Chapter 11

32 2 0
                                    

Ngayong araw na ang ball sa school. May pasok pa din kami ng umaga pero mamayang hapon daw ay wala na. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako nae-excite para mamaya e date ko naman si Chase.

"Hey," nabigla ako ng may tumabi sa akin habang nakaupo ako sa bleachers dito sa gym, "Are you okay?" Tanong ni Drake.

"Oo? Hindi ko alam. Parang may bumabagabag sa akin e," sagot ko.

"Why? What happened ba?"

"Tiyaka ko nalang ike-kwento, Drake. Hindi pa ako handang i-open 'to kahit kanino e."

Hinigit ako ni Drake palapit sakanya tiyaka niyakap, "Is that so? Okay lang. I just want you to know that i'm here for you, always."

"Salamat, Drake. Swerte ko talaga na kaibigan kita," gulo ko sa buhok niya.

Kitang-kita ko naman ang paglunok niya. Napayuko pa siya at pinagsiklop ang kanyang mga daliri.

"Mamayang gabi na yung b-ball, may d-date kana?" Tanong niya.

"Teka nga bakit ba nauutal ka ha?" Natatawang tanong ko.

"Ito naman nilalakasan ko na nga loob kong tanungin kung may date ka ba, para kung wala...ako nalang sana," papahina niyang sabi.

"Asus yun lang pala."

"So meron nga?" Tanong niya ulit, ang kulit.

"S-si Chase," nahihiya kong tugon.

Bakas sa mukha niya ang panghihinayang pero ng titigan ko ang mga mata niya ay lungkot ang nskikita ko doon.

"O e bakit ganyan ang reaksyon mo? Di'ba dapat masaya ka para sakin?"

"M-masaya naman ako para sa'yo ah," tawa niya, halatang pilit. Maya-maya ay bigla siyang tumayo at nagpaalam na bibili lang ng maiinom sa canteen.

Anong problema no'n? Parang hindi normal kung mag-react si Drake ngayon ah. Pagagaanin ko nalang ang damdamin niya para naman kahit papano hindi siya gaanong malungkot.

Nag-desisyon akong sumunod kay Drake sa canteen tutal tapos naman na din ang PE class namin.

Habang nasa daan papuntang canteen nahagip ng mata ko si Chase at Denise na tila nagtatalo. Halatang   galit na galit si Denise kay Chase dahil pulang-pula ang mukha nito. Sinubukan kong lumapit ng kaunti para marinig ang pinag-uusapan nila pero ang tanging narinig ko lang ay ang sinabi ni Denise na; "You're a shit! I promise to make everything hard for you, Chase. I promise you'll regret everything you've done."

Anong pinagtatalunan nila?

Nanatili ang tanong na 'yon hanggang sa makarating ako sa canteen. Nilinga ko si Drake hanggang sa makita ko siya na nakaupo na sa isang table.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sakanya dahil alam ko namang hindi na siya magugulat kung makita niya ako.

"Hoy!"

"Ite-text palang sana kita para papuntahin dito," sabi niya habang ibinibigay sa akin ang sandwich at juice na binili niya.

"Salamat," ngiti ko sakanya.

"Gusto mo tawagan ko si Kuya Adi para papuntahin dito?" Tanong niya.

"Sige! Miss ko na si Kuya Adi," sabi ko.

Habang tinatawagan ni Drake si Kuya Adi ay tumayo muna ako para dagdagan ang pagkain namin. Nakapila ako hanggang sa maya-maya ay may humawak sa balika ko kaya nilingon ko ito.

Chasing Chase Andrius (ON-GOING)Where stories live. Discover now