Diez

63 8 0
                                    

"Patawarin mo na Anak" Sabi ni Mama.

Linggo ngayon kaya walang pasok. Sabi ni Mama ay Nasa Baba si Thorn. Simula kasi ng manligaw si Thorn ay alam na ni Mama. Dahil nagpaalam daw muna ito sa kanila ni Papa.

"Bumaba ka na" Dagdag pa nito at umalis na kaya magisa nalang ako sa kwarto ko.

Nagsumbong pa kay Mama!

Nagpunta muna ako sa banyo at nagpalit ng Damit. Nagpulbos at lip balm lang ako at lumabas na sa banyo.

Naabutan ko pang nakaupo si Thorn sa aking Kama. Tumikhin naman ito at nagsalita.

"Good Morning Melione, Umalis nga pala Sila Mama at Papa" napatango nalang ako sa sinabi nito. Iyun na din ang tawag ni Thorn sa aking mga magulang.

"Kumain ka na ba" Walang katingin-tingin kong tanong dito.

"Busog pa ako- pinutol ko na ang sasabihin nito.

" Tinatanong kita, kumain ka na ba?" Tanong ko rito at umiling naman ito.

"Tara sa baba, magluluto ako"

Bumaba na kami pareho ni Thorn at dumeretso na sa kusina. Nagsimula na akong magluto.

"Melione" Tawag ni Thorn sa akin.

"What?" Inis kong sagot dito ng Hindi tumitingin sa kanya dahil hinahalo ko ang Fried rice.

"Sorry ba" Sabi pa nito at lumapit sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bewang ko. Parang nakayakap siya sa akin.

"Ah" Tanging nasabi ko.

"Melione naman" Sagot nito at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Bitawan mo nga ako" Mahinahong sabi ko habang nililipat ang nailuto ko sa plato.

"Ayaw, Misis Sorry na" Nakayakap lang ito sa akin habang naghahain na ako sa Mesa.

"Thorn bitaw" Seryosong sabi ko.

"Ayaw" Sagot nito at umupo na sa upuan kaya napaupo din ako sa hita nito.

"Kakain na ako" Umiling lang ito.

"Susubuan kita"

"Ayoko"

"Melione naman" Wala na akong nagawa ng itinapat na nito ang kutsara sa bibig ko.

"Lilipat na ko" Sabi ko at uminom ng tubig pagkalunok ko ng sinubo nya.

"No" Sabi pa nito at sinubuan pa ako. Kaya kumain nalang kami ng ganoon ang pwesto. Sinusubuan nya ako at ganon din sya.

"Hindi ka ba nandidiri, Thorn?" Tanong ko.

"Bakit?" Sabi nito at isinubo ang kutsara na ginamit nya sa akin.

"Duh!, iisang kutsara lang gamit natin!" Saad ko pa rito. Tumawa nga ito habang naiiling.

"Nag-kiss na nga tayo e" Sabi pa nito kaya uminit ang ulo ko at naalalang may kasalanan pa ito sa akin.

"Galit pa nga pala ako sayo!" Seryosong sabi ko.

"Hmm. Galit ka pa sakin?" Malambing na sabi nito at binaba ang kutsara. Niyakap ako ng mahigpit at humalik pa sa pisnge ko.

"Thorn!"

"bakit Hmm?" Inilapit pa nito ang mukha sa leeg ko at inamoy-amoy kaya nakiliti ako.

"Thorn, Wag kasi HAHAHA!" Hindi ito nagpaawat at kiniliti pa ako sa bewang.
Hingal na hingal ako dahil ang tagal bago ito huminto.

"Okay, Tama na" Sabi ni Thorn at inilabas ang kanyang panyo at pinunasan ang pawis ko.

"Galit ka pa?" Sabi nito kaya umiling na ako dahil umaakma itong kikilitiin ako.

Magkatapos namin kumain ay nagtulong kami magurong kahit sabi nya ay siya na ang gagawa.

Pagkatapos nun ay pumunta kami sa likod bahay kung saan may kubo at duyan.
Magkatabi kami dito sa duyan ni Thorn.

"Thorn, may gaganapin na birthday party para kay Kimcielle mamaya. Punta ako a"

"Wag na"

"Hindi naman ako nagpapaalam saiyo e, sinasabi ko lang" Inis kong sabi dito.

"Kahit na, Gala nalang tayo" Pagaaya pa nito sa akin.

"Thorn naman!"

The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon