Chapter 3

52 4 0
                                    

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pabalik kami ni kuya Adi sa tambayan. Kinikilig talaga ako e! Grabe mommy daw! Mommy!.

Yieeeeee!

"Huwag masiyadong kiligin" agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko ng sabihin iyon ni kuya Adi.

Nilingon ko siya at tinitigan ng masama. Mas lalo pa akong naasar kay kuya Adi dahil yung itsura niya akala mo walang nasabi na hindi makakasira sa imagination ko.

"Alam ko na 'yang titig mo na ganiyan, Hope." Aniya tiyaka ako tinawanan.

"Sinira mo nanaman iniisip ko kuya e!" Reklamo ko.

"Kesa naman yang mga iniisip mo sumira sa 'yo" aniya tiyaka ako tinulak para maunang muli sa paglalakad.

Ngumuso ako tiyaka pinalobo ang loob ng aking mga pisngi.

Tama naman si kuya Adi e, hindi tamang mag-assume. Mahirap mag-assume kase hindi naman ibig sabihin na may ginagawang maganda o may sinabi sa atin ang isang tao bibigyan na natin ito kaagad ng kahulugan.

Totoong gusto ko si Chase simula palang nung unang araw na makita ko siya iba na agad ang dating niya sa akin. He's like a star for me. He gives light on my life.

"Hope alam ko na matagal mo ng gusto iyang si sir Chase" nilingon si kuya Adi ng sabihin niya iyon. "Huwag mong itanggi" dagdag niya.

"Oo na, kuya Adi" sumimangot ako matapos no'n.

Nang makarating kami sa tambayan ay agad akong nag-sinop ng gamit ko upang makauwi na din dahil alam kong hindi pa kumakain si nanay.

"Kuya Adi, mauuna na ako" paalam ko bago tuluyang umalis.

Nang makarating ako sa bahay ay doon ko nakitang may kausap sa telepono si nanay.

"No way, Harry!"

Teka....english yun ah!

Bakit parang biglang ang galing naman ni nanay sa Ingles? Akala ko Donya na e!

"Nay"

"H-Hope!" Tila gulat pa si nanay ng makita niya ako sa tabi niya.

"Parang nakakita ka naman ng multo nanay?" Tanong ko habang tumatawa.

Nakita ko kung paanong itinabi ni nanay ang telepono ng pasimple. Sino bang kausap ni nanay? Bakit parang nagtatalo sila?

"Sino pong kausap niyo sa telepono, 'nay?"

"Halina't kumain na tayo, Hope" iniba ni nanay ang usapan.

Nagtataka man ay sumunod nalang din ako para kumain ng hapunan.

Ginisang ampalaya na may itlog at pritong tilapia ang ulam namin ni nanay. Kahit hindi ako kumain sa mga sikat na restawran at kumain sa ilang mga karinderya hindi pa din mapapantayan ng mga 'yon ang luto ng nanay ko noh! Aba master chef ata ang nanay ko!

"Natapos mo ba ang mga takdang aralin mo?" Tanong ni nanay ng lapitan niya ako sa lababo habang nag huhugas ng pinggan.

"Natapos ko na po" naka-ngiti kong sabi.

"Tapusin mo na iyan ng makapag-pahinga ka na" dagdag niya bago nagtungo sa nag-iisang kwarto dito sa bahay na tinutuluyan namin.

Habang nag-huhugas ng pinggan ay bigla kong naalala ang mga bagay na nangyari buong maghapon. Kung paano ako napapunta sa dean's office at hanggang sa kung paano ako tinawag ni Chase na mommy ni Rush. Waaaaah! Walang may pake basta kinikilig ako, period!

"Nakaka-kabaaa! Nakaka-aliw! Nakaka-kilig! Nakaka-baliw" pagkanta ko habang pinupunasan na ang mga pinggan na nahugasan ko.

"Oh oh pag-ibig oh oh pag-ibig" pagpapapatuloy ko.

Chasing Chase Andrius (ON-GOING)Where stories live. Discover now