Prologue

86 22 0
                                    

Prologue

I had been smiling since this morning. I'm smiling because it's me and Faustino's fifth month being in a relationship. Hindi ko inakalang magtatagal kami ni Faustino, hindi ko inakalang mamahalin ako ng isang Faustino Fajardo na isang kilalang playboy ng San Fernando.

I take my time to bath myself, after bathing, I stepped out in my bathroom then walk towards my closet to find some clothes that can make 'my' Faustino love me more. I want to be more beautiful right now for our monthsary, maganda na kasi ako since birth.

Yes, it was just a monthsary but it means so much to me. Since that night, that I confessed to him over the phone in Arianna's house, Faustino confessed to me too the next day and asked if he can court me. Of course I said yes. Sino ba ang tangang palalagpasin ang pagkakataong liligawan ka ng crush mo, hindi ba?

Speaking of Arianna... Ang babaeng 'yun! Hindi man lang nagpaalam sa amin na aalis na pala ito! Bwesit naman kasi 'yong si Lincoln, eh! Kung sana hindi nito niloko ang bestfriend naming inosente ay sana hindi iyon umalis! Si Lincoln lang naman kasi ang puno't-dulo kaya umalis si Arianna tapos wala pang paalam.

Isa pa 'yong baliw na si Quinn, talagang ginamit pa ang kakayahan ng ama nito na drug lord para takutin si Lincoln. Haay naku! Nakakasakit ng ulo ang love story ng dalawang yun! Kapag talaga nagparamdam sa amin si Arianna ay tiyak malalagot talaga iyon sa aming magka-kaibigan, lalo na sa akin at kay Pinya!

Lagot talaga ang babaeng yun!

I wear my off-shoulder fitted dress that hugs my curvy body, pinaresan ko rin 'yon ng black suede heel. I let my hair fall, hanggang pwetan ko lang ang buhok at may pagkakulot ang dulo. Tanging liptint, blush-on at powder lang ang inilagay ko sa aking mukha and then, I'm done!

Dali-dali kong hinblot ang sling bag sa malapad kong kama at saka lumabas ng sarili kong kwarto. Kailangan kong magmadali! Sinadya ko talagang hindi i-text si Faustino ngayon dahil isosorpresa ko siya sa condo unit niya sa La Union, pero kagabi pa naman talaga hindi nagpaparamdam sa akin ang mokong na Faustino na 'yon. Lagi kasi itong nag-iinom kasama ang mga kaibigan niya kaya baka hindi nagparamdam sa akin ay dahil lasing pa.

Tama! Tama! Lasing yun..

"Mommy! I'm going out!" Sigaw ko nang makababa ng ikalawang palapag ng mansyon namin.

Agad naman sumilip ang aking ina galing sa kusina. Scarlet Aguila, a daughter of Executive Secretary, Simon Abella and Miss Universe 1993, Britney Abella and a precious wife of a Senator, Christopher Aguila.

Tanging ang Kuya ko na si Christian Aguila at ang ina ko nalang ang natira sa akin. Patay na ang grandparents ko both side, pati ang ama namin ni Kuya. Lahat ng iyon ay dahil sa pag-ambush ng sinasakyan nito pauwi dito sa amin sa San Fernando.

On the way ang sasakyan na sinasakyan ng dalawang lolo at lola at saka ama ko sa San Fernando na galing sa Manila nang bigla itong hinarang at pinaulanan ng bala, kagaya ng sabi nung nakasaksi sa pangyayari. Christopher Aguila, a known Senator in the industry, Carlo Aguila, a head of police officer, Joana Aguila, a Vice-President, Simon Abella and Britney Abella died in that incident.

Sa sobrang dami ng may galit sa pamilya ko dahil sa sunod-sunod na parangal na natatanggap ng mga mahal ko sa buhay, dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo nila sa eleksyon ay hindi na namin ipinagtaka pa kung sino ang mga nag-utos na ipapatay ang mga mahal namin sa buhay.

I was just seventeen year old girl when that incident happened, when my loved ones died. At dahil sa insidenteng iyon ay naging miserable ang buhay ng aming ina at ng aking kapatid. Pati narin ang sa akin. Palagi kong sinisisi gabi-gabi ang mga pumatay sa mga mahal ko sa buhay. Pinapangako kong balang araw ay makakaganti rin ako dahil sa loob ng ilang taon simula nang mamatay ang lima ay hindi namin nakuha ang hustisyang para sa amin.

INSATIABLE 2: Precious Game (ON-GOING)Where stories live. Discover now