Chapter 1

81 2 2
                                    

"You may now kiss your bride.."

Akmang hahalikan na ako ng prince charming ko, ayan na.....

Palapit na..

Lapit..

Lapit..

"HOYYYYYYYYYY MALIAAAAAAAAAA"

Huh? Teka? Ba't sinisigawan ako ng prince charming ko? Anyare? Tapos, tunog babae? 

"MALIAAAAAAAAAAAAA!" 

Bigla naman akong napatingin sa paligid ko! Jusme, panaginip lang pala. Andun na eh, hahalikan na ako ni Prince Charming ko. Hayy. Wrong timing naman eh.

"Kanina pa may bibili sa tindahan Malia, tapos ikaw natutulog ka lang dyan. I-uuwi nalang kita sa nanay mo kung ganyan lang pala ang inaasal mo."

Ngayon nga lang nakapagpahinga yung tao eh tapos tong si auntie maka sermon wagas. Bilang masunuring bata, pumunta na akong tindahan.

"Ale, pa load nga po!" 

Aba't tinawag akong ale? Anong akala niya sakin, trenta anyos? Tong batang to, papaltusin ko to eh!

"Hoy hijo, anong ALE pinagsasabi mo jan!" Sigaw ko sa kanya.

"Ah edi... MANANG?" natatawang sabi nung bata.

"HOY CHANAK! ANONG TINGIN MO SAKIN? MATANDA?" Sigaw ko ulit sa kanya. 

"HOY MANANG.. BAKIT HINDI BA?" 

"HOY BATA! FYI.. Hindi pa ako MATANDA NOH! 20 years old pa lang kaya ako.. NBSB.. Fresh na fresh!" Proud na sabi ko sa kanya

"Fresh? eh para nga kayong PANIS eh! HAHAHAHAHAHA" 

"Aba't buset na bata to! UMALIS KA NA NGA! BUSET! WAG KA NANG BABALIK PA!!" sabay pakita sa kanya ng mala pacquiao kong kamao!

Nakakainis talaga yung batang yun! Kala mo kung sino! Hayy, teka. Ano bang masama sa itsura ko? Wala naman ah? Kahit na hindi ako kagandahan, hindi din naman ako masyadong pangit at yung tipong patapon na ng lipunan. Normal lang ang itsura ko. Pilipinang pilipina at hindi yung pang wattpad na itsura na nakikita natin sa multimedia. 

Hayy, bago pa ako mahantong sa panenermon, eh hayaan niyo munang ipakilala ko ang sarili ko. Ako nga pala si Maria Lizelle Aliya Delos Reyes, Malia nalang para hindi masyadong komplikado. 20 years old at graduate ng kursong IT at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang call center company. At isa lang talaga ang masasabi ko sa sarili ko, hopeless romantic ako. NBSB and currently looking for someone. Hindi lang basta basta someone, may standards ako sa paghahanap ng SOMEONE na yan. Dapat yung gwapo, mayaman, prince charming ang dating, gentleman, mabait at tanggap kung sino ako. 

"HOY MALIA, anong tinutunganga mo dyan?" Biglang sumulpot si Auntie. 

"Ah.. Wala po auntie." Tarantang sagot ko sa kanya. Badtrip! Kung kailan ang ganda ganda ng pagde-daydream ko, saka pa umepal si auntie. Nakakainis!

"San na yung customer kanina? Ba't nawala?" OMG! Baka nalaman ni Auntie na sinigawan ko yung chanak na yun.

"Ah eh auntie, nagpapa load po kasi ng sun kaso wala na tayong sun eh. Ubos na!" Palusot ko sa kanya.. Sana lumusot!

"Ahh.. Ganun ba. Oh sige, ganito nalang, pumunta kang mall, magpa load wallet ka dun" Phew! Buti naman lumusot!

"Oh sige po Auntie." 

Nasa mall na ako at alam niyo ba anong ginagawa ko sa mall? 

BOY HUNTING! 

Yan ang kaligayahan ko pag nasa mall ako, naghahanap ako ng gwapo at paminsan nga nagpapansin pa, hindi naman yung O.A na papansin, yung kunwari tatabi kuno. Kaso, hayy, ang malas ko nga talaga sa mga ganyan eh. Yung iba kasing gwapo, may girlfriend, tapos ang gaganda pa. Yung iba naman..... sad to say....... member ng

FEDERATION! :(

Nasa may customer service na ako ng mall at magpapaload na. Napansin kong, gwapo yung nag assist sakin. 

"Hello Maam, welcome to *toot toot* customer service. How may I help you?" Sabi ni Mr. Pogi at ngumiti pa. Shet ang gwapo! 

"Ah.. magpapaload wallet lang po ako" Sabi ko sa kanya, sabay abot nung number na gagamitin para sa load wallet. 

"Ahh, maam may senior's citizen ID po kayo?" Tanong ni Mr. Pogi

ANUDAW??? SENIOR CITIZEN ID?? BWISET NAMAN OH! ANO BA TALAGANG ITSURA KO? MUKHA BA TALAGA AKONG MAJONDA?? 

"Ahh.. Kuya, 20 palang po ako" Paliwanag ko sa kanya. Medyo magalang pa yan na pagpapaliwanag, dahil kahit papano, tinuruan din ako ng magandang asal....pag nasa mall!

"Ahh..pfft..s-sorry po" Sabi niya at halatang nagpipigil ng tawa. 

Hayy, sanayan nalang talaga siguro yan! Natapos na din akong mag paload at napansin kong may mga sigawan at tilian ng mga babae sa event center ng mall. Bilang chismosa, naki usyoso naman ako at nakipagsiksikan din sa mga babae.

Pagkadating ko sa may stage.... 

OMG!

ANG GWAPOOOOOOO!!!!!! 

at kamukha niya

ANG PRINCE CHARMING KO! WAAAAAAAAHHHH!!!! 

-End of Chapter 1-

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: MWAHAHAHA! 

ANUDAW ITEY? HAHAHA.. 

Wala lang..

wala talaga tong kasiguraduhang plot eh..

kaya pagpasensyahan niyo na..

kung may babasa.. edi mabuti..

kung wala.. di ako babasa!

FOR FUN PURPOSES ONLY! MWAHAHAHA! 

loveyouall.. ♥

Ms. Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon