Wakas

132 5 0
                                    

""U-Uhm My name i-is Aiyana Melione Sudara 2-20 y-years old. My t-talent i-is ah uhm-"

Napatingin ako ng mariin sa babaeng nagpapakilala. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero tila pamilyar ang babaeng ito.

Nagulat pa ako na Isang piece ni Mozart ang kinanta nito. Napangisi nalang ako dito.

Masyadong ginalingan!

Nandito kami ni Melione sa Gymnasium at nagpapractice para sa United Nation. Napakunot ang noo ko ng makita kong may inilagay si Kimcielle sa tubig ni Melione. Agad akong lumapit dito kaya nagulat pa ito.

So cute, baby!

Bubuksan na sana nito ang water bottle kaya agad na akong nagsalita.

"May tubig ka ba dyan?" Tumango lang ito sa akin at ibinigay ang tubig na inabot sa kanya ni Kimcielle.

"Tara na, Thorn?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Melione dahil nakaramdam ako ng matinding Hilo pagkatapos kong inumin ang tubig na yun.

Damn that Kimcielle!

Nagising nalang ako sa loob ng school clinic. Napatingin naman ako sa tabi ko ng may umungot dito.

My baby is here!

Tulog si Melione na nakaupo sa silya at ito ay nakadukdok sa kama na pinahihigaan ko.
Parang may humaplos sa puso ko ng naalala ko na ito ang nagdala sa akin dito papunta sa clinic.

Ngayon na ang pageant kaya nakita kong kinakabahan si Melione. Namangha pa ako ng naglakad ito papunta sa Emcee upang magpakilala. Naiinis din ako dahil maraming tumitingin sa kanya at lalo na ang Emcee.

Gusto kong tusukin ang mata nito!

Lalo na dahil kitang-kita ang binti at hita nito sa suot nito Dress na may slit. Nanunubig ang bangang ko na tila gustong matikman at kagatin ang Mapuputing hita nito. Napailing nalang ako sa aking iniisip.

"Matutunaw na si Melione" Pangaalaska sa akin ng katabi kong Candidate rin. Hindi ko na ito pinansin dahil ako ng ang tinatawag ng Emcee.

Tulala pa rin si Melione kahit ilang beses ko ng tinatawag ito dahil kami ng nanalo.

"Nanalo tayo?" Mahihimigan ko pa ang saya sa boses nito at ang kanyang mata ay kumukuslap sa tuwa.

So Pretty!

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para yakapin ito. Naginit ang mukha ko ng naramdaman kong gumanti ito. Damn.

"Bahala ka nga" Naiinis kong sabi kay Melione at lumabas ng Cafeteria. Naiinis ako rito dahil ayaw nitong nakakapit sa kanya. Naginit din ang ulo ko ng naalala ko ang lalaking inaaya makipag-date si Melione.

Narito ako sa tapat ng room nya at hinihintay ito. Kahit nagtatampo ako rito at may parte sa akin na kinakabahan dahil baka makipag-date ito sa Lalaki kanina.

Naiinis ako rito dahil Hindi manlang nya ako pinapansin at Hindi manlang ito nagsasalita.

"Hindi mo ba ako susuyuin?" Inis na tanong ko rito. Napalingon naman ito sa akin na nagtataka.

"Hindi, Dahil wala naman akong kasalanan" Mahinahon na sabi nito. Narito na kami sa loob ng Sasakyan ko. Hindi ko ito pinapansin kahit na tinatawag ako nito.

"Thorn" Namula ang tenga at pisnge ko sa malambing na tawag nito sa akin. Tawag palang ang ginagawa nito pero tila may ibang pakiramdam itong dala. Lalong nagpadagdag ng kilig sa akin ng hinawakan nito ang aking braso.

"Tsk" Asik ko ng alisin nya ito.

"Ibalik mo?"

"Ha? may hiniram ba ako saiyo" Inosenteng tanong nito. Sinabi ko na ang kamay nito sa braso ko pero umiling ito at ayaw ilagay muli.

The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon