Diecisiete

65 7 0
                                    


"Sigurado ka ba, Melione?"

Napatango nalang ako sa Sinabi ng Manager ng Modeling Agency ko. Kusa akong pumunta dito para sabihin na magbaback-out na ako.

"Yes, Sorry po" I said politely.

Kita ko ang panghihinayang sa mga mata nito pero wala na siyang magagawa. "It's okay"









___________
"Anong sabi ng Modeling Agency mo?" Si Thorn.

Nakauwi na ako sa bahay nito. Narito kami sa kwarto at nanonood ng mga Movies. Wala daw siyang trabaho ngayon.

"Syempre nanghihinayang, Duh!" Maarteng sabi ko at nginuya ang popcorn na kinakain namin.

"Ikakasal naman tayo e" Hinalikan pa nito ay buhok ko at yumakap sa akin. Napatango nalang ako sa sinabi nito.

"Ngayon tayo pupunta Kayla Papa, diba?"

"Damn, Oo nga pala!" Napailing nalang ako rito.

"Gumayak na tayo"

Pumunta ako sa banyo at naligo. Pagkayari kong makapaligo at nagbihis ako ng kulay Yellow na Bistida at puting sandals. Nagpusot nalang ako ng mataas. Nagpulbos at nagliptint din ako.

Napatingin naman ako kay Thorn na nakasuot ng itim na ripped jeans at Kulay puting polo.
Kahit ganon lang ang suot nito at lumalabas ang kanyang kakisigan.

Lumapit pa ito sa akin at bumulong sa aking tenga. "Ang Ganda naman ng Misis ko"

"Sus, nambobola ka lang!" Pabiro ko pang pinalo ang dibdib nito. Natawa lang ito at hinalikan ako ng mabilis.

"Tara na nga!"

Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan nito. Mabuti nalang at walang traffic kaya maluwag ang daan. Mabilis naman kaming nakatarating sa bahay.

"Anak?" Inaaninag pa ako ni Mama. Lumapit naman ako rito at nagmanong. Ganon rin si Thorn.

"Bakit ngayon kalang umuwi?"

_______
Nakatingin lang ako kay Thorn na pinaglilinis ni Papa ng Sasakyan. Sa totoo lang ay pangalawang sasakyan na iyan.

Nagalit kasi si Papa ng malaman nya na Kinidnap ako nito. Bilang Parusa daw ay maglinis ito. Sabi ko nga kay Papa ay magpa
Car wash nalang ngunit makulit ito.

" Mag Meryenda ka muna" Tawag ni Mama kay Thorn . Agad naman lumapit si Thorn pagkahugas ng kanyang kamay.

"Ayos ka lang?" Tanong ko rito. Tumango naman ito. Nang tumalikod si Mama ay gulat ako ng mabilis akong hinalikan nito.

"Thorn!" Hinampas ko pa ito pero ang loko ay tumawa lang.

"Pampalakas lang" Tumawa pa ang loko. Napailing nalang ako rito.

"Tapos ka naba, Thorn?" Napalingon kami ni Thorn kay Papa na kakalabas

"Opo Papa" Sagot nito.

Napalapit naman si Papa sa mga sasakyan na nilinis. Tila iniispeksiyon pa ito kung maayos ba ang paglilinis.

"Aba ayos a!" Bakas sa mukha ni Papa na hangang-hanga sa paglilinis ni Thorn. Nang lumingon ako kay Thorn ay ngiting aso ito dahil natuwa si Papa sa kanya.

Napa-ayos naman ng upo si Thorn ng lumapit si Papa sa amin.

"Pumapayag na ako na ikasal si Melione sayo" Sabi ni Papa kaya lumaki lalo ang ngiti ni Thorn at hinawakan pa ako sa kamay.

"Thanks Tito"

"Papa nalang iho"

"Opo P-Papa" Sagot ni Thorn.

Tumayo naman si Papa ng marinig namin ang tawag ni Mama sa kanya.

"Ngiting-ngiti tayo a?" Pangaasar ko rito.

Ngumiti lang ito at bumulong sa aking tenga. "Ako na ang paboritong Manugang ng Papa mo" Napailing at napairap nalang ako sa kanya.

" Paano ikaw palang ang Manugang" Tawang-tawa ako rito ng makita ang kanyang Reaksiyon.

"Tsk, kahit na!" Asar na sabi nito.

Ang Arte!

Napatingin kami pareho ni Thorn sa kanyang telepono ng magring ito. Nakita kong ang sekretaryang lalaki nya ang tumatawag.
Sinagot naman nya ito pagkaraan ay binaba na ang tawag.

"Alis muna ako" Humalik pa ito sa akin bago tumayo.

"Bakit?"

"May emergency sa Company" Sagot nito. Bago ito umalis ay magalang itong nagpaalam kay Mama at Papa. Pinaiwan nalang niya muna ako at dadaanan na lang mamaya.

Ilang oras na ang lumipas ay naiinip na ako dahil wala parin Thorn na nagpapakita. Narito kami nila Mama sa salas at nanonood.

"Isang karambola ang nangyari nito lang alas-tres kinse ng hapon sa. Dalawa ang patay at maraming sugatan isa na rito ang Billionaire businessman na si Mr. Thornton Evans Alaric"

Nanlamig ako sa narinig kong balita. Maging sila Mama ay napasinghap sa gulat. Hindi ko alam pero parang Hindi ko magalaw ang katawan ko mula sa pagkakarinig ng balita.

Diyos ko! Si Thorn!

"Melione, si Thorn!" Si Mama iyon. Naramdaman ko nalang ako nagbabadya kong luha.

Napatingin ako sa unknown number na tumatawag sa aking telepono. Sinagot ko iyon at inilagay sa tenga.

"H-hello?"

"Ito po ba si Ms. Melione?" Tanong pa ng nasa kabilang linya.

"Yes, why?"

"Pumunta po kayo sa Clerin Hospital, Narito si Mr. Alaric"

The Unseen Side✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon