Equation 5 and 6

20.8K 252 4
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION FIVE. Mocha Frappe

Flashback

Some Years Ago

Dismissal time na sa Maple University High School. Nagbike lang pauwi si Chaerin.

"Buti na lang nag-bike ako ngayon. Ang trapik kasi eh. Siguro nabubwisit na ngayon si Jirou. Sabi ko naman kasi sa kanya magbike na siya eh. Nag-inarte pa kaya ayan. Magdusa siya " Napansin niya ang pag-andar ng trapik pero nasa bike lane pa rin siya.

"Ano ba yan? Ba't umandar na naman?! Dapat traffic na lang hanggang gabi para di na makauwi si Jirou!"Sa kalagitnaan ng pagba-bike ni Chaerin,may biglang natumba sa harapan niyang nagbibisikleta din. Nagulat siya sa nakita.

"Hala! Juice ko po! "

Tumigil naman si Chaerin sa pagba-bike at nilapitan ang lalaki. Ang mga tao namang napapdaan at nakatambay sa paligid ay nagsilapit na sa kanila.

"Uy, Kuya, gising! Ano nangyari sayo? Ba't bigla ka na lang natumba dyan?" tanong niya doon sa lalaki kahit alam niyang hindi naman siya nito sasagutin. Nakita niya ang pagkaputla ng buong mukha nito.

"Isugod mo na yan sa ospital!" sabi ng isang tambay.

"Baka patay na! Isugod mo na lang sa morge.." utos naman ng isa.

"Paano ko po siya dadalhin doon eh bike lang po dala ko eh." Tanong niya sa mga ito.

Nagulat na lang si Chaerin nang biglang maglayasan ang mga usisero at wala man lag tumulong sa kanya. Pinilit niyang itayo ang lalaki at isinakay patagilid sa bike niya. Siya naman ang may hawak sa manibela ng bike, sabay naglakad papunta sa pinakamalapit na ospital. Alam niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao sa kalsada pero wala siyang pakialam, basta maihatid lang niya sa ospital ang lalaki.

MAPLE VALLEY HOSPITAL

Sa ospital na pagma-may-ari ng mga Sue-Chien dinala ni Chaerin ang lalaki. Di muna siya umalis sa ospital hangga't 'di pa niya alam ang findings ng doktor at habang di pa ito gumigising.

"Ano naman kaya ang nangyari sa'yo at sa kalsada ka pa humilata? Feel ko kasing edad lang kita. Cute ka sana eh kaso ang nerd ng dating mo. Gumising ka na para malaman ko kung sino ka." Sabi niya dito habang nakaupo at pinagmamasdan ang binatilyo.

After 20 minutes, dumating na ang doktor. Sinabi nito na na-over fatigue lang ang pasyente at gigising na din anumang oras at kailangan din ng pahinga. Pwede na ding umuwi sa makalawa, bilin nito. Natuwa naman si Chaerin sa sinabi ng doctor. Lumabas muna siya para bumili ng mocha frappe sa isang Coffee Shop sa first floor, tapos dumirecho sa cashier's office para bayaran ang bill ng lalaki hanggang bukas.

"60 thouand for three days?" Naalala niya na first class hospital ang Maple Valley. Mabuti naman at binigyan siya ng mag-asawang Sue-Chien ng hospital card at dala niya ito.

"Naku. Dapat di ako magkasakit nito. Para walang gastos. " sabi niya sa sarili.

"Yes Miss?" akala ng kahera ay siya ang kinakausap ni Chaerin.

"W-wala po. " nginitian niya ito.

Pagkatapos magbayad ng bill, bumalik siya sa room ng lalaki.Nagulat siya dahil gising na ito at nakasandal na sa headboard.

"H-hello! Kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nahihiyang kausapin ang lalaki at madaling gumaan ang loob niya.

" Ayos lang. Teka, paano ako napunta dito?" tinignan niya ang paligid at nagulat nang ma-realize na nasa ospital siya.

"Nag-collapse ka kasi kanina sa bike lane eh. Isinakay kita sa bike ko at dinala dito sa ospital." Masayang sagot niya dito.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon