Unfollowed

213 15 2
                                    

"Anak? Kain na." katok ni Mama sa kwarto ko.

Natigil naman ako sa ginagawa ko.

"Okay po, Ma." sagot ko kay Mama.

"Sunod ka agad ha." sabi ni Mama at narinig kong umalis na sya sa labas ng pinto ko.

Napatingin naman ako sa phone ko. Hindi pa pala ako tapos man-stalk.

Hmm, i checked her following. Wala na sya dun. Okay so totoong inunfollow? Bakit? Break na ba sila?

Wait.. may private account pala sya. Maybe, doon sila nagpopost?

Okay, Julie what the heck are you doing?!

Napailing ako. I clicked the back button.

I checked my following and andun si Elmo. Ikiclick ko na sana yung name nya.

"Ate!! Kakain na nga ano ba ginagawa mo dyan? Tagal mo!" sigaw ni Joanna sakin.

"Ito na nga!" balik sigaw ko.

Hindi na ako nag abala pa na tignan phone ko. I just leave it sa bed ko at bumaba na.

After ko magbreakfast, naisipan kong magcheck ng twitter ko. Kaya kinuha ko phone ko sa kwarto.

When i opened my phone, bungad sakin ang ig account ko, specifically ang following ko. And what the heck?

I unfollowed him??? Oh fuck Julie! Bakit tatanga tanga ka? Lutang ka ba?

Baka gawan pa to ng issue ng mga tao. Especially ng fans. Haynako ka Julie Anne!

I followed him again. Bahala na si batman. I just wish na hindi sya mag open ng ig nya today.

I closed my ig app then sa twitter ako nag open. I retweeted Nited's tweet na about sa event ko mamaya for Lazada 12.12.

Chineck ko din isa isa ang mga nagtu-tweet na minemention ako.

Nakakatuwa talaga mga fans ko. They never failed to make me smile. I'm just so blessed to have them.

Nawiwili na ako sa pagbabasa ng mga tweets when suddenly may notification from Elmo sa ig.

WHAT THE HELL!?

elmomagalona sent you a message

Muntik ko na mabitawan ang phone ko.

Katangahan mo kasi Julie! Bakit mo kasi na-unfollow!

elmomagalona sent you a message

Nagpop na naman sa phone ko. Shit!

Elmo bakit ka naman nag open ngayon? Nakakainis naman!

I opened his message.

elmomagalona: you unfollowed me?

elmomagalona: hmm why?

"Napindot ko lang kanina. Hahah" i typed.

Eh napindot ko lang naman kasi talaga.

elmomagalona: really? 😂 you stalked me 'no?

Ano? Kapal naman! Hindi ko naman nastalk ng buo yung account nya ah.

"Luh kapal" I replied to him.

Nakita kong sineen nya naman.

"Hindi ko talaga sadya kanina. Kaya finollow nalang kita ulit. Haha" i sent a message again.

Bakit ka ba nagpapaliwanag Julie? Required ba? Arrgghh!

Ico-close ko na sana ang ig ko when i saw na may igs sya.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon