Crush
Day passed, the Science club is more busy than the first day. I'm always present to help them, we decorated the stage of theater. And checked all the tent, the area in the gym is clean and mats are ready for the students who wants to sleep. We have spacious area beside the gym, doon ginaganap ang mga party and other social events. At gagamitin din iyon ngayon para sa mga male students kung gusto nila matulog.
Kahapon Wednesday pinatigil muna ang renovation dahil sa gaganaping camp. May catering rin para bukas.
"Na gets po ba?" Nakangiting tanong ko sa mga grade 12 Abm.
"Get it!" Masiglang sabi nila.
Natawa ako. "Okay thank you"
Lumabas na ako ako sa room nila pagkatapos. Agad lumapit si Caloy at Jigo saakin.
"Thank you po Ma'am" sabi ko sa guro nila.
Pumasok ito sa loob at sinaway ang maingay na estudyante. Pinaypayan ko ang sarili, naiinitan ako kahit mahangin.
"Kaya mo pa?" Caloy ask.
"Yes, nakakapagod lang"
Nautusan kami ni Ma'am Lucil na mag announce about sa mga dadalhin at bawal para bukas. At napapaos na ako dahil gusto nila ako ang mag salita sa unahan. I'm not speaker! Nag lakad na kami pababa sa building.
"Sasha!"
"Sasha!"
Tawag ng ilan sa loob ng classrooms na nadadaanan namin. Ngumingiti lang ako sa kanila. Naramdaman ko ang paghangin. Nilingon ko si Jigo, pinapaypayan niya ako.
"Thank you"
"Mainit" tinuro niya ang labas.
Napatigil kami sa pag lalakad, tiningala ko ang langit napapikit ako, ang araw. "Payong Caloy" sabi ni Jigo.
Binuksan ni Caloy ang payong. Napapagitnaan nila akong dalawa ng mag lakad kami, patuloy sa pagpaypay si Jigo. Dumaam kami sa field, naroon sina Ma'am Lucil at may inaayos.
"Sa college building ba tayo?" Takang tanong ko.
Tumango sila. "Yes, bakit nahihiya kaba sa boyfriend mo?"
"Oo nga Sasha? Nitong mga nakaarang araw hindi kayo sabay mag break time ni Mathew tsaka kanina, what happened?" Takang tanong ni Caloy.
Nag kibit balikat ako. "Bored"
They both chuckled. "Kaya ba lagi mong kasama si Richard and AJ? Sino ba sakanila?"
Inilingan ko si Jigo. "Wala, let's not talk about them"
"Pwede ka naman mamili saamin ni Jigo" biglang sabi ni Caloy.
Ako naman ang natawa. "Tss, tigilan niyo ako" inilingan ko sila.
Pumasok kami sa gate papunta sa mga college. Tigil din ang renovation sa cafeteria nila. Tiningala ko ang mga building.
"Engineering muna tayo?" Caloy said.
Naglakad kami papunta sa building. But we stopped when we saw Stanley. Bumaba siya sa building, he's directly looking at me. I raised my brow, inayos ko ang buhok na tumatabon sa muka ko dahil sa pagpaypay ni Jigo, napansin niya ito kaya humina ang pag paypay niya.
"Sir Stan"
"Sir"
Bati nila. Tumaas ang kilay ko ng tumigil siya sa harapan namin. Bakit kapag nakikita ko siya parang lagi siyang galit saakin? Ina-ano ko ba siya?
"You don't need to announce here, I'm done announcing" he said firmly.
"What? Bakit ka nag announced? Kami ang inutusan.. paepal" humina ang boses ko.
YOU ARE READING
Hit Of Love and Desire (LCS #3)
Teen FictionStanley Xin Crausus. (Love of Crausus Series 3) Stan is not a fan of love. He's like a stone cold, stiff aura, no care about others and everything around him. How can you say your inlove and falling? Just deny your feelings? Even you are Jealous? Pa...