami na parang mag-asawang nagse-sway. Bawat pitik at indak niya sa harap ko, ay ramdam na ramdam ko at parang ang tindi ng koneksyon niya sakin. Nang natapos, nagulat ako sa ginawa niya..

hinalikan niya ako sa 

cheeks.. at kumindat!

Eto na ba yun? Ang simula ng love story ko? Malapit na ba yung pinakahihintay kong moment, yung sa wakas eh magkakaboyfriend na ako, at sa prince charming ko pa? WAAAAAAAAAAAAAHHHH!

SANA NGA!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!! 

*to be continued*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Note: Hahaha. Ewan ko ano nang pinagsususulat ko! Hindi ko maintindihan. Pero sana nakabawi naman ako sa medyo mahaba habang hindi pag u-update. Promise ko next week, tatapusin ko na to. Pero eto muna for now. Salamat sa nagbasa, sana basahin niyo ulit! Charing! Thank you. Hehe. Eto na naman si ako, feeling daming readers! HAHAHA! Pasensya na din at hindi sigurado ang plot ko dito, pero ita-try ko yung best kong maging worth reading ang story na ito kahit for fun lang siya. 

Thank you! God Bless. ♥

-Mrs. Choi ♥

Ms. Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon