Mugto ang mata kong nagising kinabukasan. Hindi ko din pinilit ang sarili kong bumangon sa kama para pumasok dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Halo-halo ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Sa totoo nga lang ay gusto ko na ding sumabog at bigla nalang mawala kahit ilang oras lang.
Paulit-ulit ko ding tinatanong ang sarili ko kung nakuha kaya nila Denise ang gusto niyang makuha, na-satisfy kaya siya sa mga nangyari sa akin?
Mula nang mag-aral ako dito ang hiniling ako ay magkaroon ako ng mga kaibigan, hindi mabully at mapaglaruan ng ganito.
"Apo?" Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa aking mata ng marinig ko si lola.
Hindi ko magawang humarap dahil mugto pa ang mga mata ko. Ayokong makita ako ni lola ng ganito.
"Hindi kita namalayan na umuwi kagabi, hija. Ayos ka lang ba?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong bumangon at yumakap kay lola na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"L-lola..." iyak ko habang nakayakap sakanya.
"Hush, Hope. Ayos lang 'yan apo, andito ang lola."
Lalo akong naiyak at halos mahirapan na ako sa paghinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.
"L-lola ang h-hirap po ng ganito, a-ayaw ko n-na pong pumasok s-sa school."
"Why? Tell me anong nangyari?" Hinahaplos ni lola ang buhok ko habang yakap-yakap niya ako, "may nambully ba sa'yo apo? Sino? Gusto mo ipa-expell ko? Dire-diretso niyang tanong.
"Gusto k-ko lang naman n-nang magmamahal s-sa akin l-lola, bakit k-kailangan n-nila akong saktan? L-lola akala ko k-kase totoo lahat pero h-hindi pala..."
Tahimik si lolang nakikinig sa akin. Ramdam kong gusto niyang umiyak para sa akin dahil nasasaktan ako pero hindi niya ginawa.
"Alam mo bang umiyak din sa akin ang tita Emily mo noon? She's just like your age that time. You wanna know why she cried?"
"B-bakit po?"
"Dahil iniwan kami ng lolo mo."
Kumawala ako sa pagkakayakap kay lola at tinitigan siya sa mata. Bakas pa rin doon ang sakit at pangungulila.
"Iniwan po kayo ni lolo? Bakit po?" Hindi ko alam kung tama pa bang itanong pero gusto kong malaman.
"Your lolo had an affair with another women. I can't blame him, dahil alam ko naman na madami akong naging pagkukulang. Siguro hindi niya din talaga nakita na ako ang makakasama niya hanggang sa ugod-ugod na siya. Mahal ko ang lolo mo, Hope pero, mas mahal ko ang mga anak ko. Importante sila sa akin. Sinubukan kong ayusin noon ang problema kaya lang... hindi na pwede, hindi na siya masaya e. I love your lolo more than this world but, I had to set him free," dire-diretso niyang sabi.
"E nasaan na po si Tita Emily?"
"Your Tita Emily? S-she comitted suicide."
"Sorry po," niyakap ko si lola at ipinaramdam na andito lang din ako palagi sa tabi niya, gaya ng ipinaramdam niya sa akin.
"N-nakikita ko sa'yo ang Tita mo, apo. Kaya gusto ko na lahat ng mga pangarap ko para sa tita mo na hindi natuloy, ay sa'yo ko nalang gagawin. Mga oras na halos hindi ko nabigay sakanya, sa'yo ko nalang din igugugol."
Nanubig ang mga mata ko at hindi nanaman napigilan ang sariling umiyak. Niyakap ako ni lola ng makita niyang nag-unahan nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko.