C5

84 4 0
                                    

Kylie's Pov

Hindi maalis sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Tyler. Wala naman sakin yon eh dahil kahit pagbalig-baligtarin ang mundo hinding-hindi ako mahuhulog sa kutong lupa na yon. Ang saakin lang, totoo bang may nararamdaman na siya para saken? Bakit ang bilis naman ata? Pero kita ko sa mata niya ang sinseridad..

Haaays, pinapasakit ng kutong lupa na yun ang ulo ko!

*Ding...dong!*

Binuksan ko ang pinto at iniluwal nito ang bestfriend kong wala ng ginawa kundi atupagin ang boyfriend niya.

"Oh? Anong ginagawa mo dito akala ko ba pupunta kang Batangas?" tanong ko sa kanya.

"Ang sungit mo naman Ky! Hmp, hindi na kasi ako sinama ni mommy baka raw mahuli pa ako sa mga lessons." sagot naman niya. Tsk. Mahuli sa lessons o baka naman mamiss agad ang kanyang boyfriend. Hmp!

"Ahhhh." malamig na sagot ko. Tsk.

"Ang cold mo naman bes, may problema ba tayo?" malungkot na tanong niya.

"Bakit matatawag mo bang problema kung ang bestfriend mo ay nalilimutan kana? Kung ang bestfriend mo ay wala ng oras sayo? At kung ang bestfriend mo ay pinagpalit kana sa boyfriend niya?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"Bes naman ehhhh! Wag ka ng magtampo, 'di naman kita nakakalimutan eh, please bati na tayo promise babawi ako sayo." Sabi niya with matching puppy eyes pa.

Hayyys pacute talaga lagi 'tong bestfriend ko kung di ko lang 'to mahal!

"Oo na bati na tayo, hay nako kung 'di lang kita love jan eh. Tara na nga pumasok na tayo baka malate pa tayo." sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya at sumunod palabas ng condo ko.

Nag-aabang kami ng taxi nang may bumusinang kotse sa tapat namen. Bumaba ang bintana at nakita namin si Allen.

"Good morning beautiful ladies! ;)" bati nito sabay kindat. Landi talaga nitong si Allen.

"Hay nako Allen! Ang aga pa para lumandi." Sabi ko naman sa kanya na kinatawa niya.

"Ikaw naman Kylie sungit mo talaga, oh ano sakay na kayo baka malate pa kayo." Sabi niya kaya naman sumakay na kami sa kotse niya.

Nabasag ang katahimikan sa loob ng kotse ng magsalita si Allen.

"Kylie kamusta na pala kayo ni Ty, mukang nagkakamabutihan na kayo ah yiiie." tanong nitong gagong 'to na may panunukso. Psh!

"Ikaw bes ha, 'di ka nagkkwento yiiie, pero bagay kayo bes lam mo ba yon! Hihi" pang-aasar din naman nitong baliw kong kaibigan.

"Pwede ba tumigil nga kayong dalawa. Mag-kaibigan kami ng kutong lupa na yon, yun lang. At asa namang lumampas pa don. Kung hindi niyo nga lang yon kaibigan edi asa pang kinausap ko yon eh na-hate at first sight nga ako don!" sabi ko naman sa kanila with matching pag-irap pa.

"Asus! Eh baka naman kasi ako ang gusto mo?" sabi naman ni Allen at tinaas-baba pa ang kanyang kilay. Bakit ba kailangang maging gwapo at sexy ng boses niya? Ughhh. Pero no way!

"Pwede ba Allen, hindi ako tatablan ng panlalandi mo." sabi ko naman sa kanya at dumila pa.

At ang baliw ko namang kaibigan ay wala ng ginawa kundi tawanan kami, Ugh! seriously?!

"Baka kainin mo yang mga sinasabi mo Ky ha." sabi niya. Talaga bang inaasar ako nitong Allen nato huhu alam kong gwapo siya pero hindi ako napatol sa malandi pati taken na yung heart ko. Bleh!

"Hay nako alam mo, si Kat nalang landiin mo. Feeling ko kasi bagay kayo." sabi ko sabay tumawa. Hahahahahahahaha. Yung muka kasi ni Kat nakakatuwa.

"Bat mo ko sinali jan! Pati duh may boyfriend ako. Kaya chupe kayong dalawa hmp!" sabi niya sabay irap.

"Tsk. Magbbreak din kayo hahahaha" sabi ko sa kanya sabay dila. Inirapan niya lang ako hahaha, si Allen naman natatawa nalang.

Nang makarating kami sa school ay pinark na ni Allen ang kotse niya.

"Uy si Ty oh, gagong yan sarap ng umagahan." Sabi ni Allen sabay turo sa may gym.

"Oh pano maiwan ko muna kayo mga magagandang binibini at maghahanap muna ako ng chicks." sabi ni Allen at umalis na. #chickboyprobs

"Bes puntahan ko lang si Stan. Last na 'to promise, kakausapin ko lang siya na hindi muna kami magsasabay tuwing recess at lunch para naman makabawi nako sayo" sabi niya, tumango nalang ako.

Napatingin ulit ako sa malanding aswang na yon. Huwaw! Ke-aga aga landi agad. May pasabi-sabi pa siyang, alam kong iba na yung nararamdaman ko para sayo, nye neknek niya!

Sa dinami-dami ng pag-titripan niya ako pa na hindi kakagat sa mga pakulo niya. Lul. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata sabay tulak sa kahalikan, napairap nalang ako at tumalikod na. Tsk kahit makipags*x pa siya diyan sa gym, I don't effin' care.

"Ky!" tawag ni aswang na ikinatigil ko. Humarap ako sa kanya.

"What?" bored kong tanong ko sa kanya.

"Ahhh k-kasi yung nakita mo.. hindi ko naman yun ginusto eh, siya yung unang nangha--" pagpapaliwanag niya pero pinutol ko.

"Why are you explaining? You don't have to. Dahil unang-una hindi kita boyfriend at pangalawa I don't even care about you and your business." Nag-smirk ako at tumalikod. Tsk. Akala ba niya affected ako? Pwes hindi!

Hay I think I'm becoming bitch and mean again! Wala eh, nakakabuwiset ang kutong lupa na yon! He's really getting on my nerves.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon