ARTICLE 2: Corruption!

407 8 22
                                    

ARTICLE 2: CORRUPTION! ang nag papahirap nga ba sa Pilipinas?

A/N: No hard feelings para sa mga mababanggit sa article na ito. :) Ipinahahayag ko lamang po ang aking opinyon. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa mga mababanggit ko sa ibaba. :) WALANG PERSONALAN! Isa lamang po akong nagpapanggap na manunulat. XD at isa lamang po akong future diplomat ng bansa nag walang ginawa kundi ang mangialam sa mga balitang napapanood ko XD

Sana ay basahin mo ito hanggang sa huli.

 **

Halos lahat ng tao... sinasabi na ang CORRUPTION daw ang nag papahirap sa ating bansa. 

pero naisip mo ba? na pati ang ibang bansa Corrupt din?

Bakit sa USA? mas malaki pa ang corruption nila doon. Pero bakit napaka unlad nilang bansa?

sa bansang singapore? napaka liit na bansa pero corrupt din ang mga miyembro ng pamahalaan nila. pero bakit nakakasabay sila sa mga mauunlad na bansa.

lahat naman ng bansa ay corrupt ang mga nasa pamahalaan...

Sa madaling salita. ang CORRUPTION ay hindi ugat ng kahirapan.

kung yung iba nga? mas maliit pa sa atin may corruption eh? Bakit ang unlad pa rin nila?

gets? nagegets niyo ba? XD

sabi nga ng prof ko sa history. Ang ugat ng kahirapan ay makikita mo sa KASAYSAYAN. 

balikan mo ang kasaysayan mo? sa mga naganap... alin doon ang nakapag pahirap pa lalo sa bansa?

Una na dyan ang pagdating ng mga Kastila. halos gawin nilang alipin ang mga pilipino noon para sa kanilang kapakanan... halos lahat ng pera ng mga pilipino ay napupunta lamang sa kastila. 

Sumunod ang mga Hapon. dyan natin masasabing SIRANG SIRA ang pilipinas. Sira ang mga kapaligiran. Sira ang tao. Sira lahat na halos walang pera ang Pilipinas noon.

Sunod ang Bell trade act ni Pangulong Manuel Roxas. WTO o World trade organization. Kasama dyan ang China, Taiwan, US, Singapore, Japan, South korea at ang Pilipinas. :)) Nakakatawa lang isipin na... Ano ang ieexport ng PILIPINAS? E ang mga kasama niyang bansa mga nag eexport ng gadgets, kotse at iba pang makabagong technology. E ang Pilipinas? sa mga panahon na 1946? Anong ilalabas niyan? bagoong? NO! dyan pa lang. LUGI NA ANG PILIPINAS. 

Para sa akin hindi naman masama ang concept ng GLOBALIZATION. Maganda yan, walang duda. Pero maganda lamang yan para sa mga bansa na may kakayahang mag export.

Bakit nga ba nag karoon ng Bell trade act? dahil HINDI daw mag bibigay ang amerika NOON ng 100,000,000 dollars for rehabilitation at reconstruction ng ating bansa kung hindi tayo papayag sa agreement na iyon. Bell trade act & Parity Rights. *Parity rights, ito yung bibigyan mo ng pahintulot yung mga amerikano na maki alam sa mga likas na yaman ng ating bansa*

Lugi rin dito ang pinas? bakit? Kasi sa 100,000,000 dollars para yan sa pag buo at pagbangon muli ng bansa diba? Pero, saan pa rin ba bibili ang Pilipinas ng mga materyales o kagamitan para magawa ang rehabilitation at reconstruction? Edi doon pa rin sa nagbigay ng pera. :)) diba? bumalik lang sakanila ang perang ibinigay nila.

Mautak hindi ba? :D Pero dahil kailangan na kailangan ng pera... pumayag si Pangulong Roxas sa agreement kahit alam niyang... Pang matagalang epekto ito sa ekonomiya ng bansa.

kung titignan mo ang mga tao noong 1946 hanggang sa kasalukuyan... GANOON PA RIN ANG SITWASYON. MAHIRAP PA RIN. 

Pero pasalamat pa rin tayo sa mga nanakop sa atin. Kung hindi dahil sakanila... baka mga NAKA BAHAG pa rin tayo at malayo sa kabihasnan. Yun nga lang. mahirap tayo ngayon :)) 

Kaya hindi mo ko masisisi kung sa lahat ng naging presidente ay si MARCOS ang pinaka paborito ko. :) Bukod sa matalino na... isa siya sa mga nakatuklas kung ano ba talaga ang problema ng Pilipinas. (Nakalimutan ko ung isang presidente eh XD)

Hindi corruption at over population ang ugat ng kahirapan. :)

Ang CORRUPTION at OVERPOPULATION ay mga EPEKTO lamang ng KAHIRAPAN. :)

Paano naging epekto? Kahit simpleng tao ka lang. Dahil wala kang pera, nagagawa mong kumuha ng pera at tinatawag natin yang pagnanakaw. diba corruption yun? ang magnakaw ng pera ng iba? na hindi mo naman pinag hirapan? kahit nga lang sa paghingi mo ng pera sa nanay mo eh? dahil BIBILI KA NG PROJECT mo sa school... DINADAGDAGAN mo yung price nung project. para sa iyo yung sobrang pera? tama? :D

Sunod, dahil mahirap ka nga... hindi ka na nakapag aral. dahil hindi ka nakapag aral? nag asawa ka na lang. Eh wala kang trabaho? Hindi ka matanggap sa trabaho dahil nga hindi ka nakapag aral. Anong magiging epekto non? lagi kang nasa bahay kasama ang iyong asawa... edi ALAM NA? :D favorite past time ng mag asawang walang trabaho. :)) Ang mag S*X. edi ano ang kinalabasan? Overpopulated. :)

gets niyo na? Kasi ako gets ko na. :))

*END*

------------

Waaa. Walang haters Please? XD Pwede naman ang negative comment pero sana in a nice way sabihin sa akin :D opinyon ko lang ito mga kapatid! =)))

sana nag enjoy kayo sa pagbabasa! :) sana may natutunan kayo sakin kahit wala naman XD hahaha!

Feel free po na magbigay ng opiniyon. :) Lahat po ng sasabihin niyo ay tama. :)

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon