STORY #2: Batang Itim

293 6 2
                                    

...Ano ang gagawin mo...?

...Kapag sinundan ka ng batang itim...

-

Batang Itim

-

Binuksan ng lola ni Sharina ang kurtina sa kwarto nito upang pumasok ang liwanag

"Apo. Gumising ka na at papasok ka pa sa OJT mo" sabi ng kaniyang lola

"Opo. 'la" dali dali namang bumangon si Sharina upang kumain, maligo at magbihis..

Si Sharina ay nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo... ang kinukuha niyang kurso ay Psychology.

Ngayon, ay nag o-OJT siya sa isang mental hospital sa sta. Ana.

hindi malaman ni Sharina kung bakit hindi komportable ang pakiramdam niya ngayon..

hindi siya mapakali.. balisa... may gustong gawin na hindi niya alam... may ayaw siyang gawin na hindi niya alam...

kinakabahan siya... naguguluhan... iritable..

hindi naging maganda ang gising niyang iyon...

"Lola. Alis na po ako!" nagmamadaling sabi ng Sharina sakaniyang lola. Kailangan niyang umalis ng maaga upang hindi malate sakaniya trabaho, wala kasing maghahatid sakaniya.. wala yung driver nila...

Habang nasa jeep si Sharina... ay nakinig muna ito ng tugtog sa kaniya celphone...

Sarap na sarap sa pakikinig si Sharina na halos maiyugyog na niya ang kaniyang ulo.. Ang paa at kamay naman niya ay sumasabay sa beat ng kanta.

♫♫ I wonder~ How am I supposed to feel when you're not here.. 'cause I burned.. Tulungan mo ko.. every bridge i ever built.. when you were here ♫♫

tinanggal agad ni Sharina ang earphones niya sakaniya tenga..

isang tinig ng batang babae ang narinig niya..

ini'rewind niya yung part kung saan niya narinig ang boses na iyon...

at inilagay niya ulit yung earphones sa kaniyang tenga..

♫♫ I wonder~ How am I supposed to feel when you're not here.. 'cause I burned every bridge i ever built.. when you were here ♫♫

napailing na lang si Sharina at napabuntong hininga.. "Ano bang nangyayari sakin.." 

**

Nang makarating siya sa LRT station... Ang pakiramdam niya ay parang may nakatingin sakaniya...

kaya naman lumingon kaagad siya sa likod at hinanap kung sino man ang nakatingin sakaniya...

Maya maya pa ay dumating na ang tren kaya hinayaan na lamang ito ni Sharina...

hanggang sa loob ng tren ay nakikinig pa rin ng kanta si Sharina...

sa pag andar ng tren na sinasakyan ni Sharina... ay nakasalubong nito ang isa pang tren..

"My God..." nanginginig na sabi ni Sharina..

tumingin kasi siya sa kabilang tren... at nakita niya ang isang batang babae na naka itim mula ulo hanggang paa..

nakahawak ito sa salamin ng tren at naka tingin ng masama sakaniya..

 napa sign na lamang ng krus si Sharina at nagdasal...

Habang naglalakad siya... tila ba'y wala siya sa kaniyang sarili...

WblogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon