Pagkaalis ng aming teacher ay kaagad namang bumalik si Nathan sa pagdantay ng kanyang noo sa balikat ko para matulog ulit.
Nagkagulo na ang mga kaklase namin para makahanap ng kanilang kagrupo. Samantalang kami ni Nathan ay naka upo lang.
Lumapit sa amin si Chloe, Cathy at Mea. "Sam, tayo nalang lima ang mag kagrupo. Bahala na ang tatlong boys nayon mukhang marami namang magkagustong makagrupo sila" sabi Chloe na may halong pag seselos, sabay tingin sa tatlong pinagkaguluhan ng mga kaklase naming babae.
Hindi ko alam kung ano na ang namamagitan sa kanilang tatlo at sa mga kabarkada din ni Nathan. Dahil ang lumipas na mga araw ay hindi lang kami ni Nathan ang nagka lapitan ng loob pati rin sila.
Nang natapos na kaming gumawa ng pinapagawa sa amin ay nagkayayaan ng umalis.
"ano Sam, sasama ka sa amin?" tanong ni Mea sa akin. Inaaya kasi nila akong sumama sa kanilang gumala sa mall. "sorry girls may lakad kasi kami ni Nathan eh" sabay tingin ko kay Nathan na nakahilig parin sa akin. Tiningnan ko silang humihingi ng pasensya.
"usige next time ha, sumama kana sa amin. " pinal na desisyon ni Cathy.
"byee...." sabay nilang paalam sa akin.
Ginising ko na rin si Nathan para maka alis na rin kami dahil kukunti nalang ang tao sa room namin.
"Nathan gising na. Sabi mo may pupuntahan pa tayo? Oyyy" panggigising ko sa kanya at inaalog alog ko pa sya para magising.
"Ayaw mong gumising ha, okay sasama nalang ako kina Cathy. Iiwan kita dito" pananakot ko sakanya.
Kaagad naman siyang umayos ng upo at kaagad hinawakan ang kamay ko para makatayo na kaming dalawa."Halikana aalis na tayo babe" ngingisi-ngisi pa siya habang sinabi iyon.
Ito talagang lalaking ito sarap sapakin. Kung d ko lang to gusto kanina pa to naka tikim sa akin.
Umalis na kami sa aming room at patuloy lang ang aming paglalakad hanggang makarating na kami sa parking area. Sumakay na kami sa kanyang sasakyan, hindi ko alam kung saan kami pupunta basta't tumitingin lang ako sa labas at kung minsan ay sinusulyapan ko siya.
Gusto ko mang malaman kung saan ako dadalhin ni Nathan pero hindi ko matanong sakanya. Baka ano pa ang sabihin niya na masyado akong excited. Habang tumatagal ang aming paglalakbay ay nafa-familiarize ko na ang aming dinadaanan.
Umabot ng 15 minutes ang aming byahe papunta sa kinaruruunan namin. Nakatingin ako sa labas habang tinatanggal ko ang aking seat belt. Pinagbuksan naman ako ni Nathan ng pintuan mng kanyang sasakyan.
Pagkalabas ko ng kanyang sasakyan linanghap ko ang sariwang hangin. Nandito kami ngayon sa favorite place ni Nathan. Yes, dito niya ako dinala. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang may kinukuha sa sasakyan. Kaya naan palang nag take out kami sa isang restuarant dito niya pala balak kaming magdate.
Lumapit siya sa akin " lets go" aya niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya para sumangayon.
Bumaba kami para makapunta sa amin tinambayan nong una kaming pumunta dito. Malapit sa puno kami pumwesto, ibinigay sa akin ni Nathan ang mat at inayos ko naman ito. Inilagay ni Nathan ang mga pagkain sa mat bandang gilid at umupo siya habang ako ay naka tayo parin.
Hinawakan niya ang isa kung kamay at hinila ng marahan. Pinaupo niya ako sa gitna ng kanyang dalawang binti.
Nyikap niya ako ng mahigpit mula sa likuran. Hinalikan niya ang gilid ng aking ulo. "I love you Samantha Nichole Montenegro" bulong niya Sa aking tainga.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ito ang kauna-unahang sinabi niya ang 3 words na iyon. Ito na ang hinihintay ko. Hindi ko mapigilan ang aking luha dumaloy ang aking mga luha sa aking pisngi.
Pinaharap niya ang aking mukha sa kanya."babe bakit ka umiiyak, tahan. I love you" hinalikan niya ang aking pisngi na may luha at ang aking mata at noo.
"akala ko hindi ko na maririnig yon sa iyo. Nathan mahal din kita. I love you too" hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman. Patuloy sa pagtulo ng mga luha ang aking mata pero patuloy naman si Nathan sa pagpahid ng mga luha ko gamit ng kanyang hinlalaki.
Tiningnan ko siya sa mata at linapit ang aking mukha sa kanya at hinalikan ko siya. Ito na kauna unahan na ako ang nag unang humalik sa kanya.
Hindi naman naka galaw si Nathan, nabigla sa aking ginawa. Bibitaw na sana ako sa halik namin ng bigla niyang hinawakan ang aking batok para hindi ako mapalayo sa kanya.
Hinalikan niya ako ng mariin. Kung gaano kariin ang paghaplos ng kanyang labi sa akin ay ganon din ang pag sagot ko sa kanya. Tumagal ang aming halikan, bumitiw siya sa aming halikan at ang aming mga nuo ay nakadikit. "I love you Samantha" seryosong sabi nya at sincere ang kaniyang pagkakasabi.
"I love you too Nathan" nagtinginan lang kaming dalawa sa isat isa kahit sobrang lapit namin.
Umabot ng ilang minuto ang posisyon namin at napagsisisyonan naming kumain na.Isang filipino food ang aming inorder. Kumakain kaming dalawa habang napapansin ko ang bandang pagtingin tingin niya sa akin.
"what?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot at tinaas niya ang kanyang kanang kamay at inabot nito ang gilid ng aking labi.
May dumi pala ako sa mukha hindi nalang niya sinabi sa akin.Pagkatapos naming kumain ay napag usapan namin ang aming feelings sa isat isa.
"kailan mo na realize na mahal mo na pala ako?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman kung kailan niya narealize na mahal niya ako kasi ako, nalaman ko nalang agad na iba na ang nararamdaman ko sakanya. I think I had a feelings on him when we first met but deep in side hindi ko matanggap dahil maling sitwasyon ang pag tatagpo namin. Hindi maganda ang unang tagpo namin.
"I didn't know were the first time that I have feelings for you. It seems like bigla nalang nag pop up sa aking mind na gusto na kita, that I love you." tama, ang pagmamahal ay walang oras o panahon. Basta't darating ito sa buhay mo kung nasa tamang tao ka kahit hindi sa tamang panahon.
Niyakap niya ako at humiga kami sa mat at tumingala sa langit. Ang ganda ng langit ang sarap tingnan puno ng star. Ngayon ko lang na appreciate kung gano ka ganda ng langit kung gabi. Mas maganda tingnan kapag kayong dalawa ng mahal mo ay sabay na nakatingin sa mga star sa langit. Ang saya lang, ito na ang pinakamasayang araw ko na sa tuwing naka tingin sa kalangitan.
~~~~~~~~
hi guys... Ito na po ang pinakahihintay nyo. Naka Update na po ako😂. Pasensya na po kayo busy po kasi 😂😅
But anyways sorry ka agad kung may mababasa kayong typo or merong error hindi ko na po kasi chineck pinublish ko na po agad😂.
pls follow me and don't forget to vote this chapter at mag comment.
Thank you guyssss..😘
BINABASA MO ANG
FALLING IN LOVE WITH A STRANGER
Teen FictionNaniniwala ba kayo na sa unang pagkikita nyo palang nahulog na agad ang puso mo sa isang taong hindi mo kilala?? Well,, naniniwala ako, dahil naranasan ko na yan... Na LOVE AT FIRST SIGHT ako sa taong hindi ko kilala.. At ito pa, sikat siyang GANGST...