MoJules

199 21 9
                                    

Halos kanina pa ako nag iiscroll sa phone ko. Sobrang bored na talaga ako dito sa bahay. Wala din naman akong schedule ngayong araw kaya nasa bahay lang ako buong araw.

Kakatapos ko lang mag scroll sa facebook, nang maisipan ko na icheck yung ig ko, wala namang bago kaya inexit ko na lang at pumunta sa twitter. Ang tahimik naman dito sa twitter. Mag pa Ask Julie kaya ako? Panigurado puro about na naman sa amin ni Elmo yung itatanong nila o kaya puro about kung kelan magkakaroon ng collab. Pero bahala na,  bored na bored na talaga ako kaya hayaan ko na lang. Piliin ko na lang yung mga sasagutin kong tanong.

@MyJaps : #AskJulie ?

Wala pang ilang minuto akong nag tweet eh sabog na agad notification ko. Grabe talaga ang adiks. Naka on notif ba ko sa kanilang lahat? Haha natatawa na lang ako sa kanila. Anong oras na pero mga online parin.

Tumingin na ako sa notification ko at pumili ng tanong.

May nakita agad akong tanong kung ready na daw ba ako sa lock in taping. Oo nga pala, papalit na rin pala yung new serye ko with  David. First time ko lang siya makakatrabaho. Nakikita ko naman siya sa gma pero hindi kami masyadong close kaya hindi rin kami masyandong nakakapag usap. Kaya nung nalaman kong siya yung bagong makakapartner ko medyo naexcite ako kasi new people, new experience din. Tsaka mukhang okay naman si David eh kaya walang problema.

Nag scroll pa ako ng mga tanong. Ang dami. Hindi din ako nag kamali, may mga tanong na related kay Elmo. Never talaga nawala yung tanong about collab.

Halos nahihilo na ko sa sobrang daming tanong. Haha pero hinayaan ko na lang namiss ko din naman mag pa Ask Julie tsaka ito na lang din bonding naman ng adiks ngayong pandemic dahil bawal pa magkita kita. Namimiss ko na rin makita ang adiks ng malapitan. Kung gaano sila kawild haha

Nag hanap pa ako ng ibang masasagot na tanong. Yung iba tungkol sa mga hugot nila sa buhay, grabe din yung mga hugot nila. Yung iba about sa mga na ghost, sa mga second chance, meron pang kung may gusto daw ba akong balikan sa past. Panigurado tungkol n naman sa amin to ni Elmo. Walang palya yung mga tanong nila about sa aming dalawa. Ganun na ba nila kami kamiss?

Nagulat na lang ako ng may biglang tumawag sa facetime pag tingin ko si Elmo. Speaking of.

"Hi" bungad niya ng sagutin ko ang tawag.

"Hey" sagot ko naman sa kanya.

"Did i disturb you? Natutulog ka na ba?" tanong naman niya sa akin.

"Nope. I'm doing Ask Julie haha." sabi ko naman sa kanya, agad naman siyang natawa

"Oh haha for sure they keep on asking about us?" well tama naman siya

"Kelan ba hindi? Haha grabe ang dami nga nila eh" tawa kong sagot sa kanya, natawa din naman siya

Napatingin ako sa notification ko ng may nagmention na sa akin

"@MyJaps wer na u? #AskJulie"

"Juliee asan ka na? @MyJaps #AskJulie"

"Tulog ka na ba? Haha @MyJaps #AskJulie"

Oh shoot. Oo nga pala nag papa Ask Julie nga pa pala ako.

"I need to go back na muna sa twitter. They are looking for me na haha" natatawang sabi ko kay Elmo

"Sure babe. Call me when you are finish" sagot naman niya

"Yup. I love you" sabi ko sa kanya bago ko iend ang call

Bigla naman siyang nag imessage

"I was about to say i love you too kaso bigla mo naman agad pinatay. Enjoy! Take your time having fun with your fans. I love you" napangiti naman ako sa message niya. Hindi na ako nagreply at bumalik na sa twitter.

Pagbalik ko sa twitter at pag tingin ko sa notification ko ay sabog na naman ito. Grabe talaga haha napailing na lang ako.

Nag hanap pa ako ng mga tanong na sasagutin. Yung iba nang hihingi ng motivation about sa online class nila, yung iba naman kung paano nila matutupad yung dreams nila. Grabe sobrang proud ako sa adiks.

May mga nakikita akong account na yung icon nila is kaming dalawa ni Elmo. Hinahayaan ko na lang. Baka kasi isipin nila na umiiwas ako. Iniiwasan ko na nga yung tanong na about kay Elmo eh ayoko naman na isipin nila na baka dahil lang sa icon nila eh iwasan ko na din yung ibang tanong kaya sinasagot ko na lang din.

May mga natatanong din kung pwedeng makipaglaro sa cod haha lately kasi sobrang naadik ako dun sa larong yun. Kapag wala akong ginagawa eh buong araw akong nag lalaro ng BR.

Nakita kong nag tweet din si David. Aba haha nag uumpisa na siya mag promo ah.

"@davidlicauco: Hi #askjulie"

"Sup Ace" qrt ko sa tweet niya.

Infairness naman may fans na kaming dalawa ni David kahit hindi pa nag sisimula yung bago namin show.

"@imrchllnnsj: Modules or Jules? HAHAHA #AskJulie"

"@MyJaps: MoJules? JulesMo?"

Nagtaka ako kung bakit mas lalong umingay yung notification ko. Tinignan ko yung mga mentioned nila. Hindi ko magets kung bakit ang daming qrt nung sinabi ko na MoJules at JulesMo. Daming nag react.

Binasa ko ulit, ilang beses ko pang binasa tsaka lang nag sink in sa akin. Shet. Napasapo ako sa ulo ko. Omg. Sana mali ako ng iniisip. Nag stalk ako. At pag stalk ko na connect na agad nila. Jusko. Bakit ang bilis nila?

Kung hindi ka din naman ewan Julie eh. Malamang icoconnect nila yan. Katunog ng pangalan ni Elmo yung Mo eh. Ikaw din naglalaglag sa sarili mo eh. Ewan ko ba sayo.

Mas lalo silang umingay dahil dun, mas lalong umingay yung notification ko. Natataranta na ko. Haynako. Ayan Julie. Sige. Hindi ka kasi nag iisip eh. Paano mo yan malulusutan ngayon? Napabugtong hininga na lang ako.

Nag isip ako ng dahilan para malusutan yun.

"Tulog na tayo. #AskJulie ulit next time. Salamat sa oras and for trending too. Love you all, stay safe ❤️"

Okay. Sana lang malusutan pero mukhang hindi kasi nag iingay parin sila. Sa susunod kasi Julie Anne mag isip ka muna o kaya basahin mo muna maigi bago mo ituweet. Bahala na. Baka bukas hindi na nila maalala yan.

Nag exit na ako sa twitter at tinawag si Elmo buti na lang ay gising pa siya kaya sinabi ko sa kanya yung nangyari. Aba yung mokong tinawanan lang ako kaya tinarayan ko na lang siya.

"Next time kasi baby ingat ingat din ah. Ilang beses mo na nilalaglag sarili mo eh" sabi niya pa habang tumatawa.

"Ewan ko sayo. Matulog na nga tayo" pag susungit ko sa kanya.

"Haha okay. Goodnight baby. I love you so much" sabi niya.

"Goodnight. I love you" sagot ko sa kanya bago pumikit para matulog na.

HAHAHAHAHAHA #sabaw parang si Julie char! 😂

JuliElmo who? MoJules lang sakalam! ✊🏻🥳

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon