C6

63 4 0
                                    

Saturday

Kanina pa akong tumatawag kay Kat pero wala talagang sumasagot kaya naisipan ko ng pumunta kay na Abi, remember may swimming party sa kanila because it's her mom's birthday..

Nadito nako sa gate ng bahay nila, malaki ang bahay nila but ayaw talaga akong papasukin ng guard! The hell, I'm invited kaya! I'm Abi's friend!

"Miss yung invitation card niyo po kasi kailangan.." kanina pang sabi nitong lecheng guard nato saken.

"But I forgot to bring it, don't you understand?! Can't you just let me enter!" inis na sabi ko sa kanya. Ano ba yan napapaenglish tuloy ako, tsk.

"Ah miss hindi po talaga pwede kailangan po talaga non" sabi naman niya.

"Damn! I'm Kylie Sophia Montes, friend of Abi. Hindi pa ba sapat yon?! Why can't you just let me enter?" tanong ko sa kanya na halatang nagpipigil ng galit.

"Ah-ehh..Miss hindi po talaga pwede eh." sabi nanaman niya.

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Abi pero bigla namang namatay. Lowbat! Damn it!

"Manong please let me enter!" pagmamakaawa ko naman sa kanya.

"Nako Miss, hindi po talaga pwede umiiwas lang po ako sa gulo."

"Ghad! Muka ba ko mang-gugu----" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko...

"Manong let her, she's my girlfriend and here's our invitation." tumalikod naman ako para makita kung sino at what the hell si kutong lupa lang naman. Tsk. Girlfriend daw?! Dream on.

"Ay sige po pasok na po kayo, pasensya na po Miss." sabi naman nung guard. I just tsked at him.

Hinawakan naman ni Aswang yung kamay ko at hinila ako papasok.

"Ano ba Tyrone, bitawan mo nga ang kamay ko kadiri ka!" sigaw ko sa kanya.

"Tsk. Welcome ha?" sarkastikong sabi niya.

"Fine! Thanks! Pero sa susunod 'wag mo ngang sabihing girlfriend mo ko nakakasuka eh, pwede namang kaibigan!" sabi ko naman sa kanya at umirap.

"Kaibigan?" tanong niya.

"Oo, bakit?" tanong ko naman. Bakit magkaibigan lang naman kami ah?

"Psh. Bakit ko naman sasabihin na kaibigan lang kita kung ang gusto ko ay mas higit don." sabi niya sabay ngumisi at iniwan akong mag-isa at tumungo sa High 8.

Problema nun? Tsk. Daming sinasabi!

Nag-cr lang ako at pumunta nako sa High 8.

"Oh, andyan na pala si Kylie eh." sigaw ni Paul at tinuro ako, lahat naman sila napatingin sa gawi ko.

"Hi" bati ko sa kanilang lahat. Ngumiti naman sila except dun sa aswang.

"Oh Ky, bat ngayon ka lang?" tanong sakin ni Abi.

"Actually kanina pa ko nandito eh, pero hindi ako pinapapasok nung guard nakalimutan ko kasi yung invitation." sagot ko naman.

"Ah ganun ba pasensya na ha, hindi kasi talaga nagpapapasok ng walang invitation." sabi ni Abi.

"No, okay lang yon ano ka ba haha." sabi ko sa kanya.

"Eh pano ka nakapasok?" tanong naman ni Kyle.

"Ah-eh u-umihi a-ata yung guard so tumakbo ako ng mabilis para makapasok sorry!" pagsisinungaling ko napatawa naman sila sa dinahilan ko.

"Tsk" guess who? Si kutong lupa lang naman.

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon