Chapter 9

27 2 0
                                    

"O siya sige alam ko naman na ang dapat gawin dito" wika ng isa sa mga tiyo ko na kausap ni tatay ngayon.

"Sige. If there's still anything that is needed here just call me. We'll go ahead." Tinapik ni tatay ang balikat ng kausap bago kami sabay-sabay na nagsakayan sa van.


Alas dos ng hapon kaninang umalis kami kila lola. Ngayon naman ay bibiyahe na kami pabalik ng Maynila.


Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa 7/11 ng isa sa mga bayan sa Pampanga para bumili ng mga makakain.

Agad akong lumapit sa estante ng mga junk foods at chocolate. Madalas ay puro ganito ang pagkain ko kada biyahe kaya naman hindi pwedeng wala akong nginunguya sa daan.

"Bakit naman puro ganyan ang pagkain mo?" Tanong ni tatay sa akin ng mapansin niya ang mga binili ko.

"Hayaan mo na ang anak mo, ganyan talaga ang pagkain niyan kapag bumibiyahe kami" sabad ni nanay.

Habang nasa biyahe ay nakatulog sina nanay at lola. Tanging kamping apat na lamang nina Chase, Owen at Tatay ang gising habang binabaybay namin ang daan pauwi.

"Aabot pa kaya ako sa selebrasyon ni Kuya Adi?" Bulong ko.

Inangat ko ang aking kamay para tignan ang oras sa relos, sa aking lumang relos. Agad din akong napa-iling ng makitang hindi na nga pala iyon gumagana, ginagamit ko lang pala ito pang-porma. Hindi na kase ako nagpabili pa kay nanay ng relos ko dahil nga sa hirap ng buhay namin.


"It's already 6 in the evening" nilingon ko si Chase na nagsalita mula sa aking gilid.

"Huh?"

"Nothing, i'm just checking the time"


Nakita niya kaya na sira na ang relo ko? Hmm?

Hindi ko ding inaaasahan na makakatulog ako sa biyahe. Nagising na lamang ako ng makarating na kami sa mansyon ng mga Salazar.

Nilingon ko si Chase na hanggang ngayon ay natutulog pa din. Gusto ko siyang gisingin pero natatakot ako na baka mamaya magalit siya sa akin dahil naistorbo ko ang pamamahinga niya.

Mariin kong tinitigan ang buo niyang mukha. Mula sa medyo makapal niyang kilay, matangos na ilong at sa...mapupula niyang labi. Napalunok ako ng bigla na lamang dumako ang kamay ni Chase sa mga kamay ko. Mahigpit niya itong hinahawakan.

"Uh, Ch-Chase," utal kong sabi. "N-nandito na kase tayo, b-bumaba na tayo"

Nang hindi pa din siya nakinig ay hinayaan ko na lang na maging ganito pa din ang posisyon namin. Habang nakaupo ako sa tabi niya ay hawak niya naman ng mahigpit ang kamay ko. Kinikilig ako sa isiping hawak ko ang kamay ng taong matagal ko ng gusto.

"Oh anak, bakit hindi pa kayo bumababa" ang mga mata ni nanay ay dumako sa kamay namin ni Chase na magkahawak. "Anong ginagawa niyo?" Tanong niya sa akin.

"N-nay, pababain ko lang naman po sana si sir Chase kaya lang.."

"Gisingin mo na siya at sumunod na kayo sa loob, ando'n si Drake kina Adi" dire-diretsong sabi ni nanay. Parang ayaw niyang makinig sa ano mang ipapaliwanag ko.

Kahit ayaw ko mang gisingin si Chase dahil gusto ko pang damhin ang sandaling ito ay hindi na pwede. Kailangan ko siyang gisingin para hindi magalit sa akin si nanay.

"Chase gising na, kailangan na nating bumaba" bulong ko sakanya habang tinatapik ang braso niya. "Papagalitan kase tayo kapag hindi pa tayo bumaba," muli kong bulong pero ayaw niya pa ding gumising.


Chasing Chase Andrius (ON-GOING)Where stories live. Discover now