Equation 7 and 8

19.4K 247 8
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies / sQuirreL_tObee (TeenTalk)

EQUATION SEVEN. Wish You're My Love


Nikos' POV

Dyahe, puyat na naman ako. Magkasama kasi kami ni Jirou kagabi..I mean kaninang madaling araw. Sa bar ng mga Sue-Chien kami pumunta-- The Maple Experience. 'Di bale sanayan lang naman.
They say I am a ladies' man. But for myself, I think I am not. I just want to share the love to the world. Tama naman ako 'di ba? Share the love! As far as I can remember, I haven't got any girlfriends – girl friends will do! Mas okay sa akin na puro getting-to-know-each other lang, hanging out, making out. Ayun lang, pero mahirap pag makipag-commit. Parang nakakasakal lang. I only want enjoyment, no strings attached.

Ren Nikolai Dyquiangco—mayaman din naman ang pamilya ko pero hindi naman kasing yaman nila Jirou. Our family owns beach resorts in the Pacific Region and in South America. Ayun lang pero world-renowned at world class ang mga resorts na 'yun, I'm just an only child so for the meantime I live alone 'coz my parents were in Brazil right now.

7:30 ang first class ko. Ngayong 6:15 pa lang, umalis na ako sa flat ko at pumasok na sa Maple U.

MAPLE UNIVERSITY
6:45 am

Nikos. Get ready for the tons of girls!

Ayun, paglabas ko sa convertible BMW ko, dinumog agad ako ng mga babae sa paligid sa halos lahat ng year level dito sa University. Hindi naman ako artista pero kung makalapit sa akin 'yung mga babae, gusto nila magpa-autograph at magpa-picture. Nakakairita lang, yeah. I love girls but I find it irritating that they're trying to catch my attention. Mas gusto ko 'yung ako 'yung maghahabol sa babae. Para ipakita ko 'yung sincerity ko syempre.


Dumiretso na ako sa School of Management building pagkatapos. Medyo marami na ang mga estudyante pero nung dumaan na ako sa mismong Dpeartment namin, parang kakaunti lang ang mga estudyanteng dumadaan. Pagpasok ko sa classroom, ako pa lang 'yung tao at wala pa rin si Jirou. Papasok kaya 'yun? Hindi nga nagtetext 'yun e. Malamang di 'yun papasok. Mas masahol pa 'yun sa akin magbulakboll. Nag-sound trip na lang ako gamit 'yung iPod ko. I was humming a hip-hop song when a classmate of mine entered our classroom.

"Uy Nikos, ba't nandito ka pa ha?"

"Bakit? 'Di ba may klase pa tayo ngayon? Ano mayroon?" I asked.

"May meeting daw ang Management Engineering Faculty pati yung dean for the accreditation program."

"Oh. 'Di ko alam." Nagkibit-bakikat na lang ako at tinanggal na lang 'yung earphones na nakasukbit sa tenga ko.

"Oo, sige mauna na ako Nikos. Dito ka lang ba muna?"

"Yeah. Dito muna ako. Magpapalamig muna dito. 'Ge pare ingat." Nagtanguan kami tapos lumabas na siya ng classroom.


Sinubukan ko na lang matulog ibaba nag ulo ko sa desk pero dyahe, ang hirap. Ang sarap sana ng hangin ng aircon kaso 'di naman ako inaantok. Tsk.

Pero bago ako lumabas ng classroom, nag-baseball cap ako at saka nag-Wayfarers para hindi ako mapansin ng mga estudyante. Ibinulsa ko rin 'yung ID ko para hindi nila malaman na ako pala 'yung gwapong nagdi-disguise, noong okay na, lumabas na ako at naglakad nang malaya sa hallway. Naks! Walang nakakapansin sa akin!

Nang makita ko si Chaerin na naglalakad sa kabilang wing, tahimik akong naglakad papunta sa likuran niya at nang maabutan ko siya, dahan-dahan kong hinawakan ang balikat niya.

"Ay! Demonyo ka Jirou!" napatalon siya at lumingon sa akin.

Natawa na lang ako sa reaction niya at t-in-ap ang ulunan niya."Chaerin, anong sabi mo? Si Jirou demonyo?"

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon