Equation 15 and 16

17.3K 232 8
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION FIFTEEN. To Paris with (Harsh)Love


Pagkatapos ng wedding ceremony kahapon, nag-impake na agad sina Jirou at Chaerin para sa flight nila papuntang Paris,France na wedding gift sa kanila ni Minji—isang honeymoon. Isang linggo silang magse-stay doon at isang linggo din silang magtitiis sa isa't-isa. Sad to say, as much as they don't want to go, they need to.


"Bilisan mo na nga mag-imapke dyan, Chaerin. Ang tagal mo kumilos! Dadalhin mo ba lahat ng gamit mo doon sa Paris!? Magha-honeymoon tayo doon, hindi magma-migrate!" ang aga-aga pero parang dinatnan ng first day ng menstruation si Jirou dahil of course, mainit na naman ang ulo nito.

"Adik! Natural babae ako kaya dapat ayusin ko ng husto ang mga gamit ko! Ikaw nga dyan eh akala mo sa Boracay ka pupunta." Tinignan ni Chaerin si Jirou mula ulo hanggang paa. Naka-cargo shorts kasi ito at sando. Naka-hat pa with matching Wayfarers. Papogi talaga ang isang 'yun, sa isip-isip niya.

Tumalikod si Jirou at kunwari ay naghanap ng kung ano sa closet. "Teka lang ha, hanapin ko muna 'yung pake ko. Wala e." pagkatapos ay tumingin ulit kay Chaerin habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang beywang. "Hoy Chaerin! Dalian mo na, if we missed our flight, it'll all b your fault."

"Eh kung sana'y tumatahimik ka na para mabilisan ko ang paggalaw ko. Pwede mo rin akong tulungan ano." Asik ni Chaerin kay Jirou habang sini-zipper ang maleta pero nahihirapan dahil sa sikip ng mga laman sa loob nito.

"Tss, ang hina mo. Ako na nga dyan." Tinabig ni Jirou ang kamay ni Chaerin pagkatapos ay ito na mismo ang nag-zipper ng maleta at nag-lock ng code nito.

Makalipas ang ilang minute ay umalis na sila ng kanilang condo—na regalo naman ng parents ni Jirou. Ang bilis nga ng pag-turn over nito sa kanila. Pagkatapos ng reception ng kasal nilang dalawa ay pina-direcho na sila nina older Mr & Mrs Sue-Chien sa high-end condo unit na fully furnished at kumpleto na sa wardrobe at appliances.


Sa loob ng kotse, walang imikan ang dalawa habang nakaupo sa magkabilang gilid ng back seat. Deadmahan at irapan lang ang pinaggagagawa nila. Well, ganun sila maglambingan.

Palinga-linga sa paligid si Chaerin at mukhang may hinahanap.

"Hala. Tayo lang ang nandito, Jirou? Wala ang mga parents natin pati si Ate Minji?"

Nagkibit-balikat si Jirou. "Ewan ko, malamang. Kanina ko pa sila kino-contact pero naka-off mga phones nila. Busy yata o nagpapaka-busy."

"Waah! 'Di pa mandin ako nakapag-paalam kina Mamang at Papang." She bit her nails.

Hinawi ni Jirou ang kamay ni Chaerin dahil sa pagkagat sa mga daliri nito."Stop that, you look like a kid. Tawagan mo."

"Pahiram cellphone mo, wala akong load e." hiningi ni Chaerin ang cellphone ni Jirou.

"Oh ito, kawawa ka naman e. Magpaalam ka tapos wag ka na bumalik uli dito. Tumalon ka na lang sa Eiffel Tower." Tumawa si Jirou habang binibigay ang cellphone niya kay Chaerin.

Sinabunutan naman ni Chaerin si Jirou sa ulo. Nagpupumiglas naman ito.

"Aray ang sakit! Sadista ka talagang babae ka e! Pinahiram na nga sa'yo ang cellphone ko, mananakit ka pa. Tch. Delusional." Inayos ni Jirou ang buhok niya habang masama ang tingin niya dito.

"Bleeh! Ang sama ng ugali mo! Hmf!" nag-change mood si Chaerin nang i-dial niya ang number ng kanyang Mamang. Mabuti at agad itong sumagot. "Mamang, Papang! Papunta na po kami ni Jirou sa Paris, France para sa honeymoon (nag-sound effect ng nasusuka) namin. Bakit hindi niyo po ako ihahatid Mamang? Huhuhuhu. Miss ko na po kayo!"

"Anak, pasensya na kung hindi kami nakasama sa inyo dyan sa airport. Bilin kasi sa amin nina Mr at Mrs Sue-Chien na hayaan kayong dalawang mag-asawa tutal ay magpu-pulo't gata naman kayo." Sabi ng Mamang ni Chaerin na si Martha.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon