Don't Blame the Mayans

232 5 2
                                    

Don't Blame The Mayans.

BUHAY PA BA KAYO!? LET'S DO THE RUBADABANGO~! DOWNY'S RUBADABANGO~!

Hahaha joke. Play time eh. Pero ito na talaga. Seryoso na. Dahil maraming nagsasabing end of the world na ngayon. Gagawa ako ng article na makakapag bukas ng inyong mga isipan. >:)) Lol.

Dear Kung-sino-man-ang-nagsimula-tungkol-sa-pag-gunaw-ng-mundo,

kung gusto mo na madeads. Wag kang mandamay. :D HAHAHA

As you can see. Don't Blame the Mayansis the title of this article.

2 years ago nang maging popular sa buong mundo ang Mayan Calendar... na kung saan ang huling araw ng kanilangkalendaryo ay 12/21/2012.

Maraming tao ang naniniwala ang ang huling araw ng mundo o ang pag gunaw ng mundo ay naka base sa kalendaryong ito.

Ang masasabi ko lang...

Bakit tayo maniniwala sa kung anu anong prediksyon? Mga tao lang din ang nag predict niyan. Hindi ang Diyos.

kung maniniwala ka sa mga prediksyon ng tao. Para mo na ring sinabing wala kang tiwala sa Diyos. Walang sinumang tao ang makakapantay sa katalinuhan ng Diyos. Paki take note yan mga dre.

Tapos, ngayon na 12/21/2012 na at hindi nagunaw ang mundo. SINISISI NG MARAMI ANG MAYANS?

Maling mali. Ganiyan naman tayong mga Pilipino eh. Kapag nagkamali tayo, ang defense mechanism natin ay MAG HANAP NG MASISISI.

Hindi porket na ang last day na nakasulat sa Mayan's calendar ay December 21, 2012. Hindi ibig sabihin nun na katapusan na rin ng mundo.

Bakit? Pwede naman silang gumawa ulit ah. :D Continuation ng december 21. :)) ahaha joke.

pero seryoso kasi. May nabasa kasi akong article na kaya hanggang december 21, 2012 lang ang nakasulat sa mayan's calendar dahil nag karoon ng gera? basta gulo sa lugar nila. Kaya yung mga unang tao dun na gumagawa ng calendar nila. Hindi na nila natapos. :D

Pero para sa akin. Sa bawat pag tatapos. May panibagong simula.

Kung nagtapos ang Mayan Calendar sa December 2012. Ibig sabihin lang niyan ay mag bubukas na ang panibagong henerasyon. Ang 2013. :) Panibagong era.

Magandang i-apply dito ang isa sa chapter ng Lexus and the Olive Tree. Ang Demolition Man.

Sinong mga nakaka alam niyan? Tara! APIR! :D HAHAHA. Para sa hindi nakaka alam.

Ang Lexus and the Olive Tree ay tungkol sa Globalization. Anong connect ng Demolition Man sa pangyayari ngayon?

Ang ginamit na example doon ni Friedman ay Mcdo. :)

May isang bata na pinaniniwalaan niya na ang Mcdo ay nag originate sa bansa nila. Sa Japan.

ngayon nang magpunta siya sa ibang bansa. Sa US. Nakita niya na may isa pang Mcdo. Which is doon talaga nag originate itong fast-food chain na 'to.  Kaya parang naguluhan yung bata kung san talaga nag start ang mcdo. Hindi na niya alam kung ano na ang dapat niyang paniwalaan.

Ano ulit ang connect?

Wrong information can destroy your norms or beliefs. - yan ang pagkakaintindi ko sa Chapter 13 ng lexus and the olive tree.

Sa maling information na nakuha natin dito sa internet tungkol sa pag gunaw ng mundo. AMININ natin na naka apekto ito sa ating paniniwala.

Mas pinaniwalaan pa natin ang kung anu anong prediksyon. Kesa sa paniniwala natin sa Diyos.

at ang mga maling impormasyon na yan ay maaaring pagsimulan ng panibagong gulo.

Hindi kung anong asteroids, nostradamu's prediction, Mayan's Calendar ang sisira sa ating mundo.

TAYO MISMONG MGA TAO. Tayo mismong mga tao na hindi marunong magpahalaga sa ating buhay. Sa ating paligid.

Kung buhay ka pa ngayon. PASALAMAT KA. May oras ka pa para magbago.

Ilang beses na bang may nagsabing magugunaw na ang mundo?

noong 1990's. May nag sabing magugunaw na daw ang mundo. Kaya naman ang mga tao. Nagpakasarap na sa mga buhay buhay nila. Yung alam mo na? :))

Dahil akala nila katapusan na ng mundo, may mga kabataan na nakipag talik na sa mga kani-kanilang mga kasintahan. Eh nung hindi nagunaw ang mundo.

Ang resulta, Maagang pagbubuntis at paglaki ng populasyon.

Sa bawat maling paniniwala natin. Lahat yan may kaukulang kapalit.

Naalala ko tuloy ang kwento ng prof ko sa Polsci...

May isang kulto daw sa mindanao... Yung pinaka lider nila doon. Sinabing magugunaw na ang mundo. Kaya naman ang miyembro nung kulto na yon ay nag hukay ng parang kweba. Kung saan doon sila mag tatago habang nagaganap ang pag sira sa mundo.

Nung nakapag hukay na sila. at dumating na ang ORAS KUNO na katapusan ng mundo.

nagmadali silang lahat na pumasok sa kweba na yon... Dahil sa sobrang daming tao na ang nasa loob ng hinukay na yon. Bumigay yung suporta na ginamit nila. Ayun. NABAON SILA NG BUHAY.

Eh ngayong 12/21/2012 kaya? Anong consequence kaya ang haharapin nating mga tao? sa paniniwala sa maling impormasyon?

Hindi kaya ito na ang hudyat para magbago?

Don't Blame the Mayans. The people, who process and interpret the information incorrectly, should take the blame.

Sabi nga ng prof ko. Tao ang nag proprocess at nag iinterpret ng mga information na nakukuha niya sa paligid.

Kaya kung mali ang pagkakaintindi mo. Mali ang pagkaka interpret mo sa impormasyon na yan. Wag mong isisi sa iba. Tawanan mo na lang sarili mo. Kasi madali kang maniwala sa mga bagay na obvious naman na hindi totoo..

Gamitin ang utak kapag may time.

Hindi ko kayo mapipilit na mag-isip kung paano ako mag-isip. kasi iba iba naman tayo. Pero ginawa ko 'tong article na ito. Dahil ang opinyon kong ito ay sinusubukang baguhin ang isip niyo. :D

*END*

A/N: Sana nalinawagan kayo kahit konti sa article na ito. Huwag basta basta naniniwala. NO HATERS. :D OPINION KO ITO.

KEEP CALM AND TRUST GOD.

magandang umaga sa inyong lahat. :)

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon