Uncontrollably Fond

190 13 5
                                    

"Anong wish mo?" tanong sa akin ni Elmo.

Kasalukuyan kaming nandito sa tabi ng dagat, naglatag siya ng blanket upang may mahigaan kaming dalawa habang nakikinig sa hampas ng alon at nakatingin sa mga bituin.

"Hmm. Sana wala ng katapusan to. Ikaw anong wish mo?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga bitiun.

"Makasama ka pa habang buhay." seryosong sambit niya.

"Malamang makakasama mo pa ko habang buhay." sagot ko naman sa kanya.

"Paano kung hindi mo na ako makakasama hanggang sa pag tanda?" agad naman akong napabangon sa sinabi niya.

"Baket? Saan ka ba pupunta? May balak ka bang iwan ako?" nakatingin kong tanong sa kanya.

"Hindi kita iiwan at wala akong balak iwan ka." sagot naman niya sa akin.

"Mahal kita Julie. Sobrang mahal na mahal." seryoso niyang sambit.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya hindi naman sa ayaw ko pero parang may kakaiba. Parang may hindi siya sinasabi sa akin.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti.

"Wala mahal." sagot niya bago ako ihiga sa tabi niya at niyakap.

Agad ko namang hiniga ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Sigurado ka?" paninigurado kong tanong sa kanya.

"Yup. Basta kasama kita walang problema." sabi niya sabay halik sa aking buhok.

"I love you Moe" sabi ko sa kanya

"Mahal din kita. Tandaan mo yan" sagot naman niya sa akin.

Agad naman akong nagising sa liwanag na tumama sa aking mga mata. Pag mulat ko ng mata ko ay wala na sa tabi ko si Elmo.

Nakatulog pala kami dito sa labas. Agad naman akong bumangon upang pumasok sa loob ng beach house upang tignan kung nandun si Elmo.

Saktong pagpasok ko ay may naamoy akong mabango na galing sa kusina kaya agad akong nagtungo dun at doon ko nakita si Elmo na abala sa pagluluto ng breakfast naming dalawa.

Hindi ko muna siya inabala at matagal na tinitigan. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.

Pumunta muna ako sa kwarto namin upang maghilamos at mag ayos. Pagkatapos ko ay pumunta na akong kusina na sakto naman tapos na rin si Elmo.

"Goodmorning mahal." bungad niya sa aking ng makita niya akong papalapit sa kanya.

"Goodmorning. Wow. Mukhang masarap yan ah" sabi ko naman sa kanya.

"Syempre ako nag luto eh kaya masarap talaga yan" sabi niya sa akin sabay kindat kaya agad naman akong napatawa.

"Haha ewan ko sayo" tawa kong sagot sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang matumba sa sahig. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at agad na tumawag ng tulong upang madala siya sa hospital.

Habang nasa loob kami ng ambulansya ay sobra sobra yung kaba na nararamdaman ko.

"Baby, please wag mo ko iwan" naluluhang sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko kahit sobrang nanghihina siya.

Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa kamay niya. "M-Malapit na tayo" nauutal kong sabi sa kanya.

Pagkarating namin sa hospital ay agad siyang sinugod sa emergency room. Sasama pa sana ako ngunit pinigilan ako ng nurse.

"Hanggang dito lang po kayo Ma'am" sabi sa akin ng nurse bago tuluyang pumasok sa loob.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon