Quince

64 5 0
                                    

Nagising ako sa isang Hindi pamilyar na kwarto. Tinignan ko ang sarili at pinasadahan ang damit ko ng tingin.

Hindi ito ang damit ko!

Alam kong walang nangyari dahil walang masakit sa akin. Ngunit nag-aalala ako kung sino ang nagbihis sa akin.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at lumabas sa kwarto. Masyadong malaki ang lugar na ito. Bumaba ako ng magarbong hagdanan.

Narito ako sa Malaking Salas at inilibot ang tingin ko rito. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang isang Malaking painting na may mukha ko.

Bakit may painting ako?

"Because you're my Wife" Nagulat pa ako ng may yumakap sa akin ng patalikod. Alam kong si Thorn iyon dahil ganoon ang boses nya.

"Hayop ka!" Ilang beses kong hinampas-hampas si Thorn pero sinasangga nya lang ito at Hindi gumaganti.

"Anong kailangan mo sakin? Sino ang nagbihis sa akin? Bakit mo ako dinala dito? Diba Tapos na tayo? Sumagot ka!" Sunod-sunod sa sabi ko rito.

"Ang dami mong tanong, Si Manang ang nagbihis sayo. Dinala kita dito dahil dito ka na titira Tsaka Hindi tayo Naghiwalay" Nakangiting paliwanag nito. Hindi ko alam pero naiirita parin ako sa kanya.

Arrgh! Bwisit sya!

"Bahala ka nga, Aalis na ako!" Sabi ko rito at tinalikuran siya. Ilang hakbang palang ang nailalakad ko ay hinila na ako nito.

"Hindi ka makakaalis" Mahinahon na sabi nito at inakbayan pa ako.

"Ano ba! Wag mo nga ako hawakan!" Tinatanggal ko ang kamay nitong naka-akbay pero hinawakan lang nito ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay nya.

"Arrgh! Bwisit ka talaga!" Maingat nya akong hinila papunta sa kusina. Maging ang kusina ay malaki at maaliwalas. Marami din akong Kasambahay na nakita. Sumenyas pa ang Gago na umalis sila.

"Kumain muna tayo"

"Ayoko!"

"Isa"

"Bahala ka nga!"

"Dalawa"

"Ano b-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hinila nya ako kaya napaupo ako sa kanyang Hita. Nagpupumiglas pa ako sa kanya para makaalis sa pagkakaupo ko sa kanya.

"Wag kang malikot!" Dumagundong ang sigaw nito kaya napahinto ako sa aking paggalaw.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang mga luha kong nagbabadya.

Ang kapal ng mukha niyang sigawan ako!

"Nganga!" Utos pa nito sa akin. Umiling ako sa kanya dahil ayoko nga. Nagulat nalang ako ng pisilin ng mahigpit ang pisnge ko at pilit na isinubo at kutsara na may laman na pagkain.

Naiiyak ko nalang nginuya ang pagkain na sinusubo nito sa akin.

"Misis, Sorry" Sabi nito at niyakap ako at hinalikan sa noo ko.

"Bwisit ka!" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Hinahagod nito ang likod ko na tila pinapatahan ako. Nang mahimasmasan ako ay tuminggil na ako sa pag-iyak.

"I'm Sorry" Sinserong sabi nito.

"Thorn, iuwi mo na ako"

"No, dito lang tayo" Gusto kong maiyak sa sagot nito sa akin. Ngunit pinigilan ko ito.

"Diba galit ka sa akin nun Thorn?"

"I know, I'm sorry kung nagalit ako nun sayo. Hindi ko pinakinggan ang paliwanag mo"

"Tapos na naman iyon Thorn" Sagot ko rito pero umiling lang ito.

"Si Kimcielle ang nag-set up sa iyo"

"Ha? Hindi ko maintindihan?" Nalilitong tanong ko rito.

"Misis, Sinet-up ka nya. Sorry Misis" Masuyo akong hinalikan sa pisnge nito.

Hindi ko akalain na si Kimcielle ang gagawa ng masama sa akin!

"Mag move nalang tayo dun, Thorn?" Tawag ko rito.

"Why, hmm?" Tanong nito at binaon pa ang mukha sa leeg ko.

"Uuwi na ako"

"No, Dito ka lang"

"Thorn naman!"

"May trabaho ako Thorn!"

"Hmm, Wala ka ng trabaho" Simpleng sabi nito kaya napakunot ang noo ko.

"Nagpasa na ako ng Resignation letter mo" Nanlumo ako sa sinabi nito.

Ilang taon ako nagsikap!

Tapos ay gaganunin lang ni Thorn!

"What!"

"Misis,Resign ka na" Masayang sabi nito habang nakayakap pa sa akin.

"Thorn, Pangarap ko yun! Tapos sasabihin mo nagpasa ka ng Resignation letter! Galit ko itong hinampas.

Dahil sa kanya ay wala na akong trabaho.
Parang gumuho ang mundo ko sa nalaman ko mula sa kanya.

"Wag ka ng malungkot" Gusto kong sampalin ito sa sagot nito sa akin.

"Thorn, Mahalaga ang Trabaho ko!"

"Paano Ako? Tayo?" Sagot nito.

Anong sinasabi nito?

"Wala ng tayo" Sabi ko rito.



The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon