ARTICLE 1: Lady Gaga's Issue

278 10 16
                                    

A/N: Waaaa First Article ko to. About sa mga issue ngayon na napapanuod ko sa TV. =)) na talaga namang kumukulo ang dugo ko kapag nakakarinig ng mga ganung balita. :D HAHAHAHA Sana wala akong marinig o mabasang negative about sa article na to. :) Opinion ko lang po ito. Pero kung gusto niyo talagang magbigay ng negative, sabhin niyo sakin in a nice way. para walang away! :D <3

LADY GAGA's ISSUE.

Nakakatawa lang talagang isipin na mismong mga taga simbahan pa ang lumalait sa isang tao. 

Kung isa kang matinong tao... hindi mo sasabihan ng kampon ng demonyo yung kapwa mo tao.

It makes me think na. ALAGAD BA TALAGA KAYO NG DIYOS?

dahil ba sa kantang ginagawa ni Lady Gaga tatanggalin niyo na yung karapatan nung tao na magpasaya ng mga fans niya?

Dahil ba sa ginawa niyang kanta? sasabihan niyo na siya ng kung anu-ano na sa tingin ko ay masyado ng below the belt?

kung tutuusin siya ang nabastos dito eh. Eh Kung ikaw ba naman sabihan ng Kampon ng demonyo? hindi ka ba ma ooffend? :))

nakatira tayo sa isang free country, free world. So kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo as long as na wala kang natatapakan na tao. OKAY LANG. which is i think naman na wala pang na violate si Lady Gaga.

Iba iba naman kasi ang interpretation ng mga tao sa isang kanta. Kung sa tingin niyo hindi kayo komportableng pakinggan yung mga kanta niya. EDI WAG. Wag niyong pakinggan.

kesa gumagawa kayo ng issue. Mapapalabas sa TV, tapos may mga nag rarally pa. XD HAHAHA! Kung mag rarally ba kayo? Anong mangyayari? mapipigilan niyo ba yung tao na gusto niya mag concert? NO.

Nag sayang lang kayo ng oras at pagod. Imbes na nasa bahay kayo at natutulog, nag-aaral, nagpapahinga... Andun kayo.. nag rarally para sa isang walang kakwenta kwentang bagay.

Sana mag isip na lang tayo kung paano tayo magiging isanng produktibong mamamayan ng bansa. Gamitin ang talino sa paaralan! Huwag sa kalsda! :D

Sorry sa mga mao-offend pero ito yung opinion ko eh. Nakaka inis lang kasi na pati yung pag gawa ng music ginagawang issue. nakakainis lang kasing isipin na konting issue. RALLY AGAD! :D hahaha

tatanungin ko kayo. Kung kayo yung composer nung kanta? dahil sa issue tatanggalin niyo ba yung part ng song mo na pinag uusap usapan?

PARA SAKIN.

Kung ako yung composer? HINDI KO i-aADJUST YUNG KANTA KO PARA LANG MAG FIT SA TASTE MO. 

Tama? o Mali? Para sa isang musician, Gumagawa siya ng kanta para sa sarili niya. Para i-express yung thoughts niya. Hindi yon, para lang magustuhan o hindi magustuhan ng ibang tao.

Gumagawa sila ng isang kanta para i-express yung nararamdaman nila, para maka escape sa reality.

Dahil lang sa lyrics ng kantang 'JUDAS' kampon na kaagad ng demonyo? XDD nag woworship na agad kay santanas? :D Ang tunay na dahilan kung bakit isinulat ang kantang yon ay manggagaling pa rin doon sa composer. Hindi sa kung sinu-sino na hindi naman alam ang STORY behind dun sa SONG. :)

Haaaay buhay :) Hindi ba pwedeng spread the love na lang? :)) Puro hate na ang nangyayari sa mundo eh. Kaya hindi na ako magtataka kung magunaw na tong mundo. Kasi kapwa mo sinisiraan mo. kapwa mo sinasabihan mo ng masama. Ang dapat dyan.. Kapwa mo, mahal mo! :)

Hindi ko isinulat tong article na to para lang gumawa ulit ng panibagong issue XD wala lang. Gusto ko lang ilabas nararamdaman at saloobin ko. Hindi kasi ako makakatulog kapag hindi ko nailabas yun eh =)) LOL

Alam niyo ba kung anong LESSON sa issue na to?

Wag magsalita ng masama sa isang tao.

Wag husgahan ang isang tao. kasi hindi naman natin alam ang pinagdaanan niya. :) kung bakit niya isinulat yung ganoong kanta.

Mahalin mo ang kapwa mo. kasi yan ang tinuro sa atin ni God. Kahit sa Bible nakasulat na mahalin mo ang iyong mga kaaway. :)

Sabi nga ni Boy Abunda. Kung hindi kayo comfortable na pakinggan ang music ni Lady gaga, PLEASE HUWAG KAYONG MANUOD ng concert niya. pero bigyan niyo pa rin ng chance yung mga ibang tao na gustong manuod sa concert ni Lady gaga.

BIG CHECK! :)

Ang simple simple lang ng buhay. Ginagawa niyong komplikado. :))

parang ganito lang  yan eh.

Kung ayaw mo, huwag mo.  :)

Isa lamang po akong concern citizen na hindi makakatulog kapag hindi nailabas ang nasa isip niya. :D Isa lamang po akong concern future diplomat ng bansa XD Sana walang magalit. :)

*END*

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon