I'm on my way sa simbahan, today is the day. Ngayon na ang araw na ikakasal na siya. Ikakasal na yung lalaking pinakamamahal ko.
Habang nastuck ako sa traffic. I decided to turn on the radio na sakto naman yung bagong kanta ni Moira ang nag play. Paubaya. Saktong sakto para sakin. Ewan ko ba sinasadya ata ng tadhana na mas saktan pa ako. Unang stanza pa lang, ang sakit na. Tagos na tagos na.
"Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal"Nag-flashback lahat sa akin. Yung araw na pinalaya ko siya.
- flashback -
"Pagod na pagod na ako, Elmo. Paulit ulit na lang." sabi ko sa kanya.
"I'm sorry" tanging sagot niya. Sorry? Yun lang?
"Sorry? Ayan lang yung sasabihin mo sa akin? Sorry? Damn you!" sigaw ko sa kanya.
"Alam kong nasasaktan kita and I am so sorry for that. Hindi ko gustong masaktan ka. Mahal kita. Alam mo yan pero kasi" magsasalita na sana siya pero inunahan ko siya.
"Kasi ano? Kasi siya yung talagang mahal mo at hindi ako?" hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga.
"Sinubukan ko naman eh. Trust me, sinubukan ko." ayoko na. Nakakapagod din palang lumaban. Lalo na kung ikaw lang mag isa yung lumalaban para sa inyo.
"M-minahal mo ba ako?" i looked at him. Hinihintay ko ang sagot niya.
"Mahal kita pero mas mahal ko siya" para akong dinurog sa sinabi niya. Ang sakit pala kapag sa kanya na mismo nanggaling.
"Elmo, ako na lang. Bakit hindi na lang ako? Ako na lang Elmo. Please." pagmamakaawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya. More than my life, more than anything else in this world. Siya lang yung minahal ko ng ganito.
"No, you don't deserve this kind of pain. You deserve more than this. I can't love you the way you want me to. Mahal kita. Minahal kita. For the past 2 years ikaw yung nandyan. Hindi ka mahirap mahalin. Pero hindi ko na rin kayang magpanggap na mahal pa kita. Na mahal kita. But you don't deserve me." ayoko na. Durog na durog na ko.
Kanina ko pa pinipigilan yung luha ko pero ayaw talaga nila magpapigil. "Kung papalayain ba kita magiging masaya ka ba sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"Yes." tangina. Mas lalo ko lang sinasaktan sarili ko.
"Pinapalaya na kita." there, i said it.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako na naging dahilan para mas lalo akong umiyak. "Thank you. Makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ng higit pa. Yung lalaking hindi ka sasaktan."
"Leave. Just leave now." tanging nasabi ko na lang sa kanya.
"Be happy. You deserve it." he kissed my forehead before leaving me.
Nang makalayo siya akin dun na ako nanghina. Napaupo na lang ako sa sahig at nilabas lahat lahat. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.
—
I smiled bittersweet ng maalala ko yun. Ilang taon na rin since pinalaya ko siya. Since nung pinakawalan ko si Elmo."Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya"Saan nga ba ako nagkulang? Binigay ko naman lahat lahat sa kanya. Pero bakit hindi parin enough. Hindi parin sapat.
All this years, ako yung kasama niya pero siya parin yung hinahanap hanap niya.
"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya"Halata naman na sa kanya siya masaya eh. Na sa kanya siya sasaya. Nagbulag bulagan lang ako. Nagpikit mata kasi mahal ko siya. Kasi mahal ko si Elmo.
Alam ko naman na hindi ka niya sasaktan, at aalagaan ka niya ng higit pa.
"Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba
Ako ang kayakap, pero isip mo siya"Sa tuwing sinasabi niya kayang mahal niya ako, ako kaya ang naiisip niya o siya?
Alam ko naman na merong siya habang may ako. Ramdam ko yun.
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain, at alagaan ka niya"I love him so much. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nagawa ko siyang palayain kahit ayoko.
Walang akong choice eh. Hindi ako yung mahal niya. Hindi na ako ang mahal niya and in the first place alam ko naman na dun din ang punta namin.
"Ba't 'di ko naisip na merong hanggan
Ako yung nauna, pero siya ang wakas"I arrived na sa simabahan. Lumabas na ako sa kotse at dumerecho sa likod. Ayokong magpakita. Kaya dun na lang ako sa tago pumwesto.
"At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhanaI saw him. Ang gwapo niya. Kitang kita ko sa kanya kung gaano siya kasaya kasama ng babaeng mahal niya. Nang babaeng makakasama niya habang buhay.
"Do you take Elmo Magalona to be your lawfully wedded husband?" tanong ni Father sa bride.
"I do" rinig kong sagot niya.
Si Elmo na ang tatanong, parang di ko kayang marinig yung sagot niya.
"Pinapaubaya
Pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sakanya""Do you take Julie Anne San Jose to be your lawfully wedded wife?" tanong ni Father kay Elmo. Hindi pa nasagot si Elmo pero alam ko na agad. Alam ko na.
"I do." sagot ni Elmo. Halatang sobrang saya niya. Sobrang saya niya kay Julie. Sinuot ni Elmo ang singsing kay Julie.
"I now pronounce you husband and wife. You may know kiss your bride" ang sakit. Kasal na si Elmo sa babaeng mahal niya. Sa babaeng gusto niyang makasama habang buhay.
Tinaas na ni Elmo ang viel ni Julie. Naghiyawan ang mga guests. "Kiss! Kiss!" sigaw nila.
And hinalikan niya si Julie. Halik na ramdam mo na punong puno ng pagmamahal. I smiled pero may halong kirot.
Finally. He is married to the woman he loved the most. Sa babaeng mahal na mahal niya.
Bago ako umalis tinignan ko ulit sila. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Elmo sa piling ni Julie, sayang kay Julie niya lang naramdaman. Na si Julie lang ang makakapagbigay.
Tama nga ang desisyon ko na ipaubaya si Elmo sa kanya. Kasi alam ko naman na mahal na mahal niya ito at hindi niya papabayaan.