Tres

94 8 0
                                    

Nandito kaming Apat sa McDonalds at kumakain na. Nang matapos kaming kumain ay naglibot libot nalang kami .

"Nood tayo ng sine?" Suhestiyon ni Priscilla na naka kapit sa braso ko.

Tumingin naman ako sa aking braso kung saan nakasuot ang akin Relos . Alas kwatro palang naman ang oras.

"Sige, Kayo?" Ani Tori na sinangayunan naman namin.

Naglakad na kami papunta sa Second floor ng Mall kung saan matatagpuan ang Cinema.

"Hala! Popcorn at soda lang ang nanditong mabibili nating pagkain" Si Margaret

"Ako na ang bibili ng Iba pa" Suhestiyon ko rito

"Samahan na kita" Si Priscilla. Tumango naman ako rito.

Pumunta muna kami sa Hypermarket at bumili ng Mga chips. Pag-katapos ay pumunta kami sa Milktea shop.

"Iihi lang ako" Paalam ni Priscilla sakin tumango lang ako dahil tila ihing ihi na ito kanina pa.

"Two Large Dark choco and Two large Red Velvet Milktea for Ms. Melione" Sigaw ng nasa cashier na babae.

Agad ko naman itong pinuntahan at nagbayad at kinuha na ang order. Bumili na rin ako ng tubig dahil nauuhaw na ako.

Pagkaalis ko sa Milktea shop ay ininom ko na ang tubig na bumili ko. Hindi ko pa naisasara ang takip ng note ng biglang may bumunggo sa akin sa bata kaya tumapon ang tubig sa Lalaking pinagbungguan ko.

Nanlalaking mata ko ng makitang basang basa ang damit na suot nito.

Patay!

Nang iniangat ko ang tingin ko ay isang gwapong lalaki ang sumalubong sa akin. Naka salubong ang dalawang makakapal na kilay nito. Ang panga nito na nakaigting. Manipis na Kulay Rosas ang labi nito.

Nang bumaba ang tingin ko sa damit nito basa . Naka suot ito ng Business Attire na mahahalata mong idinisenyo lang para sa mayayaman. Agad ko naman ilabas ang panyo ko at pinunasan ang damit na nabasa pero bali wala lang ata iyun. Hinawakan nya ang kamay ko at ibinaba. Namumula ang mga pisngi ko dahil ang basang bahagi ay ibabang bahagi ng tiyan nito.

Nakakahiya!

"Hala! Sorry po" Nakayuko kong Saad dito at pinaglalaruan ang Kuko ko upang maitago ang kaba na nararamdaman ko.

Nag-angat ako ng tingin dito dahil tahimik lang ito at nakatingin lang sakin. Kinakabahan ako sa kanya dahil baka sigawan ako at ipahiya sa mga Tao.

Ang daming nakatingin!

"Sir pasensya na po Ibibili ko nalang kayo ng pamalit" Suhestiyon ko pa rito at luminga linga sa paligid upang maghanap ng malapit na Shop.

Ngunit umiling lang ito. Umusbong ang takot ko ng nakita ko itinaas nito ang kamay nito at ilalapit sa akin.

Sasampalin nya ko! O my!

"Ehem Mr. Wag mong sasampalin ang kaibigan ko! " Napalingon ako kay Priscilla ng sumigaw ito. Nakabalik na pala siya.

Nakita kong itinabig nya pa ang kamay ng lalaki. Inilagay nya ako sa kanyang likuran. Tila pinoprotektahan nya ako mula sa Ginoo.

Ngumisi lang ang lalaki at bumaba ang tingin sa Name plate ko at umalis na.

"Okay ka lang ba?" Mahahalata mo ang pag-aalala sa mga mata nito. Hinawakan pa nito ako at tila chinecheck kung may sugat ba ako.

"O-oo naman H-haha, ba't ang tagal mo?" Pilit akong tumawa rito upang wag na syang mag-alala.

"Hay nako!" Sigaw nito kaya napatingin ako rito.

"Bakit? "

"May isang Mayabang na lalaki na ininis ako! " Natawa naman ako sa reklamo nito.

Pumunta na kami Kila Margaret na hinihintay kami . Pumasok na kami sa loob ng Cinema at nagsimula ng manood.

Iniisip ko parin ang lalaking natapunan ko dahil Baka mamaya ay gantihan nya ako pag nakita ulit ang landas namin.


































































The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon