Chapter 9

47 15 0
                                    

Know

The play started. I said my good luck to the cast. The host give them the stage to start. Wala ng tao sa backstage, nasa audience narin ang mga teachers para manood.

"Where's my phone" I asked my self.

Hinawakan ko ang noo at inalala kung saan ko ba ito nilagay, baka nag text si mom or call. I bit my lip when I remembered, nasa faculty! Dumaan ako sa likod para hindi makita sa harapan. Naka live kasi ang play para mapanood ng ibang branch ng school and I know na gagawin itong activity. Nakakatakot maglakad sa tahimik na pasilyo ng school, pero mas nakakatakot kapag tumawag si mommy at hindi ko sinagot!

Hinanap ko ang mga cctv sa buong paligid, in case na may mangyari saakin makikita nila sa cctv. You know I don't believe in ghost but not when I'm alone! Nakahinga lang ako ng makarating sa faculty pero sa kamalasan naka lock! Sinong nag lock! Inikot ko ang doorknob pero nakalock talga.

"Kainis naman!"

Pumadyak ako ngunit natigilan ng makarinig ng yabag. Agad akong kinabahan. May multo? Tumataas na ang balahibo ko.

"What are you doing here?"

Napatili ako ng marinig ang boses. Pumikit ako ngunit agad nag sink in ang malamig at baritong tinig saakin. Nilingon ko ito.

"Stan" tawag ko. Sinilip ko ang gilid niya, Wala siyang kasama. Napahinga ako. "Akala ko kung ano na"

"What are you doing here?" Ulit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang kaninang takot ay nawala na. "Ikaw anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ako? Sabi kona may gusto ka din saakin"

"Tss"

Tinuro ko ang pinto. "Naka lock, kukunin ko yung phone ko"

Tumingin siya dito ngunit binalik din agad saakin, bumaba ang tingin sa suot ko. Salubong ang kilay niya. "Magpalit ka" aniya na hindi ko nakuha.

"Ha?"

Halos umirap siya ng tignan ako sa mga mata. "Magpalit ka"

Napatingin ako sa suot ko. "Why? And I don't have clothes, Ayos na'to"

"I'll get one"

Napangisi ako. "Ayoko gusto ko ito, Hiram mo nalang ako ng susi kay Ma'am Lucil, I need to check if my mom called"

Humarap siya saakin. Tiningala ko siya, problema nanaman niya? Inaaway ko ba siya? "Change first and I'll get the keys"

"Ayoko nga"

"Then you can't check your mom calls"

Nagtitigan kami at parang kakapusin ako ng hininga dahil sa tagos niyang titig. Ganyan ba talaga siya tumingin? Nakakatunaw. His jaw tightened and then he looked away. Pikon!

"Okay fine, but I want your shirt" sinilip ko ang reaksiyon niya. Akala ko ay tatanggi siya pero..

"Wait here.." naglakad siya pero tumigil at binalik ang tingin saakin. Ngumiti ako, nag bago ang isip niya? "Follow me"

"Eh?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinignan ko ang paligid, muling nanumbalik ang takot saakin. Mabilis akong sumunod sakanya, he glance at me. Bakit kaya nadito siya? Sinundan niya ako? Pero paano naman niya nalaman? Sa backdoor ako dumaan. Baka may kukunin din siya?

Sa admin kami nag punta. I was left alone outside the office. Its like I'm inside a tunnel, sobrang tahimik at kapag may gumalaw maririnig mo talaga. This is what I hate in movies, sa mga napapanood ko kasi kapag mag isa ka sa school o kahit may kasama ka bigla nalang may lalabas na multo. Gosh I hate this!

Hit Of Love and Desire (LCS #3)Where stories live. Discover now