Equation Forty

20.7K 207 22
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION FORTY: NEAR-END EXPERIENCE.

"Jirou's back." Sabi ni Nikos. Parang slow-mo naman ang lahat sa paglabas ni Jirou sa kwarto ni Nikos. Bettina smiled good, while Chaerin was locked-jaw.

Wala na ang madungis na si Jirou. Now he's very neat, good looking, newly shaved. Also mention his very good breath and oozing masculine smell, hindi na siya magmumukhang beggar tulad nang nangyari kanina.

"Jirou." Sinugod ni Chaerin ng yakap ang asawa. Wala nang pakialam kung nagkatampuhan man sila, basta ang mahalaga, magkasama na sila.

"Let's go Monica, hayaan na muna natin silang mapag-isa." Si Nikos.

"Sure, let's go." Sagot naman ni Monica at sabay na silang lumabas mula sa condo.

Matagal na nagkatitigan sina Jirou at Chaerin. Wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita.

"Malapit na tayong ma-annul—nang hindi mo alam. Ano bang plano mo Jirou?"

Huminga nang malalim si Jirou at saka hinawakan ang kamay ni Chaerin. "May sarili akong investigation kina Bettina at sa nanay niyang luka-luka. Kung paano nila kami dinaya. And I've got all the information we needed. Sorry Chaerin if I lied to you. Pero hindi ibig sabihin niyon, gusto ko nang hiwalayan ka. You know I can't do it."

Chaerin can't hold back her tears kaya naiyak na rin siya ng tuluyan at niyakap ulit ng mahigpit. "Walang hiya ka! Pinag-alala mo pa ako. Akala ko iniwanan mo na ako. Sobrang masakit Jirou, alam mo ba? Ang hirap mag-isa..."

Inilapit ni Jirou si Chaerin sa kanya at niyakap ulit nang mahigpit. "Sshh, tama na. Hindi na ako aalis okay? Dito lang ako sa tabi mo. Hindi ka na nila magagalaw."

"K-kainis ka!" hinampas niya ng mahina si Jirou sa dibdib. "Ang korni mo."

Natawa naman si Jirou at hinalikan ang asawa sa noo. "Bakit ba? In love ako e."

"Hindi mo na ba talaga ako iiwan ha?"

"Oo naman, hindi kita kayang ipagpalit sa pera ni Bettina. Hm, baka ikaw pa ano!" naggalit-galitan si Jirou at sinamaan ng tingin kunwari si Chaerin dahil nga nakatira siya ngayon sa bahay ni Nikos.

Hinampas ulit ni Chaerin si Jirou at saka nag-cross arms patalikod dito. "Hindi porket nakikitira ako dito kay Nikos e pinagpalit na kita. Close friends lang talaga kaming dalawa at walang ibang rason para magselos ka."

"Oo na, naniniwala naman ako sayo Mrs. Sue-Chien."

Chaerin gave Jirou a weird look. "Mrs. Sue-Chien? Eh diba in the process na ang annulment case mo para sa akin?"

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon