C12

43 3 0
                                    


Third Person

Nagising si Tyrone dahil sa isang hilik, nagulat siya ng makita niyang naroroon pa rin si Kylie. Kasalukuyang nakasubsob ang ulo ng dalaga sa tabi nito. Napangiti siya dahil sa pag-aalaga ng dalaga sa kanya.

Maayos na ang pakiramdam ng binata kaya't bumangon siya at naisipang magluto ng hapunan. Sapagkat 5:30 pm na rin.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng guilt dahil sa mga pinag-gagagawa niya. Ang makita na inaalagaan siya ng dalaga ay isa ng rason para tumigil na siya sa mga kalokohan niya. Agad siyang nagsisi sa kanyang mga pinlano. Natauhan siya na isang kagaguhan ang lahat ng pinlano niya. At ang isang mabuting tao gaya ni Kylie ay hindi dapat pinaglalaruan.

Natigil siya sa kanyang pag-iisip ng makita niyang papasok si Kylie sa kusina.

"Uh, John bakit hindi mo man lang ako ginising, okay kana ba?" tanong ng dalaga sa kanya habang kinukusot ang kanyang mata.

Ayaw na ayaw ng binata na tinatawag sya sa pangalang John ngunit ang pagtawag ng dalaga sa pangalang ito ay iba ang dating sa kanya.

"Mahimbing kasi ang tulog mo at ayoko namang sirain yon, Sophia. Dito kana maghapunan tas ihahatid na kita sa condo mo. At oo okay na okay nako at dahil yon sayo, Sophia."

Napanguso naman si Kylie ng maalala niyang hindi pa pala siya nakakapag-aral.

"May problema ba?" tanong ng binata.

"..Ahh, wala naman 'di pa kasi ako nakakapag-aral e ikaw kasi e 'bat kapa nagkasakit, tsk!"

Napangiti naman ang binata sa inasta ng dalaga. Sanay narin siya sa paiba-ibang ugali ng dalaga minsan sweet, minsan mataray, minsan bossy, minsan suplada.

"Bakit, Sophia? Sinabi ko bang pumunta ka dito? Sinabi ko bang alagaan mo ko?" nakangising tanong ng binata sa dalaga.

Napaawang naman ang bibig ng dalaga sa tanong ng binata. Namuo ang inis sa kanya..

"Arggh! So kasalanan ko pa talaga ha?! Gago ka ah, pasalamat ka at may malasakit ako sayo. Kung wala kahit mamatay ka jan mag-isa hinding-hindi kita pupuntahan!"

Napatawa naman ang binata, dahil sa mga sinabi ng dalaga. Humanga ito dahil napaka straight to the point magsalita ng dalaga at nacu-cute-an siya dito kapag nagagalit o naiinis.

"So kapag namatay pala ako okay lang sayo?" naka ngising tanong ng binata.

"Bobo ka ba? Diba sabi ko nga KUNG walang malasakit, e may malasakit nga ako diba? Diba? Tsk." nakairap na sagot ng dalaga sa binata.

"Oo na panalo kana, alika dito kumain kana para maihatid na kita."

Pagkatapos kumain ay nagpahatid na ang dalaga sa binata.

Nabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan ng magsalita ang dalaga..

"John, naisip ko lang nagka girlfriend kana ba?" diretsong tanong ng dalaga.

"'Wag na nating pag-usapan baka magselos ka hahaha" nakakainis at tumatawang sagot ng binata.

"Ewan ko sayo! Pero seryoso 'bat mo ba ko niligawan? Hanggang ngayon 'di parin ako makapaniwala na mahal mo na agad ako. Plus playboy ka pa, sa wattpad lang kasi nag-eexist yung playboy na magbabago dahil sa isang babae. Alam mo yun, so do you really love me or you're just playing with me? Am I your new toy?" dirediretsong tanong ng dalaga.

Nakatuon lang ang tingin ng binata sa daan. Hindi siya makatingin sa dalaga dahil hindi niya alam ang isasagot niya.

Gusto niyang umamin na laro lang ang lahat pero sa unang pagkakataon natatakot siya sa pwedeng mangyare pagkatapos niyang umamin.

*Kring.. Kring*

Lubos ang pagpapasalamat ng binata ng may tumawag sa kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot upang maiwasan ang mga tanong ng dalaga.

"Hello?"

"Uh what?"

"Fine, wait for me. I'm coming."

"Sure."

Nagtaka naman ang dalaga kung sino ang kausap ng binata at kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Ah, Sophia. Kailangan ko ng umalis hindi na kita maihahatid sa loob ha? Ingat ka. At salamat, Sophia, salamat." sabi ng binata sa dalaga sabay baba ng kotse at pinagbuksan ito ng pinto.

"Ah, oo naman kaya ko namang tumaas. May elevator naman noh! Pati 'di ako lumpo, duh! Ingat ka rin, salamat!" sabi ng dalaga at tatalikod na sana pero hinila siya ng binata at yinapos.

"A-ah J-john?"

"Sorry Sophia, I'm so so sorry." bulong ng binata sa dalaga.

"H-huh? Okay lang naman kaya ko namang tumaas mag-isa." sagot ng dalaga sa binata.

"I know, it's just that.. Fck! Got to go. Take care of yourself, okay?" sabi ng binata sabay halik sa noo ng dalaga tas sumakay agad sa kotse at mabilis na pinaharurot ang kotse.

Naiwang nakatayo ang dalaga, hindi niya maintindihan ang kakaibang kinilos ng binata.

Naalala niya ang sinabi ng binata kanina at kusa syang napangiti..

"Please stay.. I don't know what to do without you.."

Papasok na siya ng elevator ng napagtanto niyang hindi pala nasagot ng binata ang mga tanong niya.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon