Equation 19 and 20

17.2K 194 3
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION NINETEEN. The Clash


Maple University.

First time nang papasok sa University sina Jirou at Chaerin bilang mag-asawa, matapos ang scandal na nangyari sa MapleGossiper, nawala na lang din bigla ang mga usap-usapan dahil sa isa pang malaking pasabog—at iyon ang biglaang pagpapakasal ng dalawa.

Lahat ng estudyante ng ay nakaabang sa entrance para sa pagdating nina Chaerin at Jirou na fresh from honeymoon sa Paris, France. Malamang sa malamang alam na ito ng lahat dahil ni-research nila ang profile ni Chaerin.

"Grabe 'no? She's Jirou's personal assistant pala."

"She's a flirty, kita mo? One night stand equals marriage? What the!"

"If I only know, pera lang naman ang gusto niya kay Jirou."

"Sshh. Don't be noisy, they're coming."

Tahimik ang lahat sa pagdating ng kotse ni Jirou, nauna siyang bumaba sa may driver's seat at sunod naman si Chaerin galing sa passenger's seat. Nahiya namang maglakad si Chaerin dahil sa mga matang nakatingin sa kanya.


"Ano ba? Bakit niyo ba ako tinitignan ng ganyan?" Sita niya sa mga estudyanteng nakapako ang tingin sa kanya.


Tumingin si Chaerin kay Jirou ng alangan na tingin at base dito, "Tara na, lakad na tayo!" nagets naman ito agad ni Jirou at hinawakan si Chaerin sa kamay, then they headed off the building. Nakasunod lang ang mga tingin ng mga estudyante sa kanila.

"'Di sila bagay. Look at them! Mukha talaga siyang chimay ni Jirou!"

"Yeah you are right, she's a mean!"

Narinig naman ito ni Jirou, lumingon siya sa dalawang babaeng nagsalita laban kay Chaerin at nilapitan ito.

"Do you know what you are saying? Sino kayo para pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko?" He hissed at them.


Napahiya naman ang dalawa sa sinabi ni Jirou.

"We're really sorry Jirou, eh talaga namang hindi kayo bagay ni Chaerin Rodriguez eh."

"She's right, pera lang ang habol niyan sayo!"

"Aba't! Anong pera—"

Susugurin sana ni Chaerin ang dalawang babae pero nahila naman ni Jirou 'yung back collar ng uniform niya.

"Stop Chaerin." Saway niya muna dito pagkatapos ay hinarap ang mga estudyanteng pinagtitinginan at pinag-uusapan sila. "First thing I want to say is, hindi niya kelangan ang pera ko dahil matagal na siyang maraming ganun. And second, she's not a Rodriguez anymore, she's a Sue-Chien. Now, kung inggit kayo, umalis kayo sa harapan ko at kapag nakarinig pa ako ng mga chismis tungkol sa asawa ko, pasensyahan na lang tayo kasi humanap na kayo ng ibang university na mapapasukan niyo!"

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Natatakot sa mga pupwedeng gawin ni Jirou.

"Sorry talaga Jirou, di namin sinasadya."

"Don't say sorry to me, say sorry to Chaerin." Masungit na sabi ni Jirou doon sa dalawang babae.

"S-sorry Chaerin, we promise that we will stop saying bad things about you."

"Sorry na."

Yumuko ang mga sila sa harapan ni Chaerin habang nag-cross arms naman ito.

"Ayan! Matuto dapat kayong mag-sorry, mga mahadera, 'di ko kayo inaano kaya wag kayo mang-ano , 'di ko kayo pinapakialaman kaya..."
Hindi na naituloy pa ni Chaerin ang sasabuhin dahil hinila na siya ni Jirou. "Shh, stop it woman, let's go."
"Di ko kayo pinakikialaman kaya wag kayong—"

Tinakpan na lang ni Jirou ang bibig ni Chaerin at inilayo na sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila.

"Ano ka ba? Nagsi-speech pa ako tapos nanghila ka kaagad." Inirapan ng bongga ni Chaerin si Jirou.

"Eh ang ingay mo eh. You're taking it seriously."
"Ang daya mo, ikaw lang yun authoritative, dapat ako din." Pinalo niya ito ng mahina sa braso.

Nag-smirk si Jirou at umiling-iling, "Chaerin, you know what? It's not that being I'm authoritative or not , just let them be. You won't get benefit for that."

"Oo na. Sabi mo eh."

"Oh sige, dito na ang School of Management building, ihatid mo na lang ang sarili mo sa Department mo." Sabi ni Jirou at saka tinanguan si Chaerin.
"Alam ko, may paa naman ako e." Todo irap na naman siya.

Nag-separate ways na ang dalawa, habang papunta si Chaerin sa classroom, she bumped with a girl.

"Ay sorry."

"I'm sorry too."

"Teka, parang kilala kita. Familiar yung mukha mo sa akin!" In-examine pa ni Chaerin ang mukha ng babaeng nakabangga niya.

"Oh, me too. I think we've met several years ago. Are you..uhhmm, Chaerin?" Namilog pa ang mga mata ng babae.

"Ui! Tama! Kilala mo pa ako! Alam mo pa yung name ko!?" Napalakas ang boses ni Chaerin sa galak nang makilala siya nito.

"Oo naman. Kaya ko nga nasabi yung name mo because I know you eh."

"Miss Bettina! Gosh, ikaw nga! Ang ganda-ganda mo lalo." Tumalon-talon si Chaerin at elibs na din at the same time.

"Oh, thank you! Nice to see you again!"

Nag-beso silang dalawa pagkatapos ay nagyakapan.

"Kamusta na po kayo, Maam? Dito rin pala kayo nag-aaral?!"

Bettina nodded, "Uhm yes. I just enrolled a crash course for Advertising."

"Advertising?! Haha! Ang galing naman Miss Bettina! Ako din. Ad din ang degree program ko." Sabay pakita niya ng ID niya dito.

"Oo nga eh. That's cool. In fairness, ang ganda mo rin sa ID mo ha." Bettina prasied her. "And by the way," napatingin siya sa left hand ni Chaerin at nakita ang wedding ring sa daliri nito. "Good to see you are already married."

"Married?! Hala. Kanino naman!? Bata pa ako ah." Nagtaka pa si Chaerin at napaisip.

"Oh-oh, some sort of amnesia, Chaerin." Tumawa ng kaunti si Bettina. "Don't tell me you already forgot that you married Jirou on Valentines."

"Ay oo nga pala noh. Paano naman kasi nakaka-stress talaga Miss Bettina."

"Chaerin, well. Wala akong mai-aadvice sayo dahil I haven't even married. Haha, pero be true to yourself and to Jirou, with that, for sure matagal ang pagsasama niyo."

"Hindi ko pa iniisip yung tungkol sa tagal ng pagsasama namin Miss Bettina. Ewan ko nga kung ano ang meron sa future namin eh."

"You should plan it now. Dapat may mga pinaplano na kayo."

"Tulad ng?"

"Having children." Then Bettina flashed a naughty smile.

"Anak?! Miss Bettina naman. 19 pa lang kami pareho eh. Tsaka wala yun sa isip ko." Pakiramdam naman ni Chaerin at ay nag-blush siya.

"Chaerin, if that'll be your decision, ayos lang naman, as time goes by, magbabago din yang nasa isip mo."

"Uhhm hindi ko pa po alam talaga e." Napatingin siya sa wrist watch niya at naalalang male-late na siya sa unang klase niya. "Hala, Miss Bettina, may klase pa ako eh, sa Room 111 ka din ba?"

"Yup. So, we're classmates din! That's good!"

"Tara na Miss Bettina, umakyat na tayo!"

***

Kabado naman si Jirou paakyat sa Management Engineering wing. Alam niyang magtatagpo na sila ni Nikos. Ang bestfriend niya na gusto naman ng asawa niya ngayon. Napailing na lang siya. Alam niyang kaya niyang harapin si Nikos. Mabait ito at alam niyang matatanggap siya ng kaibigan niya.

Pikit-mata siyang pumasok sa Room 222, pagdilat niya ng mga mata niya, naghiyawan ang mga classmates niya.

"Woohoo! Welcome back Mr. Sue-Chien, how's the honeymoon?"

"Ayee! Ano? May nabuo na ba?"

"Kamusta ang Paris? City of Love!"

Sinimangutan niya ang mga kaklase niya at dumirecho na siya sa upuan niya. "Ewan ko sa inyo! Tumigil nga kayo jan. honeymoon? 'Di naman honeymoon yun eh."

Patuloy lang sa kantyaw ang mga kaklase niya,hindi na lang siya umimik at pumwesto sa upuan kung saan sila ni Nikos nakaupo. Naroon ito at nakangiti sa kanya.

"Hi Nikos." He was practicing all the while the things he wants to say with him. But all he can manage to say was a simple 'hi'.

"Hello Jirou.Kamusta na kayo ni Chaerin?" Ngumiti si Nikos ng matipid.

"Ayos lang naman. Sorry ha." Ipinatong ni Jirou ang kamay niya sa balikat ni Nikos.

"Bakit naman?"

"Kasi.. uhmm." Hindi niya masabi ang dahilan.

Natawa na lang si Nikos, "Tapos na yun Jirou. What matters most is that Chaerin got you. She's secured with you, dude."

"Kahit na. Pasensya na din talaga. I felt that I sneak you behind your back."

"It's okay. Promise. Don't worry about me. I am cool with it."

Ngumiti si Jirou at inakbayan si Nikos. With that, nawala ang lahat ng worries ni Jirou sa isip at puso niya.

***
Lunchtime.
Maple University Cafeteria.

Jirou and Nikos.

Magkasama for lunch sina Nikos at Jirou, as usual, pinagkaguluhan na naman ng mga estudyante ang dalawa kaya dinedma lang nila yun kesa mawalan pa sila ng ganang kumain.

Kinalabit ni Nikos si Jirou, "Magkasama sina Bettina at Chaerin?"

"Huh?" nilingon naman niya ito habang nakakunot ang noo.

"Ayun oh! Nag-oorder sila sa counter area." tinuro niya sina Bettina at Chaerin.

"Oh shoot!"

***
Chaerin and Bettina.


"Miss Bettina, ayos lang ba talaga sayo na ilibre ako ng lunch ha?" tanong ni Chaerin kay Bettina habang nakapila sila counter.

"Oo naman, Chaerin. Bakit? What's the problem with that?" nginitian siya nito.

"Eh nahihiya po kasi ako sa inyo. Late na ako nagising kanina kaya hindi ako nakapag-prepare ng lunch."nagkamot si Chaerin ng ulo at saka alanganing ngumiti. 

"No problem. Well, anyway. Ano ba order mo? Just name it."

"Uhhm, lasagna at garlic bread na lang. at saka yung drinks ko.Ahhm, lemonade po."

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon