Chubby is the New Beauty!

670 5 3
                                    

Naranasan mo na bang makutya dahil sa iyong panlabas na itsura?

Kung OO. Ito basahin mo. :D Kahit mga Payat na maganda, payat na pangit, matanda, bata, sexy na panget, at sexy na maganda pa... MAY PAKIALAM KA DITO :D

-------------

MATABA ito ang salita na ayaw marinig ng mga tao. Lalo na ang mga babae.

Pero sa panahon ngayon... Maraming tao ang hindi naiintindihan ang nararamdaman ng isang matabang tao.

Mayroon dyan, porket ipinanganak na payat.. eh akala mo kung sinong magandang makapanlait ng mga matataba. TAMAAN SAPUL! :D hahaha joke.

Maging prangka lamang tayo. Aminin na natin na ganito ang realidad. Isang mapangkutyang mundo.

IKAW! Mataba ka ba? Pwes. Basahin mo title nito. Basahin mo!

naniniwala ako na ang mga matatabang tao ay ang pinaka magagandang nilalang sa mundo. Hindi dahil sa lobo nilang mga tyan. malalaking binti, hita at braso. Dobleng baba. Pawisan na mukha kundi ang kanilang kalooban.

Pansin niyo ba? na kahit nakakaranas sila ng mga pangungutya galing sa ibang tao ay nagagawa pa rin nilang ngumiti? at sa tingin ko. ang mga ngiting iyan ang pinaka maganda sa lahat.

Sa kabila ng mga pang-aasar. Mga luha na inilabas nila. Nagagawa pa rin nilang maging mabuting tao. (Well,I know hindi lahat)

Nagagawa din nilang mag patawad kaagad kahit sobra silang nasaktan.

IKAW, May kilala ka bang mataba? Kung OO. RESPETUHIN mo sila.

dahil mga tao din sila. May emosyon. Nasasaktan.

Wag mo na silang asarin, kutyain at tapakan ang pagkatao nila. Tandaan mo ang Karma.

Hindi dahil Mas payat ka. May karapatan ka ng matahin at pagtawanan ang bilbil nila.

Hindi dahil Maganda ka. May karapatan ka ng kutyain ang kanilang mukha.

Hindi mo na kailangang ipamukha. Kung ikaw nga na payat. may mga insecurities pa sa buhay at katawan eh... Paano pa kaya yung mga matataba? Naisip mo ba nararamdaman nila kapag nakakakita sila ng maganda?

"Sana ganian din ako kapayat."

"Bakit ganun? Parang dalawang braso na niya yung braso ko?"

"Sana nakakapag shorts din ako tulad nila"

"Sana nakakapag suot din ako ng mga magagandang damit"

"bakit kasi ako pinanganak na mataba eh!"

Hanggang sa umiyak na sila sa isang tabi.

Sana naiintindihan mo ang nais kong iparating.

at kayong mga boys bakit naman ganun? Nalaman mo lang na yung nag kaka CRUSH sa'yo ehh isang mataba, LALAYO ka na agad? :)) Bakit? May virus ba yung taong yun para layuan? C'mon. UULITIN KO, T-A-O DIN SILA.

Gusto niyo mga payat? Gusto niyo magandang girlfriend? HELLO!? FYI masarap yakapin ang mga chubby na girls. at sa kanila, hindi ka maiistress. Dahil wala kang kaagaw na ibang guys na pwedeng mambastos sa kanila.

at ang mga matatabang tao. Masarap mag mahal. :D YUMMY pa. :D haha.

Subukan niyong tumingin sa panloob na anyo. Wag sa panlabas. LOOKS CAN BE DECEIVING dude. Dahil hindi lahat ng magandang panlabas ay may maganda ring panloob.

Hindi masamang magmahal ng matabang tao. Hindi nakakabawas ng dignidad ng tao. Tandaan mo. Kapag ang MATABA pumayat, NGANGA ka! :D

At ang huli ay IKAW! Kung sino ka mang mataba na nagbabasa nito.

Wag kang mag mumukmok sa isang tabi kapag kinukutya ka! CHIN UP GIRL! MAGANDA KA! Believe me! Nasa pag dadala lang yan.

Hindi mo kailangang ICOMPARE ang sarili mo sa ibang mas payat sayo. Alam mo na ngang masasaktan ka lang, todo compare ka pa. Ikaw din ang nanakit sa sarili mo eh.

Kung icocompare mo sarili mo sa iba, para mo na ring nilait ang sarili mo. Love yourself!

Ikaw dapat ang unang una na nagmamahal sa sarili mo.

Ikaw dapat ang unang unang hindi manlalait sa pagkatao mo.

Ikaw dapat ang unang una na DAPAT MANIWALA SA SARILI MO.

sabi nga ng isa kong kaibigan. "Lahat tayo magaganda at gwapo. Meron lang MAS" Nagets mo ba? :)) Lahat tayo magaganda at gwapo. Meron lang mas nakaka angat. Mas maganda. Mas gwapo.

Lahat tayo magaganda at gwapo sa sarili nating paraan. Lalaki ka man o babae... dapat maging Proud ka kung ano ka.

Walang taong pangit. Nasa pag dadala lang yan :P Tama? CONFIDENCE LANG! Magiging masaya na buhay mo.

Hindi porket mataba ka, iisipin mo na kaagad na "Ay, Hindi ako bagay dyan. kasi ganito ako ganiyan."

Gusto mong pumayat? EDI GUMAWA KA NG PARAAN. (Basahin mo yung story ko na 200 days melancholy of fat singer. May mga tips pampapayat don.)

haha. Okay. Simpleng plug. :D Pero seryoso. Kung mataba ka, maging proud ka sa kung ano ka. IKAW YAN EH.

Kung gusto mo talagang pumayat ka, Gawin mo na talaga ang DIET.

yung sinasabi mong "Magbabawas na talaga ko ng pagkain! Mag papapayat na talaga ako!"

Last last last last last last last last last last last last last last last last last year ko pa narinig yan eh! :D

Magagawa mo lahat ng bagay. Kung gugustuhin mo. Hindi man madali, pero kapag nag tyaga ka at ginusto mo talaga. Magagawa mo.

TANDAAN MO. Walang short cut sa pagiging successful. kumbaga sa isang bahay. Walang elevator. Mag hagdan ka. STEP BY STEP. 

KERI!? Maniwala ka lang na maganda ka. Walang masama. Libreng libre yan! :)

*END*

A/N: Wew! Salamat sa mga babasa, magbabasa at nagbasa nito. :D Inspired lang ako. Nakita ko kasi yung sarili ko sa salamin. :D hahaha joke. Wala lang. Ang ganda kasi ng buhok ko ngayon. Bagay sakin. KSHARE. XDSorry sa mga natamaan ng post na ito. Wala akong intensyon na masaktan kayo. Pinag uusapan lang natin ang realidad. Walang haters please? THANKS!

wag po kalimutang mag vote. comment. at bonus na yung pag fan. :)

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon