ARTICLE 3: What is an educated Filipino?

1.6K 9 4
                                    

What is an educated Filipino?

A/N: pangatlong article na to! :D kagaya ng mga nauna kong article... opinion ko lang po ito XD Wala sanang magalit :D hahaha  SORRY sa mga mababanggit ko sa ibaba. SORRY sa mga matatamaan :D Opinyon lang po! walang personalan XDD

Enjoy. :)

-----

Para sa'yo? Ano nga ba ang isang edukadong Pilipino?

Mayaman?

May pinag-aralan?

May karanasan?

Mahirap?

Matalino?

o baka naman hindi masyadong matalino?

Ikaw? matatawag mo ba ang sarili mo na isang edukadong tao?

Para sakin. Ang edukadong Pilipino ay iniisip kung paano siya makakatulong o kung paano siya magiging produktibong mamamayan sa kaniyang bansa. 

Wala naman yan sa estado ng pamumuhay. wala yan sa antas ng pinag-aralan.

Ang importante ay kung paano ka magiging produktibo sa bansa base sa iyong karanasan.

Marami ang nagaganap ngayon sa ating bansa... lalong lalo na sa ating pamahalaan.

mayroon dyang.. chief justice na kaka'impeach lang :D

meron rin namang senador dyan na sumikat ngayon dahil sa pagsasalita niya bago siya bumoto ng guilty :D

meron din dyang dating presidente na naka wheel chair na :))

at meron ding presidente ngayon na puro date ang inaatupag XD

Yan ang mga naririnig mo sa iyong paligid. Tama ba? :)

Kung mayroong issue. May mga tao ring nagagalit sa kanila. May mga tao rin na humuhusga sakanila. 

pero naisip mo ba o naitanong mo ba sa sarili mo na "may nagawa na ba ako para sa bayan?" 

no offense meant pero naiinis kasi ako sa mga taong nagagalit sa kanila kapag may nagawa silang Mali. naiinis ako sa mga taong rally ng rally  kahit wala naman ng katuturan. rally ng rally... wala namang nangyayari. Puro traffic lang ang naidudulot sa nakakarami.

hindi sa kumakampi ako sakanila. pero kasi, iboboto niyo? tapos kapag may nagawang ganito, ganian... magagalit kayo? mumurahin niyo pa yung tao? sino dapat sisihin? edi ang ating mga sarili. blame yourselves for voting that kind of person. :))

katulad na lamang ng nabasa ko sa internet. Yung mga comment nila doon tungkol sa mga taong nabanggit ko sa taas.

may nagsabing ang bobo ng mga tao sa pamahalaan ngayon.

may nag sabing kawawa ang Pilipinas kasi bobo ang hahawak.

may nag sabing lahat sila walang right na mailagay sa pwesto sa pamahalaan.

may nag sabing pak u daw sa mga naka upo sa gobyerno :))

may nag sabing bading si Pnoy.

may nag sabing kurakot lang mga nakaupo.

bakit ganian? ha? ganian ba ang mga edukadong pilipino? ganian ba ang mga kabataan na prinotektahan ng mga bayani?

kung ganian ang makikita ni Rizal ngayon o kahit sinong mga bayani. siguro mag sisisi sila kung bakit pa nila binuhis yung buhay nila para sa mga henerasyon ngayon. 

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon