Chapter 7

39 5 2
                                    

"Nobyo mo?" Kinikilig na tanong ni Elisse, isa aking mga kababata.

"H-ha? Ano ka ba hindi!" Maagap kong sagot.

Kanina pa man pagbaba ko ng sasakyan ay panay gano'n ang mga tanong nila.

"Ate Hope!" Sinalubong ko ng ngiti ang mga batang tinuturuan ko lang ng Alpabhet noon.

Ang laki na nila! Nakakatuwa na hanggang ngayon ay kilala pa nila ako. Ang sarap sa pakiramdam.

Tuwang-tuwa sila nanay, tatay at lola habang pinapanood ako. Ang lahat ng bata ay nagtakbuhan at nag-unahang yumakap sa akin. Isa-isa kong hinawakan ang mga ulo nila at binati.

"Ate Hope, namiss ka namin!"

"Namiss ko din kayong lahat" sabi ko habang tinitignan sila isa-isa.

Mula sa gilid ng aking mata ay ramdam ko ang titig ni Chase. Ba't ba siya nakatingin? Gusto din ba niyang magpayakap sa mga bata?

"Nobyo mo ate?" Hindi ako sumagot at tinitigan lang si Jc na nagtanong, bunsong kapatid ni Elisse.

"Kayo po ba ang nobyo ni ate Hope?" Nanlaki ang mga mata ko ng tanungin nila si Chase.

"N-naku mga bata! Hindi ko siya nobyo" paliwanag ko.

Tinignan ko si Chase at nag-abang ng sasabibin niya pero ngumiti lang siya sa mga bata. Oh shit! That smile!

"Tama na 'yan mga bata, mamaya niyo na kulitin ang ate Hope ninyo" si Tiya Marta na ang bumawal sa mga bata para makapasok na kami sa dati naming bahay at ng makakain ng tanghalian.

Namiss ko ang amoy ng bahay namin. Ang simple naming pamumuhay namin ni nanay at ang sariwang hangin ng probinsiya, lahat ng 'yon ay namiss ko.

"Boodle fight sana talaga ang plano namin para sa paguwi ninyo kaya lang ay tinamad naman kumuha ng dahon ng saging ang tiyo Nero mo" paliwanag sa akin ni tiya Marta habang nasa kusina kaming dalawa. Ako na ang nagpresintang tulungan siya kase wala pa pala sina Inang at Tatang maging ang ilan naming mga kamag-anak dahil abala daw sila sa bukid.

"Naku tiya pwede pa naman po akong kumuha hindi ba?" Tanong ko.

"Hindi bat gutom na kayo? Ang layo ng biniyahe niyo at isa pa nakakahiya sa'yo"

"Tiya naman ako pa din naman ang dating Hope na mauutus-utusan ninyo" nakangiti kong sabi.

"Sige tanungin natin ang mga magulang mo kung gusto nila ang boodle fight"

Kinausap ni tiya sina nanay at tatay habang ako naman ay naging abala sa kusina. Naghiwa ako ng kamatis at nagbalat din ng itlog na pula. Lahat ng pagkaing probinsiya ay hindi nakakasawa kaya 'yon ang pinahanda ko kila tiya.

Si tiya Marta ay nagluto ng pakbet, nagprito ng isda at ng manok. Tinitignan ko palang lahat ng pagkain mukhang mapaparami na ako ng kain. Nakakagutom!

"Sige Hope, pwede ka ng kumuha ng dahon ng saging" mula sa balkonahe ay bumalik si tiya sa kusina para sabihin na kumuha na ako ng dahon ng saging.

"Sige po" sagot ko.

Agad akong lumabas ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may tumatawag na sa akin.

"Bakit?" Agad kong tanong kay Chase na kanina pa ako tinatawag.

"Where are you going?"

"Kukuha ako ng dahon ng saging. Bakit?" Tugon ko.

"Ninong said na samahan daw kita" sagot niya sa akin.

"Gano'n ba? Sige hawakan mo muna itong kutsilyo at itatali ko lang 'tong buhok ko" agad niya namang kinuha ang kutsilyong hawak ko at pinanood akong magtali ng buhok.

Chasing Chase Andrius (ON-GOING)Where stories live. Discover now