Equation 11 and 12

17.2K 230 9
                                    

Marrying the Boss (The Edited Version)

storyline by toneewritestragedies

EQUATION ELEVEN. Depression-Hot as it Gets


Jirou's POV

Nasa function hall ako ng bahay, nasa harapan ko sina Mama, Papa at Ate Minji. Ni hindi nga maipinta ang mukha nila eh. And I don't have any idea what kind of facial expressions they are throwing against me. After I saw that fcking news from the maplegossiper, I've called up my parents and my sister. Lahat sila nagulat sa sinabi ko. Pag-uwi nila, sinapok ako ni Papa habang si Mama naman, umiiyak lang. Si Ate Minji naman ay tinitignan lang ako ng masama. Ayokong magkasalubong ang tingin naming dalawa kasi pakiramdam ko parang pinapatay niya ako sa tingin niya.


All of us stayed silent for a few minutes when I decided to break the ice."Who are we waiting for?"

"Shut up Jin Rouji okay!" nanlaki ang mga singkit kong mata sa lakas ng boses ni Papa.

I know my father's already angry. He even called me at my given name. Bihira lang mangyari iyon. Hindi na lang ako umimik dahil alam kong pag nagsalita pa ako ng isang beses. Pasasabugin na niya ako. Seryoso, dude. Pasasabugin niya talaga ako. Tahimik pa rin ang atmosphere dito sa function hall. The next thing I heard is the door being opened by somebody.

"Mabuti naman at nandito ka na. Tama ring kasama mo si Nikos."

Napatingin muna ako kay Mama at sunod naman dun sa may door way..

"Chaerin?! Nikos?! Why you're here?!" halos mapatayo naman ako nang makita ko silang dalawa. Ano pa nga ba? Nag-date na naman 'yan.


" Eh ikaw bakit nandito ka?" inirapan niya ako.

"Natural bahay ko 'to kaya nandito ako. Mag-isip ka nga Chaerin-"

"Stop it Jirou, Chaerin.." natahimik ako nang magsalita si Mama.

"Ano po ba ang problema at bakit niyo po kami pinapunta ni Chaerin dito?"

"As I have said earlier, it is something to do about Jirou."

"What is that Jirou, come on, tell me.."

"Jin Rouji, are you not gonna tell the truth or what?! Umayos ka at baka kuryentehin kita!"


Grabe talaga ang pagka-bayolente ni Papa pag galit. Nakakatakot!

"Ang strange kasi kanina sa Maple U kanina pagpasok ko. Walang lumapit na fangirls natin sa akin kanina, ni hindi nila ako pinagkaguluhan. Hanggang sa building ng School of Management, kahit 'yung kaklase nating lalaki ay 'di rin ako pinapansin. 'Di ko talaga alam kung bakit. Ang dyahe talaga, man. My class was already through but still no one approached me. That was really, really strange. When I got home, I opened the maplegossiper. The headline states that I'm fcuking murderer? Where the hell thy got that non-sense news?"

Kahit tapos ko ng sabihin sa pamilya ko 'yun, malaki pa rin 'yung gulat nila. Sina Chaerin naman at Nikos, hindi naman maipinta ang reaction ng mga mukha nila.


"What do you mean you are a murderer?!" Nikos really couldn't believe what I said.

"Ikaw? Young Master? Mamamatay-tao?" ang seryoso na ng atmosphere pero basag trip pa 'to si Chaerin.

"THAT'S NOT TRUE!" I exclaimed.

"I know Jirou, pero saan naman nahagilap ng maplegossiper yan?"

"I don't know either!"

"Alam mo Young Master, may gusto lang manira sayo. Wag mo na lang yun pansinin."

"This is a serious matter Chaerin! Mag-isip ka nga pwede?"

"Oh eh pwede magsorry?" nag-cross arms siya tapos inirapan ako. Wow ah, siya pa talaga ang may ganang umarte ng ganyan. Hampasin ko siya e!

"Whatever." Kahit kelan din eh. Pasaway ang babaeng 'to.

"May malaki itong epekto sa negosyo natin. We should trace the mastermind of this craziness."

"Ayokong isipin ng lahat na masama ang anak ko.."

Narinig ko na namang umiyak si Mama. Bulls hit! Humanda talaga sa akin ang may pakana ng kabulastugan na 'yan! Papatayin ko talaga siya pag nakita ko siya!

"Ma, we can overcome this. Let's just have faith okay? We can fix this," Napatingin ako kay Ate Minji, tumingin din siya sa akinn. Her look says "You can do it brother". Pero parang nadi-discourage talaga ako eh. Ngayon lang nangyari sa akin ang malaking eskandalo na ito. Nakakabwisit!

"Nagsimula na ng operation ang surveillance group ng pamilya natin. I know this scandal will end in no time."

Matapang talaga si Papa. Sana lang talaga maayos na ang gusot na 'to. Alam kong WALA akong PINAPATAY na tao.

Natapos na lang ang "conference" sa harap ng gate namin. Hinatid ko si Nikos sa kotse niya.

"Jirou, have faith in God. 'Di ka niya pababayaan at marami kaming sumusuporta sa'yo. Kaya pwede ba, lumaban ka?" tinapik ni Nikos ang balikat ko.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko ba Nikos. This thing cause me a big stress!"

"Young Master! 'Wag ka ngang maingay! Marinig ka ng mga kapit-bahay eh, isipin pa nila baliw ka." Singit ni Chaerin.

"Wag ka nga humirit dyan! I'm not talking to you."

"Bleehh!" nag-stick out lang siya ng dila. Napa-smirk na lang ako.

"Loka-loka! Pumasok ka na nga sa loob at magtrabaho. Magiging murderer na nga talaga ako pag tinapos na kita!" pinandilatan ko siya ng mata at itinuro ko 'yung pinto.

"Jirou!" siniko ako ni Nikos. To the rescue!

"Sungit mo. Hmpf makaalis na nga." Sinimangutan niya ako tapos biglang nagpa-cute naman kay Nikos. "Bye Nikos. Goodnight!"

Umalis na nga ang salot na si Chaerin. Buti naman at kahit paano nabawasan ang stress ko.

"I know you can overcome this dude."

Tinapik uli ni Nikos bago siya pumasok sa kotse niya at nagdrive na paalis.

End of Jirou's POV

Chaerin's POV


Kawawa naman si Jirou, bakit naman siya siniraan sa maplegossiper? Sa 19 years naming magkakilala ni Jirou wala akong nalaman na may pinatay siya. Pinatay sa kilig meron, 'yung mga fan girls niya. At syempre patuloy na pinapatay sa inis-ako. Ano naman kaya ang motibo ng taong yun? Tsktsk. Sisiraan niya ang mga Sue-Chien at si Jirou ang target niya. Terible.

Ilang araw na ang nakakalipas, 'di pa rin nate-trace ng surveillance group ang mastermind. Grabeng gulo kasi ang ginawa niya kung sino man siya. Ang galing din ng gumawa nun kasi talagang hindi talaga mahanap. Dahil na rin sa mga Sue-Chiens kaya nag-shut down ang operations ng website ng maplegossiper.

Si Jirou? Ayun. 'Di siya pumapasok sa sobrang pagka-depressed niya. Sobra kasi siyang naapektuhan. Hindi lang si Jirou, kundi pati na rin ang buong pamilya niya. Si Miss Minji, ang Rebelstar Fashion, bumaba ang sales 'di lang sa Pilipinas kundi worldwide. Ang Sue-Chien affiliated, owned and co-owned companies naman naapektuhan din. Hay bakit ganito pa ang nangyari? Mababait sila Madame, Sir at Miss Minji (except kay Jirou), alam kong test lang ito sa kanila pero bakit masyado naman atang mabigat ang pagsubok na 'to?

Nasa kusina ako ngayon at hinahandaan ng pagkain si Jirou. Hindii na kasi siya lumalabas ng kwarto niya at dinadalhan ko na lang siya ng pagkain tuwing breakfast, lunch, meryenda at dinner. Hindi naman siya mapilit ng pamilya niyang lumabas ng kwarto niya dahil alam niyo na, unico hijo. Sunod ang layaw (rolls eyes!).

Kumatok na ako sa pintuan niya pero wala namang sumasagot. Ang bigat nitong dala ko ha. Binuksan ko na lang ang pinto at namilog ang mga mata ko sa nakita ko.


Sa kasamaang palad, ako ang nautusang maghatid ng pagkain sa amo kong buryong-buryo ngayon sa buhay dahil sa eskandalong kinasangkutan niya. Hindi na ako kumatok sa pinto, kusa ko na itong binuksan at nagulat ako sa nakita ko. Napakaraming bote sa may mesa sa harap ng kama niya at nakaupo siya sa sahig at mukhang lasing na.

Marrying the Boss (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon