Diecinueve

74 6 0
                                    

"Anong nag-backout ang donor ng anak ko?!" Napatingin naman ako kay Mommy ng sumigaw ito. Lumapit naman ako rito at pinakalma ito. Nagpaalam naman ang Nurse at umalis na.

Napabuntong hininga nalang ako dahil Hindi na bago ang pangyayaring ito. Dalawang donor na ni Thorn ang magbaback-out. Hindi ko naman masisisi ang mga Donor nito dahil Hindi ito basta-bastang usapan. Nagpapasalamat pa rin ako dahil sumagi sa isip nito na tulungan si Thorn.

"Melione, ang donor ni Thorn" Napahagulgol nalang si Mommy habang yakap-yakap nya ako. Pinigil ko rin ang umiyak dahil baka mas lalong malungkot si Tita.

Narito kami sa labas ng room ni Thorn dahil sabi ni Mommy ay kung may malungkot O masamang balita ay Hindi na kailangan malaman ni Thorn.

"Makakahanap din po tayo" Sagot ko ng matapos ang aming yakapan. Tumingin naman ito sa akin na kitang-kita sa kanyang mata ang lungkot at napabuntong hininga nalang ito.

"Sana nga, pumasok na tayo at narinig kong hinahanap ka na ni Thorn"

Pinihit nito ang sedura ng pinto ng kwartong inuukapahan ni Thorn. Nakita ko naman si Thorn na hinahanap nga ako. Lumapit naman ako rito.

"Saan ba kayo galing?" Mahihimigan ko ang pagka-inip sa boses nito. Huminga nalang ako ng malalim at sinagot ito.

"Sa labas lang, Nagpahangin" Napatango nalang ito.

Sa totoo lang ay pansin na pansin ko na nalulungkot itong si Thorn ng mga nakaraang mga araw. Sa tingin ko ay hirap na rin ito at gusto ng makakita. Kaya minsan ay kinukulit ko nalang ito upang makalimutan nya ang kanyang problema.

"Thorn, Ayos ka lang?" Tumango lang ito sa akin.

"Tuloy ba ang Donor ko?"

"O-oo Naman" Pagsisinungaling ko rito. Hindi ko ito maiwasan dahil pag nalaman nya na nagback-out ito ay lalong malulungkot si Thorn.

"Kung ganon ay malapit na kitang makita" Hinaplos pa nito ang mukha ko ng marahan. Mahihimigan ko ang saya sa boses nito kaya Hindi ko maiwasan na Hindi ako nakaramdan ng guilt.

"Syempre naman, Matulog ka ng magkalakas na naman para sa operasiyon mo" Tumango naman ito sa akin at humalik bago ito ihiga ng dahan-dahan ang sarili nito ka sa kanyang kama.

Tulala ko lang na pinagmamasdan ang tulog na so Thorn. Awang-awa ako sa lagay nito dahil alam kong umaasa ito na makakakita ito.
Nagpaalam muna ako kay Mommy bago lumabas ng kwarto ni Thorn.

Dahan-dahan kong isinara ang sedura ng pinto upang Hindi maabala ang tulog nito.
Naglakad-lakad lang ako sa Hospital at napahinto ng makakita ng maliit na Parang Chapel. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok dito. Tahimik dito at medyo konti lang ang tao rito. Lumuhod ako sa luhuran at taimtim na nagdasal.

Lord Hindi man ako ang pinakamabait na tao na nabubuhay pero Sana ay dinggin nyo ang aking panalangin. Tulungan mo Sana si Thorn na palakasin ang loob nito. Wag sana itong mawalan ng kanyang pag-asa. Tulungan mo kami na makalagpas sa pagsubok na ito. Amen.




________

"Sigurado ka ba sa pasya mo?" Ilang ulit pa akong tumango sa tanong ng Doctor.

"Opo" Kanina sa Chapel ng matapos akong magdasal ay Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa Doctor upang sabihin na ako nalang ang gawing Donor ni Thorn. Para kay Thorn ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lang sumaya ito.

Ilang sandali pa ay pinaghanda na ako nito. Walang-wala akong maramdaman na kaba sa hakbang na aking gagawin. Handa na sana sa operasiyon si Doc ng may isang biyaya ang dumating.

The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon