Chapter 2

55 6 0
                                    

"Hope, babalik na tayo sa bahay natin"

Agad kong ibinaling kay nanay ang paningin ko ng lumapit siya sa akin. Ngumiti ako at inayos ang salamin ko.

"Ako na po nalang po ang mag-bubuhat dito, 'nay" kinuha ko ang isang kahon na medyo may kalakihan.

"Hindi mo 'yan kaya Hope at may kabigatan iyan" tinawanan ako ni nanay dahil halata naman daw sa mukha ko na nabibigatan ako sa kahon.

Ano ba kaseng laman ng kahon na 'to? May ginto ba dito? Bat ang bigat-bigat?.

"Kaya ko naman po nanay. Ano po bang laman nito?,  medyo may kabigatan nga ho kase" tanong ko.

"Mamaya ko na sasabihin kung ano ang laman niyan isa pa ay makikita mo din naman ang laman niyan mamaya. Pero sa ngayon heto na lamang basket ang buhatin mo at ako na diyan sa kahon"

Gano'n nga ang ginawa namin ni nanay. Siya ang nagbuhat sa kahon at ako ang nag-bitbit sa basket. Hindi naman na din ako umangal dahil malapit lang din naman dito ang tinutukoy ni nanay na bahay namin do'n din talaga natutulog ang mga kasambahay nina madam Anna.

"Oh Hope balita ko napunta ka nanaman daw sa dean's office dahil kay sir Chase" tanong kaagad sa akin ni kuya Adi ng makarating kami sa tinutuluyan namin.

"Wag mo munang kulitin si Hope, Adi." Suway ni nanay kay kuya Adi.

"Pasensya na ho aling Cecile alam niyo naman na parang kapatid ko na ho iyang si Hope." Napakamot pa si kuya Adi sa kanyang sentido.

"Sa tambayan nalang ulit tayo mamaya kuya" ngiti ko sa kaniya. "Susunod ako sa'yo tutulungan ko lang si nanay sandali."

Matapos no'n ay pumasok na kami ni nanay sa loob ng maliit na bahay na tinutuluyan namin. Kaya ko nasabi na malapit lang ang tinutuluyan namin dahil sa loob pa din naman ito ng lupain ng mga Salazar, ilang tumbling mo lang ay nasa mansiyon kana ulit.

"Nanay" tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay bilang pag-tatanong kung bakit. "Hindi ba't may katagalan na din ho kayong nag-tratrabaho sa mga Salazar?"

"Oo, anak" tipid na sagot niya. "Simula pa lamang nung nasa ika-apat na baitang si Chase ay naglilingkod na ako sa pamilya nila."

"Kase po kanina...." napa-buntong hininga na lang ako ng maalala ang sinabi ni Chase.

"Ano?"

"Sabi niya ayaw niya ng kinaka-awaan siya. Alam mo 'nay halos apat na taon ko ng nakakasama si Chase-"

"Sir Chase, Hope. Sir Chase." Pinutol ni nanay ang sasabihin ko para lang paalalahanan ako na dapat ay may 'sir' lagi ang pag-tawag ko kay Chase.

"Pasensya na po 'nay, nasanay po kase ako lalo na sa eskwelahan" pagdadahilan ko.

"Alam kong may gusto ko sakanya, Hope" nagulat ako sa sinabi ni nanay kaya naman agad akong napalingon sa kaniya. "Matagal ko ng napapansin, anak."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at nilipat ang tingin sa sahig. Masyado ba akong halata? Kitang kita ba 'yon sa akin? Nahahalata ni nanay ibig sabihin nahahalata din ni....CHASE?!

"Pigilan mo na 'yan Hope ngayon pa lang"

"Pero 'nay"

Bumuntong hininga si nanay at umupo sa tabi ko.

"Alam ko na hindi gano'n kabilis mawala anak pero sana hanggang kaya mo pang pigilan, pigilan mo" ngiti ni nanay sa akin kaya ngumiti din ako pabalik.

Hindi mawala sa akin ang mga salitang sinabi ni nanay sa akin. Hindi ko na kayang pigilan. Gustuhin ko man pero, wala na e kase...hulog na hulog ako.

Chasing Chase Andrius (ON-GOING)Where stories live. Discover now