Equation Thirty Two

12.8K 183 4
                                    

Marrying the Boss
storyline by toneewritestragedies
EQUATION THIRTY-TWO.

"Is this really the end?"

"Nasa'yo ang puso ko. Ikaw na ang bahalang magdala kung saan mo ito gustong dalhin."

NIKOS.

Nandito kami ni Chaerin sa bahay namin, as always, wala na naman ang parents ko, they were on a business trip again. Tahimik lang kaming nakaupo sa sala, walang kumikibo. Naaawa ako kay Chaerin, gusto ko siyang i-comfort pero di ko alam kung paano ko gagawin iyon. Gusto kong pagaanin ang loob niya, pasayahin. Pero alam kong mabibigo din ako.

"Chaerin, you want some drinks?"

"Tubig lang Nikos, salamat."

I just nodded and went on the fridge and get her some water. Pagbalik ko, nakatayo siya sa harapan ng mirror wall namin. She's looking at herself. Her face shows a big depression and sadness.  Nilapitan ko siya at binigay ang tubig sa kanya, when she hold it, bigla naman itong nalaglag sa tiles.

"Ay sorry, ang tanga ko." Lumuhod siya at pinulot ang glass pieces, she didn't notice na nasugatan na siya.

"Chaerin, look at you. Nasugatan ka tuloy." I also kneeled before her and grab her finger, I got my hanky to my pocket and placed it on the wounded spot.

"Sorry Nikos. Wala ako sa sarili ko ngayon."

"Ayos lang. Basta be careful next time okay?"

She just smiled weakly. After I gave her some first aid, umupo ulit kami sa sofa at tumahimik na naman. Maybe we stayed on that position in almost an hour, only then I decided to break the silence.

"Chaerin, ano na bang plano mo ha?"

Umiling lang siya. "'Di ko alam Nikos. Siguro uuwi na lang sa bahay, magpapahinga. Tapos maghahanap ng trabaho."

"Maghahanap ng trabaho? Bakit? 'Di ka na ba papasok sa school?"

"Umalis na ako sa Maple U."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ha? Is that true? Paano nangyari 'yun?"

"Wala na kasi ang scholarship foundation ni Mama, yun kasi ang nagprovide ng scholarship ko. Sabi sa admin, pwede lang daw akong makapasok ulit kung magbabayad ako ng regular tuition fee." paliwanag niya.

"Wag mo ng problemahin yun Chaerin, akong bahala sayo." Nginitian ko siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Papag-aralin kita. Akong bahala sa finances mo. Sayang naman kung bigla kang titigil. Ilang months na lang eh."

"'Wag na Nikos. Ayokong makialam ka sa problema ko. Marami pa naman akong options eh. Una, maghahanap ako ng trabaho, pag nakaipon ako, mag-aaral ako—sa ibang University na nga lang—sa State U na lang ako mag-eenroll para tipid. O kung hindi naman ako makapag-aral, uuwi na lang ako sa probinsya namin, tutulong na lang ako kina Mamang at Papang."

"No, you are dead wrong there. Hindi ako makakapayag na 'yan ang gagawin mo. I will help you. Napakawalang kwenta ko namang kaibigan kung hahayaan lang kitang maghirap basta na lang. Sa ayaw at sa gusto mo, tutulungan kita!"

Medyo napalakas ata ang tono ng boses kaya natakot siya sa akin. "Haay, Ikaw ang bahala kung yan ang gusto mo. May magagawa pa ba ako?" Ngumiti siya. Thank God, I made her smile.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon