C11

38 4 0
                                    


Kylie's Pov

Mabilis lumipas ang oras at panahon. Ilang buwan na rin kaming narito sa Elford Academy. Biruin niyo 3rd quarterly test na namin sa Lunes. At isang quarter nalang gagraduate na ko! Yay, kaso uulan ng projects at school works sa 4th Quarter plus may thesis pa. Oh my gulay!

Today is Saturday kaya kailangan kong mag-aral kahit pinanganak akong tamad huhu. Mag-cocollege na rin ako kaya kailangan ko ng masanay mag-aral ng mabuti dapat mataas ang mga grades ko para naman may maipagmalaki ako sa parents ko.

Si John, ayon nanliligaw pa rin sabi ko nga 'wag na siyang manligaw pero ayaw magpaawat. Kaso moody at bipolar ang isang yon minsan akala mo may dalaw sa sobrang kasungitan. Pero minsan naman saksakan ng sweet kinikilig nga ako minsan eh, alam kong mali pero 'di ko na mapigilan. Medyo napapalapit narin kasi ang loob ko sa kanya.

Lalo din kaming naging close ni Allen, pati narin ni Athena at Abi. Si Kyle naman kasi tahimik yon eh madaldal lang 'pag nasa mood. Kaso si Paul may pagka-weird minsan parang kinakabahan palagi kapag kausap ako tas parang naiwas hays problema nun?

Si Kat naman ayon move-on na daw siya.

Si ano na---

*kring kring*

Si Kyle natawag? Ay epal nagkukwento ako eh, hmp!

"Hello?"

"Kylie! Puntahan mo naman si Tyrone sa bahay niya text ko sayo yung address, may sakit kasi, eh hindi namin mapupuntahan, sige salamat bye!"

*toot..toot..toot*

Astig! 'Di man lang ako pinag-salita. Pwes manigas sila, mag-aaral kaya ako, tsk!

Tumunog ang phone ko at aba sinend nga yung address, bahala sila 'di porket kinikilig nako kay Ty eh, pupuntahan ko siya! Bleh!

Intangible cultural heritage means the practice, representations, expres---- Damn! 'Di ako makapag focus, parang naguiguilty ako? Ghad! Pupunta ba o hindi?

My mind says no, but my heart says yes. Anong tama? Fine! Pupuntahan ko na nga baka ako pa sisihin pag namatay yon.

-

*Ding dong*

Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking puting bahay, hindi naman sobrang laki pero tama lang para sa isang pamilya.

"Sino po kayo?" napasigaw ako sa gulat ng mag-salita ang isang babae, siguro mga 20+, napagtanto kong katulong siya dito dahil naka-uniporme siya.

"Ah magandang umaga po! Dito po ba nakatira si Tyrone John Elford?" tanong ko sa kanya at ngumiti ng matamis.

"Ah opo, sino po kayo?" tanong niya.

"Isa sa mga kaibigan niya, Kylie Sophia Montes, may sakit kasi siya ngayon gusto ko lang siyang dalawin." sabi ko at ngumiti ulet.

"Ako naman po si Leila. Kanina pa nga pong 'di nabangon ayaw din pong kumain tara po pumasok na po kayo." sabi niya at pumasok na sa loob sumunod naman ako.

Masasabi kong malaki talaga ang bahay nila aswang.

"Ate sino pong kasama ni Jo--Tyrone dito?" tanong ko kanya.

"Ah wala pong kasama si Sir dito. Siya lang po ang natira dito, sa mansion po nakatira ang magulang at kapatid ni Sir, ayaw nga po nyang napunta don. Medyo malayo po ang loob niya sa magulang niya, mas gusto pa po niyang mag-isa." sagot naman niya.

"Ah matagal kana ba dito at alam mo lahat yon hehe?" tanong ko naman. Chismosa lang!

"Yung nanay ko po ang matagal na sa mga Elford, nagsilbi na siyang pangalawang ina ni Sir, kaso umuwe muna siya ngayon dahil nagkasakit ang tatay ko kaya ako muna ang naririto pero babalik narin siya sa isang Linggo." sabi naman niya.

"Ah ganun pala hehe!" na-speechless naman kasi ako, ang haba naman kasi ng sinabi ni teh gosh!

"Sige po Maam Kylie, taas na po kayo punta lang po ako sa kusina." pagpapaalam niya.

"Kylie nalang Ate, sige salamat!" sabi ko sa kanya tas tumaas na rin.

Ang dami namang pinto, saan ba ko kakatok dito?

Dinikit ko yung tainga ko sa unang pinto nang bigla itong bumukas napayapos tuloy ako ---

"Tyrone?!" pasigaw kong tanong. Nabigla kasi talaga ako. Tas topless pa siya tas nakaboxer lang, damn! Yung v-line. Grabe 'bat pinagpapawisan ata ako?!

"What the fuck, why are you here?!" sigaw niya. Ay ganern parang kahapon lang kinaon at hinatid niya ko sa bahay. Bipolar talaga!

"Kailangan sumigaw?! 'Di po ako bingi for your information." mahinahon kong sabi sa kanya at umirap.

"Just answer my fucking question, damn!" sigaw niya. Namumula siya pati yung katawan niya, may sakit nga pala 'to baka kaya badtrip!

Hinawakan ko siya sa leeg! At korek ang init niya. Napaso nga ako eh.

"Tsk, may sakit ka. Bat hindi ka kumain? Paano ka gagaling nan? Sabi ni Ate ayaw mo raw kumain yung si ate na anak ng nagsilbi naring pangalawa mong nanay na umuwe dahil may sakit yung asawa na pauwe na rin sa isa---"

"Shut up! Ang daldal mo talaga, Tsk." sabi niya at pumasok ulit sa kwarto niya, sumunod naman ako.

"Fuck my head hurts! Damn!" bulong niya.

"Hay nako 'di ka kasi kumain pati humiga ka nga lang dyan, jan ka lang kukuha lang ako ng pagkain, baby John, wait mo si Mommy ha?" sabi ko sa kanya at humalakhak ng malakas sinamaan naman niya ko ng tingin kaya lumabas nako at pumuntang kusina.

-

"Isa! Hindi ka nganga-nga? Say Ah!" inis na sabi ko sa kanya. Ang arte kasi ayaw kumain. Pabebe ang totoy!

"I said I don't want to eat! God! Can you just leave? Tsk." sabi niya habang nakapikit parin.

Grabe talaga 'tong isa na 'to! Siya na nga ang pinuntahan dito tas hindi pa ko nakakapag-aral ha?! Tapos susungit-sungitan niya lang ako at papaalisin lang. Bwiset! Pasalamat siya at may sakit siya kundi kanina ko pa siyang nasuntok sa mukha!

"Please naman! Tyrone, kumain kana? Jusko, ganyan ba talaga ang nagmamahal tinatanggihan ang taong mahal niya? Just eat, Tyrone, just eat." mahinahon kong sabi sa kanya.

Napamulat naman siya ng 'di oras, at mukang nagulat pa sa sinabi ko. Ngumanga naman siya kaya sinubuan ko siya ng soup.

Pasalamat siya at medyo mahaba pa ang pasensya ko at hindi sumisingga ang bitch side ko, tsk.

"Oh, uminom ka ng gamot. Jan ka lang kukuha lang ako ng towel at malamig na tubig para mabilis bumaba ang lagnat mo." sabi ko sa kanya. Agad din naman siyang uminom sabay humiga ulit at pumikit. Nakakaawa siyang tingnan, hays pasalamat ka Tyrone at nandito ako ngayon paano kana kung wala ako?

Pagbalik ko sa kwarto niya ay nakatulog na ito. Pinunasan ko ng malamig na basang towel ang katawan niya, kumuha din ako ng t-shirt at isinuot ito sa kanya dahil naka-topless nga lang siya, tsk kaya nagkakasakit eh! Kaso parang pinag-sisihan ko ata ang pagsuot sa kanya ng damit nawala kasi yung magandang view? Charot I'm just kidding!

Pinapanood ko lang itong matulog para siyang anghel napaka-amo ng mukha niya halos saulo ko na nga ang bawat sulok ng mukha niya dahil kanina ko pa siyang tinititigan, siguro babantayan ko na nga lang siya dito at mamaya ng hapon umuwe. Bukas nalang ako mag-aaral hays pero dala ko naman yung reviewers ko pero tinatamad pa kong mag-aral kaya bukas na nga lang talaga hehe..

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at nag-salita pero nakapikit parin siya..

"Please stay.. I don't know what to do without you.."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang tumigil nanaman ang mundo ko ng makinig ko ang bawat salitang binitawan niya.


"I won't leave..." hindi ko alam pero kusa itong lumabas sa aking bibig.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon