C3

102 5 0
                                    

Kylie's Pov

"Hoy bes! Bilisan mo naman diyan" kanina pang sigaw ni Kat.

"Wait a minute, I'm almost done!"

"Bes! Lumabas kana diyan biliiiiis" sigaw ulit niya kaya nagmadali akong magbalot ng towel at lumabas ng cr.

"Ito na nga oh, kung makapagmadali ka naman ang aga-aga pa kaya!" singhal ko sa kanya.

"Ano ba! Eh sa taeng-tae na ko eh!" Sigaw niya sabay takbo sa loob ng banyo.

"Gosh! Yuck!" sigaw ko sa kanya.

Dito natulog si Kat sa condo ko para daw sabay kaming pumasok sa school. First day of school kasi namin ngayon sa EA (Elford Academy). Excited na excited na ngang pumasok si Kat, biruin niyo 5:45am ako ginising eh 8:00am pa naman ang pasok namen kaya nagbasa nalang ako kanina ng wattpad habang nagiintay sa oras haaay inaantok pa tuloy ako.

-

"Wow Kat ang ganda naman pala talaga dito!" manghang-mangha kong sabi. Kasi naman ang ganda talaga ng school na to compared sa last school namin.

"Sabi ko sayo eh! Ah bes okay lang ba kung ano...ahm..kasi--" 'di ko na siya pinatapos at pinutol ko na yung sinabi niya.

"Hindi pwede! As in NO! Alam na alam ko ang gagawin mo Kat, kilalang-kilala kita. Tsk!" inis kong sabi sa kanya.

"Pero bes may usapan kasi kami ni Stan eh, binigay ko naman sayo yung schedule mo pati magkaklase tayo right? Kaya bye mamaya nalang!" Sabi niya sabay kumaripas ng takbo. WHAT THE HELL?! Iniwan niya talaga akong mag-isa, seriously?!

Kanina pa akong naglalakad-lakad, dahil maaga pa naman. Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tinding sigawan.

"Kyaaaah!!!! Nandyan na sila"

"Wahhhh! Tyrone, honey"

"Tyrone, i love you baby"

"Ang pogi din ni Allen!"

"Akin lang si Papa Kyle!"

"Hot talaga ni Paul"

"Waaaaaah!"

"Kyaaaaah"

Grabe lang as in GRABE. Ang dami nilang nagsisigawan don. May artista ba? Hmm lol.

Naisipan ko ng pumunta sa classroom ko. Dahil sa medyo inaantok ako eh tumungo nalang ako at pinagmamasdan ang bago kong sandals while walking. It's cute! Inaantok talaga ako si Kat kasi eh! Ginising ako ng pagkaaga-aga.

Pero miss ko na si Lester... Dadalawin ko nga siya mamaya, sana nadito pa siya para naman may kasama ako palagi especially during breaktime, tas may kasabay ako magreview hay kung hindi lang tala---

ARAY! Napaupo ako dahil bumangga ako sa isang taong pader?! Ang tigas naman kasi ng katawan niya bwiset ang sakit tuloy ng pwet ko hmp! Dahil sa nakatungo nga ako eh hindi ko pa nakikita yung muka nung nakabangga sakin at wow lang ha wala atang balak tulungan ako. Fine! Tumayo ako at halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"IKAW?!" sigaw namin parehas.

Eh sa dinami-dami ng pwede kong makita, bakit pa itong demonyong kutong lupa na ito! Panira talaga ng araw? Ganon? Tsk.

"Hoy ikaw demonyong kutong lupa ka! Hindi ka talaga marunong maging gentleman noh?!" sigaw ko sa kanya.

"At bakit naman ako magiging gentleman sayo ha eh ang pangit mo? Pati 'wag ka ngang sumigaw, ang aga-aga nakakarindi ka. Kung hindi ka naman tatanga-tanga eh hindi kita mababangga. Naglalakad tas nakatungo! Stupid!" YABANG TALAGA! Dahil sa inis ko sinuntok ko siya sa mukha. Napa-aw naman siya, aba sa lakas naman ng suntok ko sinong hindi masasaktan.

Ang sama ng tingin niya, tumingin naman ako sa paligid buti walang tao, siguro nadon pa sa mga artista ata na pinagkakaguluhan?

Habang hinahaplos niya ang mukha niya kinuha ko na ang pagkakataon at tumakbo ako palayo sa kanya.

Tyrone's Pov

"Oh bro, anong muka yan? Parang namatayan ka ah?" sabi ni Paul saakin.

"Paul, eh nasuntok lang naman kasi yan and guess who! Nung babae na nangbato pa sa kotse niya! Hahaha dito rin napasok bro what a destiny!" sabi ni Kyle habang tumatawa.

"Ah yung babaeng, hindi tinatalaban ng charms ni Ty? Hahaha!" singit ni Allen.

"Oo bro! Hahaha akalain mo yon may babae pa palang hindi bumibigay kay Ty." tumatawang sagot ni Paul. Mga gagong 'to, lalo pang nangasar. Bwiset!

"Mga gago kayo! Umalis nga kayo dito!" sigaw ko sa kanila.

"Hahahaha chareng lang bro, tara na nga mga bro baka tayo pa ang mapagbuhusan dito hahaha!" sabi ni Kyle sabay peace sign at nagsitakbuhan na rin ang mga gago. Tsk.

Yung babaeng yon, panira talaga! Lakas ng loob ha! Kapal ng mukha! Bullshit. Makikita talaga niya. Tsk.

Prepare yourself, Kylie Sophia Montes.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon