Dieceséis

72 6 0
                                    

Ilang Linggo na ako nandito sa Bahay ni Thorn. Sa taggal nun ay nagkabalikan na kami.

Alam ko na marupok ako!

Narito ako sa kusina at nagluluto para sa Breakfast namin ni Thorn. Kahit na may katulong ay ako na ang nagluluto dahil gusto kong nagluluto. Tsaka wala naman akong ginagawa dito.

Naghain na rin ako ng mga plato namin ni Thorn. Napatingin naman ako sa yumakap sa akin.

Si Thorn!

"Good morning Misis" Bati nito at hinalikan ako sa pisnge.

"Good morning din"

Naupo na kami at nagsimula ng kumain.

"Pupunta tayo sa Parents mo" Napatingin naman ako rito dahil ngayon lang ito nagsabi na lalabas kami.

"Okay, bakit ko naman naisipan?"

"Magpapakasal na tayo" Nagulat ako sa sinabi nito kaya nabulunan ako. Uminom muna ako bago magsalita.

"Parang Maaga pa Thorn"

"I know, kaya next month na lang" Nakangiting sabi nito.

"W-what?"

"Next month kako tayo magpapakasal" Ulit pa nito.

"Uhm Thorn, May sasabihin ako"

"Hmm, What?"

"N-nag apply ako ulit sa Modeling Agency ko dati" Masayang sabi ko. Nawala ang ngiti ko ng mukhang galit ito.

"What?!"

"Nag-apply ako, Akala ko ay matutuwa ka"

"Tangina, kaya nga pinag-resign kita ay ayaw ko!" Galit na sabi nito sa akin.

"Huminahon ka Thorn"

"Tangina,Melione naman!" Sigaw nito sa akin.

"Sorry Thorn"

"Alam mong Hindi ka pwede magpakasal kapag Model ka!" Tama naman ito dahil isa itong rule ng Agency ko.

"I know, Thorn Sorry!" Sabi ko pa rito.

"Hindi pa naman ako natatanggap dahil kaka-apply ko lang-" Pinutol ni Thorn ang sasabihin ko kaya Alam kong Hindi ito sasangayon.

"Damn, Melione Kapag nalaman nilang Ikaw si Melione ay tatanggapin ka agad! Kilalang model ka!" Naiiyak na ako sa mga sinisigaw ni Thorn dahil tama naman ito.

Bakit kasi naisip mo nag-apply.

Tumayo nalang ako at dumeretso sa kwarto at nahiga. Mabuti nalang at nag-lock ako kaya Hindi mabubuksan ni Thorn.

Natigilan ako sa pag-iyak ng marinig kong tumutunog ang aking telepono. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?"

"Good morning Melione, You're Hired"
Nagulat ako sa sinabi nito kaya Hindi ako makagalaw.

"Tatawagan ka nalang namin kung kailan ka mag- sisimula" Pagkatapos ay namatay na ang tawag kaya tulala akong nakatitig dito.

Paano na ito?

"Melione" Sunod-sunod ang katok ni Thorn sa pintuan. Hindi ko ito pinagbuksan dahil Alam kong galit pa rin ito sa akin.

Napatigil ako sa pagiisip ng marinig kong bumukas ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako dahil kay Thorn ang Bahay na ito kaya mayroon itong susi malamang.

"Melione" Tawag ni Thorn at tinabihan pa ako. Nanatili akong tahimik kahit na tinatawag ako nito.

"Wag ka ng magalit" Mahinahon na sabi nito.

"Alam mo naman na College palang tayo ay Plano ko ng magpakasal tayo. Kaya naman na kita buhayin kahit wag ka ng nagtrabaho" Dagdag pa nito. Alam ko naman na kaya akong bigyan ng mga gusto ko dahil Bilyonaryo ito.

"I know" Tipid kong sabi.

"Bati na tayo ha" Sabi nito at niyakap ako. Humiwalay ako rito ng may maalala ako.

"Tumawag ang Agency kanina- wag ka muna maingay! Sabi nito ay tanggap ako" Sabi ko rito at sinaway ko pa ng magtatangkang sasabat ito.

"Hays, Anong Plano mo?"

"Sasabihin ko na magbaback-out ako"

Napatingin ito sa akin at tila tinatansya ang reaksyon ko.

"Talaga?" Masayang sabi nito. Tumango nalang ako rito. Mabilis pa akong hinalikan sa labi nito kaya napalo ko.

"Tsansing ka!"

"Misis naman" Sabi pa nito.

























The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon