Problem
My weekend smoothly passed. Ilang beses nag text at tumawag si AJ para mag sorry. Hindi rin siya nakabalik dahil napagalitan ng professor, but I understand. And now monday I'm excited to go to school, not because of the practice but because of my baby boy. Tapos na ang exam kaya practice nalang ang gagawin namin, then Christmas ball this Saturday and Christmas break. Sa January 18 pa ang show kaya medyo matagal pa ang practice, nag paalam narin ako kay mom at dad tungkol dito. Mag pa-practice kami kahit break. Naunang umalis saakin sina dad, nasabi rin nila saakin na may business trip sila sa Finland this Friday pero babalik din agad para sa Christmas. Doon nakatira ang Lolo at Lola ko, sa side ni Dad kaya isasabay na rin sila pauwi dito sa Philippines.
"Hanggang anong oras kayo ngayon Maam?" Tanong ni Cesar.
"I'll just text you.."
"Sige po"
I'm wearing a white Gucci shirt and a black pants. Wala akong dala bukod sa phone. At kabisado kona rin naman ang script. Manghihiram nalang ako ng t-shirt kay Stan kapag gusto kong magpalit.
Alas otso palang ng umaga pero parang hapon na dahil sa madilim na kalangitan. Pagpasok sa loob, agad kong nakita si Sir Alvarez na nag lalakad. Napatingin siya saakin at agad na lumapit.
"Dasha you're here, Nakalimutan kong sabihin na wala tayong practice ngayon.."
"Wala po?"
"Yes, ka a-announce lang na mamaya ang dating ng visitors para I check ang environment here in our school and this wednesday dapat tapos na ang cafe para makapag decorate sa last minute"
Nakagat ko ang labi. "Sina Richard po?"
"He has class at nasabi kona rin sakanya na walang practice, nag chat ako sa gc"
"Hindi ko po nabasa"
Tumango tango siya at tumingin sa orasan. "Uuwi kana ba?"
"Opo, Wala naman po akong gagawin"
"Sige... But can I have favor, it's still 8 am"
"Ano po?"
"You know HC Hotel?"
Hotel. "Opo, my father knows Mr. Chen the owner of that Hotel"
"That's good then... Kailangan ng isang pupunta doon para i-assure ang reservation this December 19 for the teachers and professors Christmas ball"
"You mean ako po ang pupunta?"
Tumango siya. "Kung okay lang naman Dasha, kakausapin lang ang manager"
Manager. I know who's the manager of that hotel, so it's easy.
"Sige po.."
Napatingin si Sir sa likod ko. "Leon you're here too"
"Opo Sir, practice na po ba?"
Mukhang hindi rin niya nabasa ang announcement ni Sir. "Wala tayong practice Leon"
I turned to him. He smile at me. "Bakit po wala?"
"Just read my announcement, nasa gc"
Nilingon ko si Sir. "Ano pong sasabihin ko sa Manager Sir?"
"Manager?" Takang tanong ni Leon.
Sir pointed him. "Right. Samahan mo siya Leon sa HC Hotel"
"Hotel?" Tumingin siya saakin. "Okay Sir"
Pinaliwanag ni Sir ang sasabihin. No choice din ako kundi isama si Leon. He's 2nd year college Architecture. And he's good looking but not my type. May sasakyan siya kaya doon kami sumakay. 30 minutes ang byahe papunta sa HC Hotel. Hinintay ko siya na I-park ang sasakyan bago kami pumasok sa loob. Sa reception kami dumeretso at kita kona agad ang mga tingin ng tao... I know what their thinking. Hotel to pero hindi kami narito para sa ganun!
YOU ARE READING
Hit Of Love and Desire (LCS #3)
Teen FictionStanley Xin Crausus. (Love of Crausus Series 3) Stan is not a fan of love. He's like a stone cold, stiff aura, no care about others and everything around him. How can you say your inlove and falling? Just deny your feelings? Even you are Jealous? Pa...