C10

42 4 0
                                    


Kylie's Pov

Nandito kami ngayon ni Kat sa puntod ni Les. Nag-pipicnic kami ngayon, birthday niya kahapon remember? And I really hate myself because I forgot it! Gosh!

"Eh bat mo naman kasi nakalimutan ang birthday ni Lester, nako mumultuhin ka non!" sabi ni Kat. Bestfriend ko ba talaga 'to? Nanakot pa talaga, jusko.

"Eh kasi nga nagyaya si John na mag-gala, nag-cut kasi kami eh ayon nawala sa utak ko hays." sabi ko sa kanya. 'Di ko na sinabing date yon para iwas issue.

"Ha? Sinong John? At nag-cut ka? Wow, congrats bes!" sabi ni Kat at pumalakpak pa. She's crazy talaga. Gosh!

"Si Tyrone yun! Tyrone John diba. Pati boring lang talaga yung subject pati kinaladkad niya ko noh!" sabi ko sa kanya at umirap.

"Sus! Nag-pakaladkad ka naman. Hay nako, kumekerengkeng ka na ahh, akala ko ba hindi ka na mag-mamahal ng iba at si Les lang?" tumatawang sabi ng lukaret kong bestfriend.

"Asa ka noh! Never naman akong ma-fafall sa devil na yon. Kabarkada lang ang tingin ko don." sagot ko naman sa kanya. Asa naman akong mainlove don noh! Hanggang kaibigan lang talaga.

"Sus! Kakainin mo din yan pagdating ng araw." sabi niya at tumawa nanaman. Crazy.

"Tsk. By the way, ikaw kamusta kana?" tanong ko sa kanya. Alam niyo na, galing sa break-up.

"Ha? Okay naman. Ahm, actually hindi sobrang okay, pero alam ko malapit nako maging super okay. Sus ako pa!" sabi niya at nag-wink pa talaga.

"Buti naman! Rereto nalang kita kay Allen or Paul or Kyle! Hahaha." sabi ko sa kanya.

"Yes naman! Napaghahalataan." sabi niya at may pasundot-sundot pa sa tagiliran ko. Huh? Pinagsasasabi neto, baliw na talaga!

"Seriously, are you crazy? Huhu kanina ka pa. What the hell are you talking about bes?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi hahaha 'bat haha wala si Tyrone hahaha.." sabi niya habang tumatawa. Ano daw? AY OO NGA NOH, NAKALIMUTAN KO, HEHE.

"Psh, kasi masama ugali non sasaktan ka lang non." palusot ko sa kanya. Well, may katotohanan naman yung palusot ko hehe.

"Asus! Ge sabi mo eh hahaha." sabi nanaman niya at tumawa. Aluh, she's crazy na talagaaaaa.

-

Allen's Pov

Alam niyo ba yung feeling na yung taong mahal niyo, mahal din ng kaibigan niyo? Aruy. Yun yon eh. Yung wala ka ng magawa at nag-paraya ka nalang, dahil siya naman yung nauna.

Dati gusto ko lang siya eh, pinigilan ko pa nga pero di ko kinaya e. Ayan edi mahal ko na.

Hays, ano bang ginawa saken ni Kylie? Nakakabakla na!

Kaya ayokong mainlove e! Nakakatanga. Tanga na nga, nagiging sobrang tanga pa.

Nadito ako ngayon sa puntod ng mommy ko. Dinalaw ko lang. Nadito kasi ako palage kapag malungkot ako, sa kanya ako nag-kukwento ng mga nangyayare sa aking saksakang gandang buhay. May secret nga ako eh, kaso 'di ko alam kung bakit ang daming nakakaalam, alam niyo kung ano? Ang gwapo ko hihi, secret lang ha!

"Hay nako, Ma. Nadito nanaman ang sobrang gwapo niyong anak." kinakausap ko kasi yung puntod niya. Aba walang basagan ng trip! 

"Ma, inlove nanaman ako! Lintek na puso 'to eh sabi ng 'wag mainlove, aba eh nainlove pa nga. Sa susunod nga sasabihin ko mainlove siya baka sakaling 'di mainlove. Astig noh? Haha." natatawang sabi ko sa puntod niya.

"Ma, kaso may problema! Yung mahal ko kasi mahal din ni Tyrone eh. Ang hirap kapag kalaban kaibigan noh? Hindi mo alam kung makikipag-laban ka pa ba o mag-paparaya ka." patuloy ko paring kwento. Siguro kung may nakakakita saken baka akalain baliw ako.

"Pero Ma, pinili ko nalang mag-paraya. Pero Ma, hindi naman siguro masama kung agawin ko yung taong mahal ko sa oras na saktan siya ni Tyrone diba?" tanong ko sa kanya.

"Ma, sabi ko pipigilan ko yung nararamdaman ko eh, kaso 'di ko magawa. Hindi ko alam kung paano ako nahulog sa kanya, kung kailan at saan. Basta ang alam ko nagiging masaya ako tuwing nakakasama ko siya.."

"Ang bakla naman! Sige Ma, alis nako. Mahal na mahal ko ho kayo!" pagpapaalam ko sa kanya at tumayo na.

Papunta nako sa kotse ko nang may mahagip ang aking gwapong mata. Si ano, si Kat yon at si K-kylie ah!

Pinuntahan ko sila.

"Hey girls." bati ko sa kanila. Napatingin naman sila at mukang nagulat.

"Oh Allen, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kat.

"Ah wala may dinalaw lang." sagot ko.

"Sino?" tanong ni K-kylie.

"Y-yung Mommy ko." bat bako nauutal. Ang bakla naman!

"Ah, sorry." sabi ni Kylie.

"It's okay. Hatid ko na kayo?" pagyayaya ko.

"Ah salamat nalang Allen. May dala kasi si Kat na kotse eh. Hehe." sagot ni Kylie. Ang ganda niya talaga!

"Ah ok, akina na yang mga hawak niyo ako na magdadala sa kotse ni Kat." hindi ko na inintay na makasagot sila at kinuha nalang basta ang hawak nila.

"Allen, salamat talaga. Bait mo! Dabest! Haha." sabi ni Kat at nag-thumbs up pa. Cute din ng isang 'to. Pero Kylie talaga.

"Sige Allen, alis na kami. Ingat ka!" sabi ni Kylie. Na ikinangiti ko.

"Ingat din kayo mga magagandang binibini." sabi ko.

"King of flirts!" sabi ni Kylie at dumila pa. So cute.

Pinapanood kong umalis ang kotse..

Kylie, I think I already fell in love with you. Alam kong wala ng pag-asa. Pero hanggat hindi mo pa sinasagot si Tyrone, hinding-hindi mo ko mapipigilan na iparamdam sayo ang pagmamahal ko.

-

Tyrone's Pov

"Paul, nag-date kami kahapon ni Sophia!" kwento ko sa kanya. Nadito kasi siya sa condo ko. Dumalaw, akala mo naman may sakit ako tsk.

"Sinong Sophia? Pati edi titigil kana sa laro mo?" tanong niya na nakangiti.

"Si Kylie yon bro!" sabi ko na ikinasimangot niya.

"Pati bro, alam ko malapit na yon ma-fall!" dugtong ko.

"Tsk. Bahala ka nga sa kalokohan mo Tyrone malaki kana, ge alis nako!" sabi niya at umalis na.

Walk-out King talaga ang gago! Basta alam ko malapit na, malapit ng mahulog ang babaeng yon. Pahirap naman yon, pakipot pa kasi. Yung iba ko ngang toys dati isang 'hi' ko lang inlove na agad. Tsk. Mahuhulog ka din Kylie, at pag nangyare yon, I won this game ;)

The Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon