STORY #1: Elevator

977 14 9
                                    

-ELEVATOR-

Ako si Jane. Nag tratrabaho ako bilang nurse sa isang hospital dito sa Maynila...

Marami na ring sabi sabi na ang hospital na pinagtratrabahuhan ko ay isang tirahan ng mga multo...

kahit ang mismo kong mga magulang ay ayaw akong pagtrabahuhin sa hospital na yoon. Natatakot sila na baka may mangyaring masama sa akin...

Pero di ako nakikinig! MULTO? maniniwala lang ako kapag nag pakita sila sakin? dalawang taon na akong nag tratrabaho doon. Pero kahit minsan ay walang nag pakita sa aking multo.

Pero nang dahil sa isang pangyayari...

Nagbago ang aking pananaw...

**

"Oh Jane! Simula bukas, night shift ka na." - doctor Marquez

"Yes doc" - ako

Pagkaalis ni Doctor Marquez kinausap kaagad ako ng kaibigan ko si Sally

"Girl, ingat ka dito tuwing gabi ah! Naku! balita ko maraming nag mumulto dito!" - Sally

"Sally? pati ba naman ikaw naniniwala sa mga kwentong pambata?" - ako

"Hindi naman sa naniniwala. Pero kasi minsan may nag paramdam na sakin dito" - Sally

"Nako. Hindi ako naniniwala dyan. Dala lang yun ng sobrang pagod mo" - ako

"bahala ka Jane.. Siya nga pala. Ikaw na daw mag aalaga sa pasyente ng room 666" - Sally

"Diba yun ang batang may cancer?" - ako

"Yup. Kawawa nga ang batang iyon e. Naghahanap ng kalinga ng ina. wala na kasi ang mama niya. Namatay pagkatapos siyang ipanganak" - sally

Agad kong pinuntahan ang pasyenteng naka assign sa akin... Ako na rin ang mag aalaga sakaniya simula bukas ng gabi

**

"Hello Lily!" masigla kong bati sakaniya

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon