C4

114 4 0
                                    

Kylie's Pov

"Good morning! I'm Ms. Karen. Absent si Mrs. De torres ngayon pero may iniwan siyang activities by partner. Bale ang kapartner niyo ay ang katabi niyo. So, get your math book and answer pages 163-166."

"San po sasagutan, Ms. Karen?" tanong ng isa kong kaklase.

"Sa yellow paper nalang. Kailangan niyong matapos yan ngayon dahil ipapasa niyo yan bago mag time." sabi ni Ms. Karen.

Haaaay. Math?! Bobits pa naman ako don hmp. That's my weakness kaya! I hate Math. Pwede bang mag cry nalang? Pati sa dinami-dami ba naman ng magiging kapartner ko ito pang makulit nato.

"Pssssst!"

Guess who? Si kutong lupa lang naman. Psh.

"Ano nanaman bang kailangan mong aswang ka?!" inis kong bulong sa kanya.

"Taray mo naman panget! Pahinging yellow paper! Pati partner tayo diba, gusto mo ako nalang magsagot malakas ka naman sakin." sabi niya sabay nag wink pa psh asa akala mo naman cute!

"Panget ka dyan!!!"

Tatlong Linggo na nga pala ang lumipas simula nung unang araw ng pasukan, and guess what? Kinulit ako ng kinulit nitong kutong lupa nato. Kung nung una akala ko nakakatakot siya sus, nakakairita siya! Para siyang bata!

May bago nga pala kaming mga kaibigan slash grupo ni Kat, ang dating High 6 na naging High 8 na dahil samen ni Kat, sikat sila dito sa campus as in. Well, masasabi kong sikat na din kami kasi one of the famous group na kami. Napag-alaman ko din na yung mga inakala kong mga artista na pinagsisigawan dati ay yung mga bago naming kaibigan, si Kyle, Allen, Paul, Tyrone (Ew! What a small world hmp), Athena and Abigaille. Mababait sila at makukulit.

"Hoy panget bat ka ba tulala diyan? Iniisip mo bang sobrang gwapo ko. Oh please, sorry ha 'di ko sinadyang maging sobrang gwapo." natauhan naman ako dahil sa kahanginan ni Tyrone.

"Pwede ba! Baka magiba itong school sa sobrang kahanginan mo. Oh, yellowpaper sagutan mo lahat yan bayad yan sa isang Linggo mong pangungulit sakin!" sabi ko sa kanya.

"Asus! Hindi mo lang alam kung pano sagutan eh hahahaha" Feeling ko namula naman ako sa sinabi niya kasi 'di ko naman talaga alam, bwiset talaga 'tong aswang nato!

"Hoy! Kung ayaw mo 'di wag mo, akina na nga yang yellowpaper!" inis kong sigaw sa kanya sabay hablot ng yellow paper.

"To naman 'di mabiro, akin na nga. Dali dali naman niyan eh." sabi niya kaya naman binigay ko sa kanya yung yellow paper aba magpapakachoosy pa ba ko eh sasagutan na nga diba? Hehe nag smirk lang siya sabay nagsagot na.

Hay 'di ko talaga to maintindihan kung mabait ba talaga o nagbabait-baitan kasi he's nice pero minsan naman inaasar ako ng todo at kinukulit hay yaan ko na nga, maybe he's a good guy and I should accept the fact that he's one of my new friends now.

---

*Recess*

"Guys! Punta kayo sa bahay sa Saturday birthday ni mommy may swimming party." sabi ni Abigaille.

"Nako di ako pupunta baka mamaya rape-in mo pa ko don pag nakita mo yung macho kong katawan!" sabi naman ni Kyle.

"Ang kapal talaga ng muka mo noh! Over my beautiful sexy body! Ikaw nga siguro ang may pagnanasa sakin. Tsk" sabi ni Abigaille.

"Anong pagnanasaan jan? Yung buto buto mong katawan? Wag na! Hahahaha" pang-aasar naman ni Kyle. Hay nako 'tong dalawang 'to talaga wala ng ginawa kundi mag-away.

"Ewan ko sayo!" inis na sigaw ni Abigaille.

"Hay nako kayo talagang dalawa walang alam kundi ang mag-away, baka mamaya may gusto na pala kayo sa isa't isa ayiiiiie" panunukso naman ni Athena.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon